Sunday, November 21, 2010




I Scream For Ice Cream
DQ's Chocolate Chip

                        Ito ay isang uri ng ice cream na mabibili sa Dairy Queen. Ito ay nagkakahalaga ng 99 pesos kung bibilhin mo ang pinakamalaking sukat. Kapag tinaob mo ang basong pinaglalagyan ng iyong ice cream, wala man lang kahit isang patak ang tutulo galing dito. Ang lasa nito ay napakasarap! Ito ay pinaghalong tamis at lamig. Ako ay nahahayper kapag nakakakain nito. Ngunit medyo may kamahalan siya pero SULIT naman. Sabi nila ang tsokolate daw ay nakapagbibigay ng enerhiya kaya kapag kayo ay kumain nito, magkakaroon din kayo ng enerhiya at mahahayper din tulad ko.

                        Kahit sino ay mabibighani sa itsura pa lamang nito. Paano pa kaya kapag ito'y matikman mo? Parang babae, kaakit-akit ang itsura, mas mamahalin mo pa kapag iyong nakilala. Nakakakain lamang ako nito kapag kasama ko ang aking pamilya. Nakagawian na kasi namin na kapag nagmall, hindi pwedeng hindi kumain sa Dairy Queen.

                        Sa totoo lang, bawat punta ko sa Dairy Queen, hindi ako tumitikim ng iba. Yoon at yoon lamang ang aking inoorder. Hindi ko alam basta hindi ko magawang magsawa. Sigurado ako kayo rin kapag natikman niyo na. Kaya, tara na! Bili na! Wow Endorser!


11 comments:

  1. haha funny mo! winner ung line mo na "Parang babae, kaakit-akit ang itsura, mas mamahalin mo pa kapag iyong nakilala."
    -kokoloo

    ReplyDelete
  2. kanina lamang ay kinain ko ito habang nasa fx pauwi at talaga nga namang nahayper ako sa sobrang sarap :D
    -gee

    ReplyDelete
  3. wow! buti nalang hindi ko isinulat ang ice cream kung hindi magkakapareho tayo.. msarap nga iyan, lalo na kung hahaluan ng almonds at sprinkles..

    =marianne=)))

    ReplyDelete
  4. NAPAKASARAP! Fave ko rin ito! Choc. chip din, mas masarap kesa Oreo, db? :)) Sulit na sulit nga! Hawakan mo pa ng pabaligtad. HAHA

    -Inah :*

    ReplyDelete
  5. haha nice!
    I agree!, kahit ilang beses ko pa lang sya natatry , masasabi ko talgang masarap sya. at sulit. Yung tipong uulit-ulitin mo talga. parang natakam tuloy ako. gusto ko kumain, now na... :)

    - 'Cel :3

    ReplyDelete
  6. LOVE IT! :) ang ganda ng blog mo, aliw. =)) napakasarap naman niyan mapapabili lhat pagkabasa nito. =))

    celyn

    ReplyDelete
  7. Isa rin yan sa mga paborito ko! Lalo na yung Blizzard Oreo :> Sobrang sarap nun. Pati rin pala ang kitkat :D
    -Cheska

    ReplyDelete
  8. woooh sarap tlga ng ice cream...nice janin long hair :">

    ReplyDelete
  9. masarap iyan. lagi akong bumibili nito lalo na pah ako'y nadedepress. ;/

    ReplyDelete
  10. wow! :D heaven talaga ang ice cream :)

    marj :)

    ReplyDelete