Ang aking paboritong pagkain ay ito - Graham Cake. Bata pa lamang ako noong una ko itong matikman at mula noon ay HINDI PA, at HINDI NA ito maalis sa aking isipan.
Ang lasa nito ay madalas kong hanap-hanapin sa aking pamilya, dahil ang gawa nila ay ang pinakamasarap na natikman ko sa buong mundo. Minsan pa nga ay marami kaming gumagawa nito ngunit sa huli ay ako pa rin ang makakaubos nito.
Ang mga sangkap nito ay All Purpose Cream, Condense Milk, Graham Crackers at Peaches o anu mang uri ng prutas na gusto niyong ipaibabaw, maaari itong mangga o fruit cocktail.
Gusto niyo bang matutunan kung paano ito gawin? Sundin niyo lamang ang aking mga sasabihin:
Una, Ipaghahalo muna ang All Purpose Cream at Condense Milk hanggang sa ito'y lumapot.
Pangalawa, Ilagay ang Graham Crackers sa isang lalagyan at siguraduhing ang lahat ng sulok ay malalagyan, kagaya ng nasa larawan.
Ikatlo, Patungan ito ng cream na hinalo at lagyan ulit ng graham crackers sa ibabaw.
Gawin natin ito ng paulit-ulit hanggang sa mapuno ang lalagyan. Maaari na itong lagyan ng prutas sa ibabaw at ilagay sa refrigerator ng isa hanggang sa dalawang araw, at pwedeng-pwede na natin itong kainin.
Kung ako lamang ang tatanungin ay mas makakamura ka sa keyk na ito kumpara sa keyk ng Red Ribbon at Goldilocks. Ang presyo lamang na nagastos ko ay humigit kumulang na dalawangdaan at limangpung piso (250php). Murang-mura hindi ba?
Napakasarap pa nitong ihanda ngayong nalalapit na pasko, kasama ang iyong pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay. Swak rin itong meryenda habang nanonood ng telebisyon at iba pa.
Sinisigurado kong isang kagat niyo lamang rito ay makakalimutan niyo ang inyong problema, pagod at pati ang inyong pangalan. Ang graham crackers na sinamahan ng cream nito ay panalo sa kombinasyon. Dahil dito ay napapalambot ng cream ang tinapay kaya ito nagiging keyk. Ito rin ay mayaman sa Calcium at Potassium na nagpapalakas ng buto.
Tayo ay makasisiguro pang malinis ang ating kinakain sapagkat ikaw mismo ang gumawa nito. kay, TARA! at sabay-sabay tayong gumawa ng keyk na gawa sa Graham. : )
- Lim, Erika Bianca S.
hmmmm.. masarap nga ang graham cake!! mahusay na paglalarawan! :)
ReplyDeleteomg!!masarap nga ang graham cake.natatakam tuloy ako ngayon sa napakasarap na lasa nito!!hahaha
ReplyDeleteako ay marunong gumawa ng crema de fruta gamit ang graham crackers at tunay nga namang napakasarap nito... mahusay!! :D
ReplyDeleteWow! Syaaks. Ang sarap naman niyan. Katakam takam. Yummy! =)) Ako din. Paborito ko din iyan. Masarap yan na panghimagas pagkatapos kumain. :) Love it!
ReplyDeletePS. Pa-comment din. Hahaha! :))
-Louise<3
masarap nga :P sulat pa lang nalalasahan ko na :P
ReplyDeleteAndaling gawin :) Gagawin ko ito sa Pasko sana ma-perfect ko :D Salamat sa impormasyon!Masarap itooooo :P
ReplyDelete-Enna V.
paborito ko din yan.. napakadali pang ihanda..
ReplyDelete=marianne=)))
Wow! Hahaha Favorite mo pala toh beb? :"""> haha saraaaap! sana gawan mo kami ng graham:D haha tapos bibigyan natin si MC >:D haha susubukan kong gumawa ng ganito! :*
ReplyDelete~ mara
Ansaraaap! Favorite ko din yan :)
ReplyDelete-tweet
HOMAYGASH. :)) Favorite dessert ko din to, lalo na tuwing may okasyon kila janyn/bebe justin. Tayo ang pumapapak ng grahams nila. Mas nakakamura nga to, regaluhan mo ko sa pasko :)
ReplyDeleteAng SARAP niyan! Hahaha. Favorite kong gumawa niyan tuwing may okasyon. YUM! :))))
ReplyDeleteKakagigil nman ung blog post mo.. Sarap kc ng graham cake e! :)
ReplyDeletenaalala ko tuloy last christmas gumawa ako nyan kaso di naabsorb ng crackers ung cream, kaya aun, di xa lumambot.. pero ok lang kc khit di perfect, ubos parin. :))
Kaya pala lumalaki ang tiyan mo ay dahil sa graham cake. :D Naalala ko tuloy ang pag ubos niyo ni kiong ng graham cake kila janyn. napakaganda ng iyong blog. mayroon pang steps kung paano ito gawin. sana matikman ko ang graham cake na gawa mo. :) -marielle <3
ReplyDeletemasarap talaga yan at magandang ihain kapag pasko :)
ReplyDeletemarj :)
Ito tlga ung paborito ko.hnd nkakasawa,hnd rn nkaka omay.
ReplyDelete