Thursday, November 25, 2010

shembot ayskriim :))



NIÑA MOZO

Maraming pagkain ang pwedeng maging paborito ng isang tao depende sa panlasa nito. Ngunit paano nga ba nagiging paborito ng isang tao ang isang partikular na pagkain o putahe?

Kung ako ang tatanungin, maaaring nagiging paborito niya ito dahil may kakaiba siyang nararamdaman habang kinakain ito. Para bang hindi makukumpleto ang araw niya kung hindi sya makakatikim nito. O di kaya’y nasarapan siya sa unang pagkakataong nakain niya ito at hindi na niya ito naalis sa isip niya.

Isa sa mga paborito ko ay ang ICE CREAM o SORBETES. Ito ay isang uri ng dessert na pwedeng kainin kahit saan, anumang oras. May mga ice cream na nilalako sa kalsada o mas kilala bilang DIRTY ICE CREAM. May iba naman na mabibili sa inyong suking tindahan o grocery store tulad ng SELECTA o NESTLE. At ang iba naman ay mabibili sa mismong shop o stall nito tulad ng DAIRY QUEEN o MR. FROSTY.

Isa sa mga kinagigiliwan kong ice cream ngayon ay ang DAIRY QUEEN BLIZZARD partikular na ang CHOCOLATE ALMOND flavor. Ito ay chocolate ice cream na tinadtad ng sangkatutak na roasted almonds. J

Maraming naitutulong ang ice cream sa isang tao. Pwede itong pantanggal init lalo na kapag panahon ng summer. Maaari rin itong makatanggal ng iyong depression o stress lalo na sa mga broken hearted. Pagdating naman sa kalusugan, ito ay isang good source ng calcium dahil isa sa mga ingredients nito ay gatas. Ito rin ay low in protein. 
Kaya sa mga ayaw ng ice cream na alam kong wala naman. :p Bakit hindi niyo tikman at namnamin ang sarap ng ice cream? Tiyak na masisiyahan kayo! TRY NIYO!! J


Wednesday, November 24, 2010

sa bubong ng kaligayahan :))



Cloud 9 ang aking paboritong pagkain. Ito ay isang tsokolateng pahaba at kapag kinagat mo ay lalo itong hahaba. Masarap ito lalo na kapag kinakain mo ito habang ikaw ay nasa bubong at pinagmamasdan ang mga ulap na dumadaan. Maraming klase ng Cloud 9 ngunit walang tatalo sa orihinal na Cloud 9. Sa halagang walong piso ay makakabili ka na ng isa nito sa inyong suking tindahan.

 Napakasarap nito at sobrang sarap at ubod ito ng sarap. Matamis at malambot at sa madaling salita ay masarap. Sa sobrang sarap nito ay para akong nasa langit na punung-puno ng mga naggagandahang mga anghel.Sa bawat pagkaskas ng asukal sa aking dila ay parang kinakaskas paalis ang lahat ng aking mga kasalanang nagawa. Ito ang kasama ko kapag ako ay malungkot at walang matakbuhan.

Ang pagkain ng Cloud 9 ay may magandang naidudulot sa ating kalusugan. Ang tsokolate nito ay nagpapasaya sa ating lahat kaya ito ay pwedeng magbawas ng "stress" sa katawan at ang stress ay isa sa mga nagpapalala ng mga sakit. Sa tingin ko ang Cloud 9 ay makakatulong sa paggaling ng mga taong may sakit. Kaya kumain tayo nito kahit isang beses sa isang linggo. Sulit na sulit ang pera mo sa Cloud 9 ko!



 James Jandusay

TUTTI FRUITY SALAD

TUTTI FRUITY SALAD 
Tayo ay may kanya-kanyang paboritong pagkain na siguradong ikakasaya mo pag ito ay iyong natikman. Ang paborito kong pagkain ay ang Fruit Salad. Ang Fruit Salad ay maraming sangkap na napakasarap at masustansya.

Di ko maitatago na sa una palang ay paborito ko na ang panghimagas na ito. Sa unang tingin palang ay mabubusog na ang iyong mata at matatakam sa sarap nito. Ang mga nilalaman nito ay mga prutas na makakabuti para sa ating kalusugan. Ang iba’t-ibang prutas ay pinagsasama upang makabuo ng napakasarap ng panghimagas. Bawat isa ay may kanya-kanyang lasa. Ang mga sangkap nito ay fruit cocktail, buko, nata de coco, kaong, at gatas. Mga sangkap palang siguradong hindi ka magsisi kapag iyo nang tinikman. Paghahalo-haluin ito at makakabuo na ng paborito ko na Fruit Salad. Matrabaho nga lang ang paggawa ng Fruit Salad pero hinding-hindi ka magsisi sa kalalabasan dahil makakalimutan mo ang iyong pangalan sa sarap. Hindi mawawala ang Fruit Salad sa Pasko. Laging mayroon ito sa hapagkainan. Karaniwang ginagawa ito kapag may mga handaan na espesyal. Masarap ito kapag napakalamig na inihanda at galing pa sa freezer.

