Sunday, November 21, 2010

BISTEK LOVE ♥




         Lahat tayo ay may kanya-kanyang paboritong pagkain. Maaaring ito ay isang putahe, pang meryenda, panghimagas, o simpleng sangkap lamang. Masasabi nating paborito natin ito marahil dahil sa taglay nitong lasa, sa mga sangkap na ginamit, o di kaya naman marahil sa naidudulot nito sa ating kalusugan. Isa sa mga paborito kong pagkain ay ang Steak o Bistek. Napakraming dahilan kung bakit ang bistek ay aking naging paborito at kung bakit ito ay minahal ko nang tunay.


      Noong bata pa lang ako ay gusto ko na ang ulam na ito. Una ko itong natikman sa aming tahanan at magmula noon ay hinahanap-hanap ko na ang matamis nitong sarsa, malalambot na laman (baboy o baka), at malalaki nitong sibuyas. Dahil din dito sa ulam na ito ay naging paborito ko ang sibuyas at tuwing kumakain ako nito, sinisiguro kong marami akong nakakain na ganito. Kapag niluluto ito sa amin ay taglay din niya ang napakabangong amoy, na tunay na nakakaakit para sa akin. Madalas ay nakaabang na ako kahit na hindi pa ito natatapos na maluto. May mga pagkakataon din na kahit ako ay busog, kakain akong muli kapag ito ang nakahain sa hapag-kainan. 


       Ang Bistek ay inihahanda sa iba't ibang restawran kabilang na ang Goldilocks, Barrio Fiesta, Binalot, at Congo Grille. Meron din nito sa mga karinderya na mabibili mo sa mas mababang halaga. Ang pagkain ng ulam na ito ay tunay na nakapagpapalakas at nakapagpapalaki. Ang ulam na ito ay nagbigay na ng magandang alaala sa akin magmula noong ako ay bata pa, at hindi niya ako binigo hanggang sa ngayon. ♥


                                                                                       - Bael, Ma. Lorraine T

18 comments:

  1. Isa rin ito sa pinaka-paborito kong pagkain dahil sa tamis na nalalasahan sa bawat kagat sa karnbe nito na tunay namang Napakasarap!:)
    -con:)

    ReplyDelete
  2. Ito'y napakasarap at madalas ko nakakain sa karinderia tuwing nakikita ko mayroon nalutong bistek.

    ReplyDelete
  3. Oh grabe. Napakasarap nga naman ng pagkain na iyan. Kapag isinabaw mo ito sa kanin, grabe! :) Lalo na lamang kung ito'y maraming sibuyas, napakalinamnam! Mahusay ka! - megan

    ReplyDelete
  4. I like your creative inputs especially your entry title "Bistek Love <3". It really shows how much you love this specific Pinoy cuisine. It is really personal that you shared your childhood experience with this food. And you are right, it shouldn't be called Bistek Tagalog but Bistek Love for it never failed our expectations especially from its taste and memories it brings when we eat them. :-)

    ReplyDelete
  5. wow! talaga nga namang masarap iyan. :D

    ReplyDelete
  6. Aw, one of favorite. :))) ang sarap magluto ni lola nito. :)

    ReplyDelete
  7. Wow! Napakasarap naman niyan. Pinoy na pinoy! :)

    - Louise<3

    ReplyDelete
  8. one of my SUPER FAVORITE FOOD! naalala ko tuloy ung luto ng papa ko. :D

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Pinoy na pinoy ang iyong napiling paboritong pagkaen :)) Mahusay!Masarap! :))

    -Enna V.

    ReplyDelete
  11. Naging napakaispesipiko at impormatibo ng naging paglalarawan mo sa iyong paboritong pagkain. Nakakatuwa at nakita rin sa iyong gawa paano naapektuhan ng Bistek ang iyong buhay lalo na ang pagkilatis mo sa mga pagkain :) -Bryan.

    ReplyDelete
  12. Masasabi kong isa rin ito sa mga potahe na ibig kong ipaluto sa aking Ina dahil sa napakasarap na lasa at mahalimuyak na amoy. Isa ito sa mga bagay na nagpapaalala sa akin kung gaano kasarap ang mabuhay. -Michael

    ReplyDelete
  13. isa ito sa pinaka paborito kong ulam, tunay nga ito ay isang putaheng maipagmamalaki nating mga Pilipino! madalas ko din itong makita sa mga karinderia, at nga naman ito ang isa sa pinaka mabentang putahe! :)

    ReplyDelete
  14. ito ay isa sa mga paborito kong ulam.napakasarap nito at malinamnam.ito at laging niluluto sa mga karinderia at mga salu-salo.sana mapayaman pa ito at hindi mawala ang sarap. -Kating

    ReplyDelete
  15. Masarap talaga ito lalo na kapag maraming sibuyas! YUMMM! :)

    ReplyDelete
  16. Ang mga pagkain na kagay nito ay hindi dapat kinakalimutan sapagkat isa ito sa mga magagandang parte ng ating kultura na talagang sariling atin. Dapat natin lasapin ang sarap ng mga sangkap ng isa sa mga pinagmamalaking putahi ng mga Pilipino at ipakita sa mundo na hindi lang kayo ang may maipagmamalaki, kaming mga Pilipino rin.:)

    -Anathema.

    ReplyDelete
  17. napakasarap na lutuing pinoy :)isa sa aking paboritong pagkain. sana ay marami pang matutong magluto ng ganitong ulam para ito'y mapagyaman pa. maipagmamalaki natin ito :) -samhera

    ReplyDelete
  18. isa din ito sa mga paborito ko kaya pinagaralan kong lutuin :)

    marj :)

    ReplyDelete