Saturday, November 27, 2010

FRUIT CAKE ng buhay ko

FRUIT CAKE ng buhay ko
                Ang bawat tao ay may kanya-kanyang paboritong pagkain ayon na rin sa kanyang panlasa at kagustuhan. Maaring ito’y matamis, maasim, maalat, malamig, mainit, malambot o matigas. Lahat ng ito’y nakadepende sa preperensya ng bawat isa. Marahil marami sa atin ang nagugulumihan at hindi makapagdesisyon kung anu nga ba ang kanyang paboritong pagkain. Anu nga ba ang ating paboritong pagkain?
                “Fruit cake” ang tawag sa paborito kong pagkain. Ito ay isang uri ng cake na kung saan ito ay may maraming sariwang hiwa ng prutas na nakalagay sa tuktok at nakapalibot dito. May iba’t ibang paraan ng pagdisenyo nito na nakabatay na rin sa kung paano mo maakit ang mga tao na bilhin ito. Sa unang tikim mo pa lang nito ay mapapawow ka sa sarap kaya naman ako ay nahumaling na rito at nagsilbi na itong paborito kong pagkain. Ang lasa nito ay napakasarap at hinding-hindi mo pagsasawaan.
                Ang pagkain ng fruit cake ay nakakatanggal ng depresyon ng isang tao dahil sa sayang kanyang naidudulot sa mga taong kumukakain nito dahil sa mga sariwang prutas at pinatuyong prutas, nuts at mints na nakalagay rito. Ang nutritional content na iyong makukuha ay nakadepende sa kung paano ito ginawa at anu-ano ang mga sangkap na ginamit sa paggawa nito. Mabibili ito sa mga bakery shops at supermarkets. Ang presyo nito ay nakadepende kung gaano ito kalaki at kung ano ang kalidad ng mga sangkap na ginamit sa paggawa.
                Sa unang pagkakataon na ako ay makatikim nito ay halos sumakit ang aking tiyan dahil sa sobrang pagkain nito. Sobrang sarap kasi niya eh kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili. Super YUMMY niya kaya!!TRY MO!!!
                IBA ang FEELING dahil sa fruit cake. Unang kita mo palang dito ay manunuyo na agad ang iyong lalamunan, mga mata mo’y magniningning at para bang ika’y nasa alapaap.. 


--Ruth Collado   
   #12

Friday, November 26, 2010

SOBRANG CHEESY ;)

Paborito ko talaga ang BLUEBERRY CHEESECAKE. Ito ay isang uri ng cake. Ito ay nagkakahalaga ng P70.00 hanggang P100.00 kada slice. Mabibili ito sa iba’t ibang mga bakeshop ngunit para sa akin, pinakamasarap ang Blueberry cheesecake ng SBARRO. Lagi ko ito inoorder  tuwing kumakain kami sa Sbarro. Ang ingredients ng blueberry Cheese cake ay 2 cream cheese room temperature, 2 cups cottage cheese, 1 1/2 cups sugar, 4 eggs, slightly beaten, 6 tablespoons cornstarch, 6 tablespoons all-purpose flour , 1 1/2 tablespoons lemon juice, 1 teaspoon vanilla extract, 1/2 cup melted butter or margarine, 2 cups sour cream, graham cracker crust, below, blueberry glaze, below. Ang Blueberry cheesecake ay maaaring pagkunan ng calcium dahil sa keso na ginamit bilang sangkap. Ito rin ay maaaring pagkunan ng Vitamin C at carbohydrates dahil sa asukal at sa prutas na bluberry.  

Para sa akin, masarap kumain ng cheesecake kapag may ka partner na kape. Napakasarap na tandem nito!  Parang natutulala ako kapag nakakakain ng cheesecake :) Subukan niyo rin kumain nito at hindi niyo makakalimutan ang lasa nitong nag aagaw tamis at asim. Ang BLUEBERRY CHEESECAKE ay walang kapantay para sa akin! 