   Para sakin ang Fruit Salad ay isa sa mga paborito ko na pagkain na siguradong hindi ko pagsisihan na aking ito natikman. Sana kayo rin ay magustuhan ang lasa nito. Masustansiya na masarap pa! San ka pa?
                                                                                             

  *Angeline Dulay:D

Tuesday, November 23, 2010

Tutti Frutti. Krispy Kreme. Starbucks.

Tutti Frutti. Krispy Kreme. Starbucks. 
sarap na hindi malilimutan.

           
                Alam niyo bang "HEAVEN" saakin ang SM San Lazaro dahil itong Tutti Frutti, Krispy Kreme at Starbucks ay magkakatabi :D.. (drooling)  Nang binigay ni Ginoo ang gawaing ito. Ako'y napahinto at sumabog ang utak ko kakaisip dahil nang sinabi pa lamang na pagisipan ang inyong mga paboritong pagkain. hindi na ako makapag-isip nang matino dahil nag-overload ang utak ko at naglalaway na sa kakaisip ng mga pagkaing gusto. at sa sobrang hindi ako makapili ng isa. Kaya itong tatlo na lamang ang aking Top Three most favorite :D
             Umpisahan natin sa Tutti Frutti, naalala ko pa nun ang aking unang tikim nito, kasama ko pa ang aking mahal na kuya. At nagulat pa ako klasi ung isang medium cup ay umabot kami ng 250+ at tinakot nya pa akong ako daw magbayad. Eh kuripot moments ko un. haha. pero siya pa din ang nagbayad. At natawa ako. at Sobrang nagulat pa ako kasi sobrang sarap di ko inexpect. hihi. dumako naman tayo sa Krispy Kreme at ang napakasarap nilang mga donut. At sa unang kagat sa kanilang donut ay sumasabog na ang tamis at sarap. at ito'y bagay na bagay sa isa ko pang paborito na inumin na Starbucks :D Starbucks. kailan lang naman nang magkaroon ng permanenteng Starbucks cafe sa amin probinsya. At nang simula noon ay lagi na kaming tumatambay doon. pag pasko na para kaming nagkequest sa isang laro para lang mabuo ang stickers sa starbucks planner :D.  
     :D Sa mga pinagsasabi kong ito ako'y nagugutom. Tara na at pumunta dito :D 
                                          Angelica Faye C. Portacio

Pinoy Macaroni Salad: Add Sparks into your Life ★



Pinoy Macaroni Salad ★
by: Mary Grace Fernandez

"Mag-isip kayo ng inyong paboritong pagkain," sambit ng aming propesor sa Filipino 2. Napatitig ako bigla kay Ginoo. Ha? Ano? Pagkain? Mula tuloy noon ay oras- oras na akong napapaisip kung ano nga ba ang paborito kong pagkain. Alam kong pare-parehas rin naman kami ng aking mga kaklase na nag-iisip tungkol doon.  
Adobo? Fried Chicken? Spagetti? Napakaraming masasarap na pagkain diyan! Pero ano nga ba para sa akin ang kahulugan ng 'paborito' at 'paboritong pagkain'? Isip dito, Isip doon... Hindi ko alam kung papaano at kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang Pinoy Macaroni Salad.  Sa oras ding naisip ko ang salad, alam kong iyon nga ang masasabi kong 'paboritong pagkain' talaga. Yun bang naiisip mo pa lang ang itsura ay gutom na gutom ka na. Nararamdaman nyo rin ba iyon?

Ang Pinoy Macaroni Salad ay isa sa mga kilalang panghimagas na pagkaing pinoy. Madalas itong inihahanda tuwing may espesyal na okasyon o selebrasyon sa bansa. Talaga namang naging parte na ito ng kulturang pinoy! Katulad ng ibang pagkain, may iba't- ibang istilo ang pagluluto ng Macaroni Salad, depende sa lugar o bansa na ipinaghahandaan nito. Ipinaghalong elbow macaroni noodles, grated carrots, shredded cheese, chicken breast chunks, mayonnaise at celery seed ang sangkap ng Pinoy Macaroni Salad. Bawat kagat ay tiyak na  punong- puno ng sustansya. Siksik ito sa carbohydrates,protina,pottasium, bitamina at marami pang iba!
 Maari itong bilhin sa iba't- ibang food establishments o kaya naman ay pwedeng home- made na lang. Palagi ko itong binibili sa KFC, Tropical Hut o Wendy's dahil hinding- hindi nila ako binibigo sa lasa. Hindi naman ito masyadong mahal at swak na swak talaga sa panlasang pinoy! 

