Sa dinami dami ng pagkain na natikman ko mula pa ng aking pagkabata, ano nga ba ang masasabi ko na pinakamasarap o ang pinaka paborito ko? Kung tutuusin, napakarami! Napakarami ng pagkain na aking natikman na swak na swak sa aking panlasa at paulit ulit ko lang kinakain ang mga ito.
Pagtungtong ko ng kolehiyo, naaliw ako sa dami ng makakainan sa paligid ng unibersidad. Hindi ako magkamayaw sa dami. Tila ba gusto ko lahat kainan ang mga ito ng sabay-sabay. Pero may isang pagkain na sadyang pumukaw sa aking panlasa. Hindi ko makakalimutan ang unang pagkakataon na natikman ko ito.
Isang araw, Huwebes, may nakalaan na tatlong oras para sa amin upang kumain. Tatlong oras, napakatagal nito. Saan kami pupunta? Saan kami kakain? May nabalitaan kami na may isang kainan daw sa P. Noval na paboritong kainan ng mga Tomasino. Mang Toots, Mang toots ang pangalan ng kainan. Nagdesisyon kaming kumain doon dahil napakamura at napakarasap daw ng mga pagkain nila doon. Pagdating naming doon, ang daming estudyante, puro nga Tomasino. At may isang panghimagas dito na pinagkakaguluhan ng lahat. Itsurang maliit na turon ito. Kami naming mga baguhan ay nagtaka kung ano ito kaya umorder din kami. Banana-rum-a ang tawag nila ditto. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ng aking tanghalian, di ko na pinatagal pa ang pagtikin sa panghimagas na ito. Sa unang tikim ko palang, aba! Napukaw ang aking panlasa. Napakasarap! Hindi nakapagtatakang pinagkakaguluhan ito. Nabalitaan pa naming na kaya sumikat ang kainan ni Mang Toots ay dahil sa panghimagas na ito. Kakaiba! Hindi ko mawari kung anong meron dito. Hindi mo mapipigilang balik-balikan kapag natikman mo. Tila ba maadik ka at hahanap hanapin ang lasa nito.
Isang araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na makakwentuhan si Mang Toots habang niluluto niya ang Banana-rum-a na napagpabago ng buhay niya. Nagkaroon kami ng pagkakataon na itanong sa kanya ang sikreto ng napakarasap na panghimagas na ito. Sabi niya, mayroon daw itong hiniwa-hiwang saging na binalot sa pambalot ng turon at saka pinagulong sa pinaghalo halong gatas, asukal at cinnamon. Niluluto ito sa malaking kawa na may maraming mantika, may langka, may caramel, at alak. Pero “personal touch” daw ang tunay na nagpapasarap ditto. Kahit napakarami niyang tauhan ay siya pa rin ang nagluluto ng Banana-rum-a na ito.
Hinding hindi ko makakalimutan ang pangayayaring ito sa buhay ko. Salamat kay Mang Toots na nagimbento ng kakaibang panghimagas na swak na swak sa panlasa ng lahat.
-Katrine Sanvictores
Tunay nga na napakasarap nito at napakamura pa!:)Kaya ito'y binabalik-balikan ng mga estudyante. Lalo na ang mga Tomasino:)
ReplyDelete-Con:)
Tama! masarap ang BANANA-RUM-A nila! Sobrang sulit pa dahil sa mura nitong halaga.Hindi ko maitatanggi na napabili din ako ng maraming ganito nung una ko itong natikman. :)
ReplyDeleteHindi ko pa iyan natitikman..pero mukang masarap nga naman. :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteTalaga ngang napakasarap nito. Kahit ako mismo ay parte din ito ng aking mga napapaboritong pagkain :)
ReplyDelete-Louise<3
Masarap nga ang BANANA-RUM-A ni mang toots! Kapag umorder, hindi maaaring hindi bibili ng bananarama :D Magaling ang pagkakagawa nila noon ano? Mahusay! Ipagpatuloy nating ang pagtangkilik sa BANANA-RUM-A ni mang toots! -megan
ReplyDeletenakakagutom naman iyan. ;/
ReplyDeletebibili ako niyan kapag napadaan ako ng Mang Toots! :P
GRRABE! paborito ko rin iyan!!! sobrang salamat sa iyong blog dahil tuwing kakainin ko yang banana rum-a iniisip ko tlga kung anung sikreto nian, ayan alam ko na ang mga sangkap niya! pero sa mang tootz lng ata makakakain ng ganung kasarap! woo! buti nlng di ako nalalasing kasi may alak pala un. HAHAHHA
ReplyDelete-KOKO :>
Ako ay sobrang natuwa sa gawa mong ito :) Napakagaling :) Swak na swak ang iyong mga paglalarawan. Ako'y humanga! :)
ReplyDelete-Yen♥
Bukas na bukas din ay titikman ko ang Banana-rum-a mo kat.
ReplyDeleteBt kaya hindi ko ito naisip? Isa rin ito sa mga Paborito kong kainin. Mura na, sulit pa! :))
ReplyDelete-Inah
dahil sa mga sinabi mo ay parang gusto ko na din subukan :)
ReplyDeletemarj :)
ang sarap niya! 3 for 10 Php. kumain kami kanina :))
ReplyDelete