CHARMINE CAMPOS ;)

Hindi lang basta ulam, ulalam! :D

Masasabing hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakain nito. Hinding hindi ito mawawala sa lamesa ng pamilya. Ang kakaibang lasa at asim nito ang dahilan kung bakit paborito ito ng nakararami. Sa katunayan, pwede na itong maging “pambansang ulam” dahil sa survey na ginawa noon ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ito ang nanguna sa pinakapaboritong ulam ng mga Pilipino. Marami rin itong bersyon sa iba’t bang bansa sa Asya. Ang tinutukoy ko ay ang SINIGANG.

Napakasarap nito at masarap kainin lalo na kapag umuulan, pero para sa akin kahit anong araw, oras o panahon ay masarap itong kainin. Iniisip ko pa lang ang pagkaing ito ay parang nangangasim at naglalaway na ako. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit gusto ko umuwi lagi ng Pampanga.

Ang sinigang ay prolific, maaaring lutuin sa kahit anong paraan at kung anong lasa ang gusto ng taong kakain. Sa pangunahing sangkap nito, maaaring gumamit ng bangus, baboy, baka, hipon o manok. Sinasahugan din ito ng kangkong, sitaw, labanos, kamatis o gabi. Sa pampaasim naman, maaring gumamit ng sampalok, bayabas,kamias o kaya kalamansi. Pero sa panlasa ko, swak na swak ang Sinigang na Bangus at Sinigang na Baboy na sampalok ang pampaasim na syempre, luto ng nanay ko. Sa mga sangkap pa lang na nabanggit kanina, garantisadong napakasustansya nito. Nagtataglay ito ng Calcium, Vitamin A, Iron, Protein, Iodine, Riboflavin, Thiamine, Carbohydrates, Vitamin C, atbp.. Lahat na yata.. :) Parang Centrum ito, complete from A to Zinc :)

Ang sinigang ay madaling hanapin. Maaaring mabili sa mga karinderya, fast food o kaya sa mga sosyal na restawran. Hindi ito mawawala sa menu ng mga kainan dahil mabili ito.
Noong hayskul ako, lagi akong umuuwi ng pagod at gutom at kapag Sinigang ang ulam, napapawi agad ang pagod ko sa unang higop pa lang ng maasim at malinamnam na sabaw. At kapag nginunguya ko na ang karne at gulay, parang nakakalimutan ko ang mundo sa sarap at walang pwedeng makaistorbo sa aking pagkain. 

Isang hindi ko malilimutan na karanasan na tungkol sa Sinigang ay noong nasa unang taon ako sa hayskul. Lagi kong kasama kumain ang dalawa kong kaklase (I miss you Zara and Jaja...) tuwing tanghali. Araw araw ay Sinigang ang order namin, tumatagal siguro iyon ng isa o dalawang linggo, hindi ko na matandaan. May mga guro kami na nakakasabay kumain at napansin nila iyon kaya kaming tatlo ay tinawag nilang ‘‘Sinigang Girls”. Hanggang sa klase ay tinatawag kaming Sinigang Girls pero buti na lamang agad itong nawala sa isip ng mga tao, hehe. Sa totoo lang ay di ko napansin na araw-araw kaming kumakain ng Sinigang kung hindi lamang sinabi ng gurong iyon. Sobrang sarap kasi ng Sinigang kaya hindi nakakasawa. Kahit araw-arawin! :D

CERTIFIED SINIGANG GIRL: MARJERIE DIZON QUINONES

My Ice cream, My Hero . =)





     Ano nga ba ang isang pagkain na kilalang-kilala sa buong mundo at paborito ng mga tao lalo na ng mga bata? Isang pagkain na sa tuwing makikita ko ay ‘di ko mapigilang bilhin at tikman. Pagkain na nagbibigay ng lamig sa mainit na panahon at nagdadala ng ngiting di mapapantayan sa muka ng mga bata. Ano nga ba ito? Wala ng iba kundi ang sorbetes o mas kilala sa tawag na ice cream.



