Tuesday, November 23, 2010

KETCHUP na may FRIES o FRIES na may KETCHUP?

   
   `Twing nagugutom ako sa pamamasyal, sa Mcdo ko parati trip kumaen. Ewan ko ba!Kahet paulet-ulet kong nakikita ang logo nila kaliwa`t kanan, hindi pa rin ako nagsasawang pumasok at doon kumain. Sa dami ng pagkain na pagpipilian, isa lang doon ang madalas kong binibili...ang “McFries” (ginawan ko lang ng pangalan, wala lang gusto ko lang!) Bata man o matanda, may ngipin o wala hinahanap-hanap ang lasa nito. Pag nakapila nga ako sa counter, madalas kong nakikita sa tray ng mga nauuna saken na umoorder din sila ng tinatawag kong “McFries”. Hanep kase ang lasa lalo na kung may ketchup pang kasama! Hindi ako kuntento kapag McFries lang...dapat palaging kaakibat ang ketchup para sulit at busog. 

   Punong-puno ng carbohydrates ang dalawang pagkain na ito lalo na ang fries. Gawa kasi ito sa hiniwa-hiwang patatas pagkatapos ay pinirito hanggang maging golden brown ang kulay. Nagtataglay ito ng maraming bitamina at protina na kelangan ng ating katawan. Hindi rin ito mahirap gawin, kahit nasa bahay ka lang at meron kang reserbang patatas sa ref ay pwede kang gumawa ng fries. Ang sikat na French Fries ay hindi nagmula sa France ito ay nanggaling sa Belgium. Tinawag lang itong ‘French’ dahil sa istilo ng pagpiprito nito. Inirerekomenda kong samahan nyo ng ketchup ang pagkain nyo ng fries dahil sa linamnam na maidudulot nito. Walang buhay at kulay ang inyong fries kapag ganun nyo lang kakainin, samahan nyo ng ketchup dapat! Ang lypopene ay ang mahiwagang ingredient ng ketchup na nagbibigay ng magandang kulay sa kamatis. Ito ay isang antioxidant na pumapatay sa masasamang kolestrol sa ating katawan at pwedeng pang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng prostate cancer. At eto pa, ayon sa mga pag-aaral na ginawa, ang pag-ubos ng kahit 6 na kutsaritang ketchup araw-araw ay nagpapalakas ng ating cardiovascular system. 
   
   Tunay talagang magandang loveteam ang ketchup at fries di ba? Lalo na kapag sa McDo niyo bibilin :) Pero marami din naman masasarap na food establishments ang nagtitinda ng fries kaya maraming pagpipilian nagkataon lang na sa McDo ko talaga natagpuan ang pinakamasarap na fries pati ketchup. Iba talaga pag ketchup + fries! Hanep sa sarap!


ENNA V. :)

16 comments:

  1. Fries na may ketchup! haha! first ako!!!! love it!
    ang dami rin palang health benefits ng KETCHUP! ngayon ko lang narealize at dahil yon dito sa blog mo SUPER ENNA V! hahaha!!

    ReplyDelete
  2. Napakasarap nga yan! Patatas! :> At dapat ang ketchup #2 lang! :D
    -Cheska

    ReplyDelete
  3. 2nd ako! Nakaka-adik ang fries pati ang ketchup ng McDo. Mas lalo na yung ketchup number 2. :)) Benta, ang MCFries mo! :-bd. HAHAHAHA

    -Inah. <3

    ReplyDelete
  4. sikat talaga ang tambalang mcfries at tomato ketchup :)
    -laila^_^

    ReplyDelete
  5. talagang masarap ang fries lalo na pag sinamahan mo pa ng sangkaterbang ketchap!:D:D:D LOVE IIT:))





    maimaimai

    ReplyDelete
  6. Ibang klase talaga ang pagmamahalan ng Fries at ng Ketchup. Pati ang mga tao na kumakain nito ay talaga namang gumaganda ang buhay :)Di biro ang gumastos ng 25 pesos sa fries. Kung ito naman ay iyong ikakaligaya bakit, hindi? At dahil dito, madaming barkada ang nagiging bestfriend ang fries at ketchup. Masarap kumain ng french fries at ng ketchup kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay :D -france!

    ReplyDelete
  7. HAHAHA. =) FRIES WITH KETCHUP!!!! <3 pareho tayo enna V. mas gusto ko na may ketchup ang fries mas masarap.. :"> lalo na pag yung no.2 ketchup ng mcdo? =) magaling!! haha

    ReplyDelete
  8. benta ng loveteam ng ketchup + fries... at may tinuro ka pang benefits nito ah... nakakaengganyo naman tong blog mo :)) ...
    -k :)-

    ReplyDelete
  9. tunay ngang kay sarap ng pagkain n ito :">

    --r <3

    ReplyDelete
  10. Ibang klase talaga ang pagmamahalan ng Fries at ng Ketchup. Pati ang mga tao na kumakain nito ay talaga namang gumaganda ang buhay :)Di biro ang gumastos ng 25 pesos sa fries. Kung ito naman ay iyong ikakaligaya bakit, hindi? At dahil dito, madaming barkada ang nagiging bestfriend ang fries at ketchup. Masarap kumain ng french fries at ng ketchup

    ReplyDelete
  11. sarap kainin ng fries na may ketchup na sobrang dami at tunay ngang kay sarap ng pagkain n ito -_-

    ReplyDelete
  12. Woo! #2 na ketchup ng mcdo ang da best diba? Lalo na kapag kasama ang "Prench Pries" nila... masarap talaga yan..kahit ako super fave ko ang "McFries" haha :D

    ReplyDelete
  13. Magaling-magaling aking seatmate! Tunay ngang napakasarap ng kombinasyon ng fries at ketchup. Isa rin ito sa aking pinakapaborito.. Maaari ring isawsaw minsan ang fries sa sundae <3

    ReplyDelete
  14. Likas s ating mga pinoy ang hilig kumain,lalo n ang fries n may ketchup THE BEST talaga!oo maraming maganda n m idudulot s atin ang pagkain ng hiniwang patatas pero kalimitan hindi natin pinapansin ang masamang m idudulot nito!ang cnsbi q ay ang paraan ng pag luluto ng fries,dahil nk lublob at lumulutang ito s mantika!pero s kabila ng lahat THE BEST tlaga ang fries n may ketchup!

    ReplyDelete
  15. Love it.. Fries na may ketchup din ako e.. haha.

    Favorite nmin to ng friends ko. actually, tuwing magkikita-kita kme, bumibili kme ng 4 na large fries tpos pagsasama-samahin nmin sa tray.. hmmm! Havey na havey! :))

    -- Chrisdie

    ReplyDelete
  16. masarap talaga ang loveteam nila pero subukan mo rin ang fries at gravy, hehe :)

    marj :)

    ReplyDelete