NIÑA MOZO
Maraming pagkain ang pwedeng maging paborito ng isang tao depende sa panlasa nito. Ngunit paano nga ba nagiging paborito ng isang tao ang isang partikular na pagkain o putahe?
Kung ako ang tatanungin, maaaring nagiging paborito niya ito dahil may kakaiba siyang nararamdaman habang kinakain ito. Para bang hindi makukumpleto ang araw niya kung hindi sya makakatikim nito. O di kaya’y nasarapan siya sa unang pagkakataong nakain niya ito at hindi na niya ito naalis sa isip niya.
Isa sa mga paborito ko ay ang ICE CREAM o SORBETES. Ito ay isang uri ng dessert na pwedeng kainin kahit saan, anumang oras. May mga ice cream na nilalako sa kalsada o mas kilala bilang DIRTY ICE CREAM. May iba naman na mabibili sa inyong suking tindahan o grocery store tulad ng SELECTA o NESTLE. At ang iba naman ay mabibili sa mismong shop o stall nito tulad ng DAIRY QUEEN o MR. FROSTY.
Isa sa mga kinagigiliwan kong ice cream ngayon ay ang DAIRY QUEEN BLIZZARD partikular na ang CHOCOLATE ALMOND flavor. Ito ay chocolate ice cream na tinadtad ng sangkatutak na roasted almonds. J
Maraming naitutulong ang ice cream sa isang tao. Pwede itong pantanggal init lalo na kapag panahon ng summer. Maaari rin itong makatanggal ng iyong depression o stress lalo na sa mga broken hearted. Pagdating naman sa kalusugan, ito ay isang good source ng calcium dahil isa sa mga ingredients nito ay gatas. Ito rin ay low in protein.
Kaya sa mga ayaw ng ice cream na alam kong wala naman. :p Bakit hindi niyo tikman at namnamin ang sarap ng ice cream? Tiyak na masisiyahan kayo! TRY NIYO!! J
Shembot, Gusto ko rin ito, mas lalo na ang choc. chip Flavor. :)) Sulit na sulit ang 99 pesos ko pag ito ang binibili ko. :">
ReplyDelete-Inah :DD
hoy' shembot.. gxto ko nian!!.. waaah' bigla tuloy ako nagcrave ng ice cream!!.. HAHAHAH :"> tara bili tau!!!
ReplyDelete-Ielle
Nagcrave ako bigla. :( si shembot kasi e. Haha. Choco almooooooond! <3 tunay na napakasarap! Sulit kahit medyo may kamahalan para sa isang ice cream. Pero hindi mo mapipigilan.
ReplyDelete-shembot kat oohlala
wow ice cream! :) iba talaga ang pkiramdam kapag kumakain ng ice cream :)
ReplyDeletemarj :)