     Ang sorbetes ay gawa sa gatas, cream, asukal at hinaluan ng iba’t-ibang klase ng pampalasa, minsan ay nilalagyan din ng itlog depende sa kung anong flavor ng ice cream. Simple lamang ang mga sangkap nito kaya maari itong gawin sa sariling bahay. Sa sarap ng lasa ng ice cream marami ang nagiisip na wala itong taglay na sustansya, ngunit ang sorbetes ay isang masustansyang pagkain. Ito ay may Protein, Carbohydrates, Fats at  mga Bitaminang A, B2, at B12. Masarap na, masustansya pa. Ang Ice cream ay may iba’t-ibang klase ng flavor na kinahuhumalingan ng mga tao depende sa uri ng panglasa nila. Maaari ring lagyan ng toppings ang sorbetes, o kaya naman isama sa ibang pagkain gaya ng cake, cookies, French fries at iba pa.


     Ang ice cream para sa akin ay may maraming gamit bukod sa pagiging pagkain nito, isa na ditto ay ng pagiging “stress reliever.”  Sinisigurado ko lage na ang refrigerator namin ay may lamang ice cream, bakit? Dahil ang ice cream ang karamay ko sa lungkot, pagod, problema at panghihina ng loob. Sa tuwing kumakain ako nito ay nakakalimutan ko ang di magagandang bagay na nangyayari sa akin. Marami na ding mga karanasan ang nabuo dahil sa pagkaing ito, kagaya ng mga pagkakaibigan na nabuo dahil sa ice cream (diba enna v.? :D), mga lakad na mas sumaya dahil sa pagakin nito, mga pagkikita para lamang sabay na kumain ng sorbetes, at mga tawanan na nabuo dahil sa panginginig sa lamig matapos kuamin ng ice cream J. Lahat ng ito ay nasaksihan ko at nakita ko kung gaano kasaya at kasarap ng mga nagiting nabuo dahil lamang sa isang pagkain.

     Ito ang paborito kong pagkain, Ice cream, na itinuturing ko na ding hero ko dahil sa sayang binibigay nito di lang sa akin pati na rin sa mga kaibigan at pamilya ko.


- Jocelyn Panquico . 1T4

WAFFLICIOUS!!! :)

Wafflicious!!





Naghahanap ba kayo ng mura at masarap na pagkain? Ito na ang hinahanap niyo, ang Waffle. Isa ito sa mga nakahiligan kong kainin simula ng pumasok sa UST dahil sa halagang P10-20 ay makakabili ka na nito at siguradong mawawala ang gutom mo pag natikman mo ito.

May dalawang kategorya ng fillings ang maaaring pagpilian sa Waffle. Ang una ay ang Savory Fillings, ito ay ang mga Waffle na may lamang karne tulad ng Hotdog, Bacon, Ham, Beef atbp. . Ang  mga ganitong waffle ay bagay na bagay sa mga taong may malaking sikmura dahil siguradong agad mapupunan at mawawala ang gutom. Ang Ikalawang kategorya naman ng fillings ay ang aking pinakapaborito sa dalawa, ito ay ang Sweet Fillings. Ito ay mga Waffle na may cream o kaya’y chocolate at mga iba’t ibang prutas tulad ng Mango, Pineapple atbp.

Ang aking karanasan sa pagkain ng Waffle na may filling na Swiss Chocolate ay talagang hindi ko malilimutan dahil, ng una ko itong matikman ay agad akong na adik sa lasa nito at sa aking pagkakaalala ay nakaapat akong ganito sa loob ng isang araw dahil talagang malalasahan ang tamis at hindi ito nakakaumay. Simula rin nito ay ang pag araw- araw kong pagkain sa Waffle at talagang hindi ako nagsasawa.