Ang Pinoy Macaroni Salad ay isang panghimagas na tunay kong hahanap- hanapin dahil lumaki ako sa sarap at linamnam nito! Hindi lamang sa lasa at halaga kung bakit pinili ko ito, ngunit sa panahong ito'y inihahanda tuwing may espesyal na selebrasyon sa aming tahanan- isang pagtitipong pinagsasaluhan kasama ang Pinoy Macaroni Salad. :)



-Tweet.


SINAMPALUKANG MANOK!!


SINAMPALUKANG MANOK!!
Lahat tayo ay may kanya-kanyang gusto. Maaaring lugar, bagay, inumin, pati narin sa katanginan na hinahanap sa isang karelasyon. Ngunit sa bawat kategorya ay may natatangi o young pinaka gusto o sa madaling salita PABORITO.

                Marami akong gustong pagkain, pagkain nga mismo ay ang pinaka gusto kong ginagawa. Ngunit may isang natatanging potahe na aking pinakagusto at laging inaasam-asam. Sinampalukang manok, isang potahe ng manok na nilagyan ng katas ng sampalok. Ang sangkap ng potaheng ito ay Manok, ang pangunahing sangkap, sampalok, na nagbibigay ng kakaibang asim, sibuyas, luya, atbawang na panggisa, at ang huli ay ang dahon ng sili. Itong sangkap na ito ay ang pangunahin at ang basic. Ang sinampalukan ay nagiiba depende sa lalawigan at kung minsan may idinaragdag pang kung anu anu. Ang gusto ko ay  yung simple lang gnunit sapak sa sarap.

                Minsan, noong nagluto ako ng sinampalukang manok, sa sobrang galak at nakapagluto akong muli ng sinampalukang manok, nakalimutan kong maglagay ng luya na pangtangal ng lansa ng manok. Hindi tumigil sa katatawa ang pinsan ko at kaibigan ko na kasama ko sa apartment.

                Napaka sustansya ng sinampalukang manok. Mayroon itong bitamina C na nasa sampalok, protina na kailangan n gating katawan, atsapat lamang ang kalori na taglay nito para sa ating katawan.

                Simple lang lutuin ang potaheng ito. Igigisa lang ang manok, ilalagay ang sampalok at ilalagay ang katas ng sampalok sa ginisang manok at lagyan ng kaunting tubig at ilagay ang dahon ng sili.

                Masarap itong potaheng ito,sa katunayan hindi magkamayaw ang aking pagsubo kapag ang ulam ay ito. Pero higit na nagpapasarapang masaya at samasamang pamilya na kumakain ng sanbay-sabay  sa hapag kainan.

ARVI B. CABUGAO

Ang Walang Kamatayang Siomai. ♥

Siomai, Shumai, Shao mai, Siew mai.

by: Macrina G. Estropia

 ♥



Ano ang Paborito kong Pagkain? Isa lang ang pumasok sa Isipan ko, Siomai na yan. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, sigurado ako na lahat naman tayo ay gustong maka-tipid. Dito ko nadiskubre ang Siomai sa Carpark ng UST. 

Sa halagang Php 25, siguradong busog ka na. Gustong gusto ko ito kainin pag Break time, ipareho mo lang ang isang order ng kanin solve na solve ka na, hindi pa sasakit ang bulsa mo. 
   
 Ang Pork Dumplings mas Kilala Bilang Siomai, ay isang   tradisyonal na Pagkain sa Tsina at ito rin ay isang Klase ng Dumpling. May tatlong Klase ito, ang Cantonese Suimai at ang Jiangnan Shaomai. Ang Cantonese Suimai ay tinatawag na "Pork Mushroom Dumpling" at ang Jingnan Shaomai naman ay naiba dito dahil sa katigasan ng Wanton Wrapper at sa laki nito. Meron din namang Filipino Siomai, ang bersyon nating mga Pilipino na kadalasang  ginagamitan ng Steamer o minsang piniprito. Kadalasan din itong kinakain na may kasamay Chili Garlic Sauce, Soy Sauce at Kalamansi. Ang Siomai  ay merong din taglay na Proteina na pandagdag syempre ng Enerhiya. 

Hindi makukumpleto ang linggo ko hangga`t hindi ako nakakatikim o nakakakain ng Siomai. Napakamalinamnam nito. Hindi ko makakalimutan ang pagpapakilala sa akin ni Enna Villianueva ng Master Siomai, dahil nahawa ako ng tuluyan sa kanyang pagkahilig rin nito. Kaya masasabi ko ngang isa ito sa aking  mga "comfort food", dahil pag kinakain ko ito, nararamdaman ko ang pagka-kontento at ang mga  magagandang alaala noong sabay sabay naming pinag-sasaluhan ng mga kaibigan ko ito.




 Siomai, Swak sa Panlasang Pinoy :-bd