Saturday, November 20, 2010

Macaroni Salad!!!!♥♥

     

Hindi ko talaga gusto ang macaroni salad noon, kaya tuwing gumagawa ang aking Ina nito ay gumagawa ako ng dailan para hindi mapakain nito, dahil sa lasa na medyo maasim na matamis minsan ay hindi ko nagugustuhan kaya ganun.

Isang beses gumawa si Mommy ng macaroni salad para sa tito ko dahil kaarawan niya at paborito niya ito, naisipan kong tikman ito, kaya ngayon sa tuwing gumagawa si Mommy nito ako pa mismo ang tumutulong sa paggawa nito. Ilan sa mga sangkap nito ay manok, elbow macaroni, mayonaise, mansanas, pineapple tidbits.
Mura lang naman ito pero masarap talaga.

Ang macaroni salad ay isa sa aking mga "comfort food" at sa kasalukuyan ay nagccrave ako para dito dahil minsan lang kami gumawa nito madalas akong nagccrave para dito kaya naman kapag gumagawa ng macaroni salad ang aking Ina ay marami na talaga siyang ginagawa dahil alm niyang paborito ko ito. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag ako ay kumakain nito at sumasaya pa. Hindi ko alintana ang mga calories kapag kumakain ng macaroni salad dahil ang mahalaga sa akin ay napapasaya ako nito kapag kumakain na ako. :D

Ysabel Andrea D. Tayco #47

14 comments:

  1. Masarap nga talga ang macaroni salad. Mayroon akong hindi malilimutan tungkol diyan. :"> Nice!

    ReplyDelete
  2. Hindi rin ako kumakain niyan tulad mo at hanggang ngayun ay ganoon ako. Pero ngayon, mukang na'motivate mo ko kumain niyan ah :-)

    -- Bey

    ReplyDelete
  3. Masarap nga ito! Gumawa ako nito noong unang taon sa hayskul na may lahok na prutas :) Napakasarap!

    ReplyDelete
  4. Madalas ko iyang makita sa mga kainan at handaan. Napakasarap nga niyan, lalo na kung tamang-tama ang timpla. Masarap at mura na, masustansya pa. :-) Hindi ito madaling pagsawaan.

    -Guennie

    ReplyDelete
  5. Tunay na masarap nga ito! :) Lalo na isa yan sa mga putahe na hindi dapat wala sa pasko! Dalan mo naman kami niyan haha :D
    -Cheska

    ReplyDelete
  6. naku! sobrang favorite ko tong macaroni salad! lalo na kung malamig ito! :))

    -trish!

    ReplyDelete
  7. Una ko itong natikman sa Kenny Rogers at nasarapan ako! Yummy! Parang gusto ko tuloy magpagawa kay mama ng ganito. :D

    ReplyDelete
  8. Oo nga! Sumasang ayon ako na sa una ay parang hindi mo magugustuhan ang lasa nito ngunit kapag nakain mo ulit ay parang nagiiba ang pananaw mo sa lasa nito.:)
    - Renz

    ReplyDelete
  9. ayie. Halos magkapareho tayo ng blog Macaroni salad nga lamang ang iyo. :) Kay sarap nito lalo na kapag ito ay malamig. Paborito ko tong kainin sa KFC .

    -- cams:]]

    ReplyDelete
  10. Masarap ito, bagay ngayong paparating na pasko! :)) :-bd

    -Inah <3

    ReplyDelete
  11. Noong kasama ko din ang aking papa, gumagawa din kami ng salad. Kay sarap ng lasa ngunit masarap din ang pagsasama ng anak at magulang kapag gumagawa nito. Nakikita talaga natin na para sa pamilya ang salad. Sarap! -uy

    ReplyDelete
  12. Pakisabi sa Mommy mo na padalhan ako ng Macaroni dahil sa tingin ko ay sobrang sarap nya gumawa :) Masarap din ang fruit salad, try mo?! ahahaha..
    Madali lang ba gumawa neto?Gawan mo ko!Turuan pala.. :PP

    -Super Enna V.

    ReplyDelete
  13. hindi ko rin gusto ang macaroni salad pero sana magbago din tulad mo ang tingin ko dito pag tinikman ko ulit :)

    marj :)

    ReplyDelete