Ang mga sangkap naman sa paggawa ng Waffle ay: harina, baking powder, shortening, asukal, asin, itlog, gatas at mga syrup o kaya’y karne. Ang unang dapat gawin ay pagsama-samahin ang mga dry ingredients tulad ng harina, asukal, asin at ihuli ang baking powder. Pagkatapos pagsama- samahin ang mga dry ingredients ay kailangan itong salain gamit ang sifter upang mawala ang buo-buong harina. Sunod ay batihin ang mga egg yolks at ihalo ang gatas at shortening. Pagkatapos ay ihalo ang mga hinalong ingredients sa fluffy egg whites at sunod ay ihanda ang lutuan ng waffle. Antayin ang 10 minuto hanggang sa maging malutong ito at mag brown ang kulay. Ang mga sustansyang makukuha naman sa Waffle ay Protein, Bitamina A, Bitamina K, Bitamina B6 at B12; bagamat wala itong Bitamina C ay siguradong hindi ka kukulangin dahil ang mga benepisyo ng iba’t ibang Bitamina na makukuha ditto ay nakakapagpalinaw ng mata at nakakapagpatalas ng isipan.

Ano pa bang hahanapin niyo sa Waffle, mura na at masustansya pa kaya kung ako sa inyo try niyo na at siguradong hindi kayo magsisi kapag natikman niyo ito at baka magkaroon din kayo ng kakaibang karanasan tulad ng sa akin. : )



-Jhilline Bondad

Thursday, November 25, 2010

Manok at Itlog!

 
 
 
CHICKEN ADOBO WITH EGG
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.
Ang paborito kong pagkain ay walang iba kundi ang Chicken Adobo with Egg. Marami na akong natikmang iba’t ibang uri ng pagkain. Hindi na ito mabibilang sa gamit ang aking mga daliri. Napakaraming ulam o pagkain na siya namang napakasarap at tunay  nagpapasaya sa akin ngunit ang Chicken Adobo with Egg lamang ang tunay na number one sa puso ko. Taglay nito ang sensasyong  hindi mo kailanman ipagpapalit at hindi kailaman maipagkakait.  Ang kakaibang  sarap nito ay hindi pangkaraniwan na may dalang kakaibang hiwaga na tiyak o siguradong hahanap-hanapin at tunay na pananabikan ng sinumang makatitikim o susubok nito. Ang bawat sangkap nito ay tila may taglay na mahika kapag napagsamasama.  Ramdam mong manunuot sa iyong ispirito ang taglay nitong katamtamang alat na nagmumula sa sangkap nitong toyo at ang linamnam ng panaghalong karne at itlog ng manok  na siyang magpapabago ng buhay mo. Idagdag mo pa ang walang kupas na dahon ng Laurel na siyang nagbibigay ng karagdagang flavour at mayamang aroma nito na siyang tiyak na kukumpleto ng munting misteryo ng Chicken Adobo.
Ang pagkaing ito ay walang dudang masustansiya lalong lalo na kung natural ang pagkakaluto. Ito ay mayaman sa bitamina at protina na nakatutulong sa pagpapatibay at pagpapayaman ng ating mga tissues sa katawan. Dahil na rin sa isa itong pagkaing pinoy, siguradong mabibili lamang ito sa makatarungang halaga lalong lalo na kung sa mga lutong-bahay o karinderya ito bibilhin.  Nguniy maaari rin naming lutuin na ito ng aktuwal at personal. Kailangan lamang kumpletuhin ang mga sangkap na kailangan upang makabuo o makagawa ng perpektong Chicken Adobo with Egg.  Ang mga sangkap na ito : manok, itlog, toyo, suka, laurel at paminta ,ay kadalasang matatagpuan o mabibili sa saan mang super/hypermarket at maging sa mga pampubliko at local na pamilihan o palengke sa inyong lugar.
Tandaan, higit na mas masarap ang pagkaing ito kung pagsasaluhan ng isang buong pamilya.
Sa dinalas-dalas ng pagkain ko ng Chicken Adobo with egg ay masasabi kong kalian man ay hindi ito nabigo sa pagbibigay ng kaligayahan at ginhawa sa akin. The best talaga ang Chicken Adobo with Egg. Subok talaga! J
--ni Lyka Dela Cruz