Tuesday, November 23, 2010

Tutti Frutti. Krispy Kreme. Starbucks.

Tutti Frutti. Krispy Kreme. Starbucks. 
sarap na hindi malilimutan.

           
                Alam niyo bang "HEAVEN" saakin ang SM San Lazaro dahil itong Tutti Frutti, Krispy Kreme at Starbucks ay magkakatabi :D.. (drooling)  Nang binigay ni Ginoo ang gawaing ito. Ako'y napahinto at sumabog ang utak ko kakaisip dahil nang sinabi pa lamang na pagisipan ang inyong mga paboritong pagkain. hindi na ako makapag-isip nang matino dahil nag-overload ang utak ko at naglalaway na sa kakaisip ng mga pagkaing gusto. at sa sobrang hindi ako makapili ng isa. Kaya itong tatlo na lamang ang aking Top Three most favorite :D
             Umpisahan natin sa Tutti Frutti, naalala ko pa nun ang aking unang tikim nito, kasama ko pa ang aking mahal na kuya. At nagulat pa ako klasi ung isang medium cup ay umabot kami ng 250+ at tinakot nya pa akong ako daw magbayad. Eh kuripot moments ko un. haha. pero siya pa din ang nagbayad. At natawa ako. at Sobrang nagulat pa ako kasi sobrang sarap di ko inexpect. hihi. dumako naman tayo sa Krispy Kreme at ang napakasarap nilang mga donut. At sa unang kagat sa kanilang donut ay sumasabog na ang tamis at sarap. at ito'y bagay na bagay sa isa ko pang paborito na inumin na Starbucks :D Starbucks. kailan lang naman nang magkaroon ng permanenteng Starbucks cafe sa amin probinsya. At nang simula noon ay lagi na kaming tumatambay doon. pag pasko na para kaming nagkequest sa isang laro para lang mabuo ang stickers sa starbucks planner :D.  
     :D Sa mga pinagsasabi kong ito ako'y nagugutom. Tara na at pumunta dito :D 
                                          Angelica Faye C. Portacio

11 comments:

  1. kaloka! prang ngkkwento lang ah. HAHAHA :)))

    ReplyDelete
  2. Wow! Kay sarap nga niyan. Parang story telling lang a? :) Kaso di afford bumili niyan lalo na kung hindi swak sa budget. Pero masarap nga iyan. Minsan lang ako bumili ng Starbucks at Krispy Kreme e. At yung pang-una ay di ko pa natitikman. Libre naman! :)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Sarap nman Faye.. hmm. share mo naman sa buong t4.. afford mo yan. hehe. :))

    -- Chrisdie

    ReplyDelete
  5. grabeh.. haha.. napakadame mo plang gusto.. katakam takam..

    =marianne=)))

    ReplyDelete
  6. Wow lang ah! Ang mamahal naman ng gusto mo. Ahaha!
    Pero heaven talaga sa sarap ang mga iyan! :)

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. kung ganyan kasarap ang mga pagkain mahirap talaga mamili :)

    marj :)

    ReplyDelete
  9. wow ate ang takaw mo naman. sana nililibre mo ako. haha :D
    pero sana sinasama mo ako sa tutti frutti puro ka nlng pangako. tsk.

    ReplyDelete
  10. Nakakagutom! Krispy Kreme,yesss paborito ko din yan. Yummmm. :) Heaven nga ang feeling dahil masasarap kahit na may kamahalan.

    -Camille

    ReplyDelete