Saturday, November 20, 2010

Ang "Fisherman's Paella"



Nakatikim ka na ba ng masarap na paella? Hilig mo ba ang mga pagkaing-dagat o kung tawagin natin ay seafoods? Kung oo, tiyak kong magkakasundo tayo. Marinig ko pa lamang ito, nagkakaroon na ng matamis na ngiti sa aking labi. Kilalang-kilala na sa atin ang paella o ang valensyana. Alam na alam natin ito sa kakaiba nitong kulay at sarap. Nagmula man ito sa bansang Espanya, humahawak ito ng espesyal na lugar sa puso ng mga Pilipino. Marami man ang maaaring gawing luto dito, iisa lamang nakakuha ng aking pansin, ang Paella Marinera.

Ang Paella Marinera ay isang klase ng luto ng paella na hinaluan ng iba’t-ibang mga sariwang pagkaing-dagat. Ito  ay tinatawag ding “Fisherman’s Paella”. Tiyak namang napakasayang maghanda ng isang Paella Marinera dahil maaari kang mageksperimento depende sa iyong kagustuhan. Wala itong istandard na recipe, bawat rehiyon at mga indibidwal ay may iba-ibang taktika sa pagluto nito. Ang mga sangkap nito ay seafoods tulad ng hipon, tahong, pusit at kabya. Maaari rin itong samahan ng kaunting manok. Mahalaga ang kanin o bigas sa lutuing ito. Kinakailangan rin ng sibuyas, siling pula, at tomato sauce o tomato paste upang maging perpekto ang lasa. Maaari pang magbago ang mga bagay na ito depende sa gusto ng taong nagluluto. Tamang-tama lamang ang lasa nito. Matitikman mo ang halong tamis, asim at alat sa pagkain nito. Lumulutang din ang lasa ng pagkaing-dagat. Ito rin ay makulay, nakakapukaw ng pansin at nakakadagdag ng gana sa pagkain. Maaari itong makita sa mga restawran katulad ng Las Paellas CafĂ©. Nagkakahalaga ito ng 300-500 piso. Maaari itong ihain sa 2-5 na tao. Pwede rin naman itong gawin sa bahay, upang mas makatipid at makuha ang lasa na nais mo. Isa pang nakakatuwang bagay tungkol sa Paella Marinera ay naglalaman ito ng sustansya. Bagay ito sa mga taong naghahanap o nangangailangan ng mataas na protina. Mayroon din itong mga bitamina, tulad ng Vitamin C at Vitamin B12. Masarap sa pakiramdam sa tuwing ako’y makakakain nito, lalo na kung kasabay ko ang aking mga mahal sa buhay. 

Kung masarap na pagkain ang inyong hanap, matutugunan ng Paella Marinera ang lahat ng inyong inaasahan. Ang bawat sarap ay may katumbas na sustansya at ngiti. Hindi man ito ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo para sa iba, ipinagmamalaki kong ito ay hinahanap-hanap ko.       

- GUENIEVERRE C. TALASTAS

19 comments:

  1. Napaka sosyal naman ng iyo :D Masarap nga yan lalo na yung kanin na kasama!
    -Cheska :D

    ReplyDelete
  2. Wooow! Tama! Napaka-sosyal naman ng iyo. :) Gusto ko din yang matikman! Yummy!

    Napaka-impormatib ng iyong blog Guen! Napakahusay! :D

    ReplyDelete
  3. Wow! =) titikman ko ito :)
    tama nga si cheska, sosyal! haha.
    Mahilig ka pala sa seafoods :D

    ~mara

    ReplyDelete
  4. ay grbe, kasosyal nman nyan :)) ngunit bongga ha. un nga lng mahirap ata mkabili nian.

    ReplyDelete
  5. Hindi pa ako nakakakain nito, ngunit ako ay naengganyong tumikim matapos basahin to. Magaling!

    ReplyDelete
  6. Nice blog Guenie. :)
    Sarap ng BLOG mo hahahahaha! Kakagutom.. I'l try this sometime :)

    ReplyDelete
  7. wow!!! sosyal naman. :D
    mukang masarap :)

    ReplyDelete
  8. Sa tingin pa lang masarap na! :)) very informative! :D

    ReplyDelete
  9. allergic ako sa seafood! :DD pero mukang msarap naman kaya i like :)) nice blog couz.
    RONiEL™

    ReplyDelete
  10. Ang sarap naman niyan Genibib.. :D oo nga masarap talaga ang Paella. although isang minsan lang ako kumain niyan..hahaha

    Ang sosyal naman..:D

    ReplyDelete
  11. wow ang sarap naman nyan guen. minsan bigyan mo ko niyan ha. haha! :))

    -trish

    ReplyDelete
  12. Seafood paella? Something different to our taste. I'd like to have a taste of this also! Great job Guen! :D
    -Donna S.

    ReplyDelete
  13. hmmm it taste great waaah... can i have one? Great job :D

    ReplyDelete
  14. Ang bongga naman, Fisherman's Paella! Ang sosyal naman, masubukan ngang tikman! Mukhang katakam-takam! -megan

    ReplyDelete
  15. Wow! Sis, gusto ko itong matikman at mukhang masarap. Dalhin mo naman ako minsan diyan sa restawran na yan. Hehe! :)

    ReplyDelete
  16. Hihintayin ko ang araw kung kailan matitikman ko ang putahe na ito. - uy

    ReplyDelete
  17. ang sosyal naman ng pagkaing iyan.. haha.. sana makatikim din ako niyan..

    =marianne=)))

    ReplyDelete
  18. sosyal naman nyan guen :) madalas din kami magseafood pero di pa ako nakatikim ng ganyan :) magandang subukan :)

    marj :)

    ReplyDelete