Wednesday, November 24, 2010

sa bubong ng kaligayahan :))



Cloud 9 ang aking paboritong pagkain. Ito ay isang tsokolateng pahaba at kapag kinagat mo ay lalo itong hahaba. Masarap ito lalo na kapag kinakain mo ito habang ikaw ay nasa bubong at pinagmamasdan ang mga ulap na dumadaan. Maraming klase ng Cloud 9 ngunit walang tatalo sa orihinal na Cloud 9. Sa halagang walong piso ay makakabili ka na ng isa nito sa inyong suking tindahan.

 Napakasarap nito at sobrang sarap at ubod ito ng sarap. Matamis at malambot at sa madaling salita ay masarap. Sa sobrang sarap nito ay para akong nasa langit na punung-puno ng mga naggagandahang mga anghel.Sa bawat pagkaskas ng asukal sa aking dila ay parang kinakaskas paalis ang lahat ng aking mga kasalanang nagawa. Ito ang kasama ko kapag ako ay malungkot at walang matakbuhan.

Ang pagkain ng Cloud 9 ay may magandang naidudulot sa ating kalusugan. Ang tsokolate nito ay nagpapasaya sa ating lahat kaya ito ay pwedeng magbawas ng "stress" sa katawan at ang stress ay isa sa mga nagpapalala ng mga sakit. Sa tingin ko ang Cloud 9 ay makakatulong sa paggaling ng mga taong may sakit. Kaya kumain tayo nito kahit isang beses sa isang linggo. Sulit na sulit ang pera mo sa Cloud 9 ko!



 James Jandusay

5 comments:

  1. Msarap nga naman ang cloud 9! Pag nakaramdam ka ng kaunting gutom, o 'di kaya'y pag gustong magmeryenda ay pwede mo itong kainin.:)
    -Renz

    ReplyDelete
  2. kpag kinagat ito ay lalong hahaba! elastik! hanep ang cloud 9!

    ReplyDelete
  3. Sobrang sulit nito! Nakaka-aliw yung gitna ng Cloud na, humahaba pag kinakagat. :)) Naaliw akong nugn nabasa ko na nakapag-tatanggal ito ng Stress? AMAZING! :-bd

    -seatmate, Inah. :P

    ReplyDelete
  4. Aba, bongga. Kitang kita ko na feeling heaven talaga tuwing ikaw ay kumakain nito. Ikaw ay nahihigh! :)

    ReplyDelete
  5. mas masarap pa rin ang original na cloud 9 pro mdikit sa ngipin :)

    marj :)

    ReplyDelete