Friday, November 19, 2010

KANIN, KANIN, PABORITO KONG PAGKAIN

 by Lizette A. Vicente

                Ang mga pagkain na ating kinakain ay nagbibigay enerhiya sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Kung walang pagkain, paano nalang ang ating pangagatawan? Siguradong tayo ay manghihina at mawawalan ng gana na gawin ang mga nais at kailangan nating gawin. Sigurado ako na lahat tayo ay may kanya kanyang paboritong pagkain na nagbibigay ligaya sa atin tuwing ito’y ating kinakain. Ang isa sa aking mga paboritong pagkain ay ang kanin. Hindi man natin itong matuturing na isang espisipikong pagkain, para sa akin ay pagkain parin ito.

                Lahat naman tayo ay nakakain na ng kanin at alam naman natin na ito ay wala gaanong lasa. Hindi ito matamis, hindi rin naman ito maalat o mapait. Ito ay swak at tamang tama lamang sa ating panlasa. Ngunit, kahit ito ay wala gaanong lasa, ang kanin naman ay napakasustansya parin. Ito ay isa sa mga pinagkukunan natin ng enerhiya o lakas sa katawan, protina, bitamina at marami pang iba. Marami rin tayong magagawa sa kanin. Pwede natin itong gawing, lugaw o sinangag. Maaari tayong mageksperimento upang makuha ang nais nating panlasa para sa ating kanin. Ang kanin ay mula sa bigas at masaya kong masasabi sa inyo na sa napakamurang halaga, makakabili na tayo ng bigas. Ang isang kilo nito ay nagkakahalaga lamang ng bente singko hanggang kwarenta pesos. Maaari tayong makabili nito sa lahat ng pampublikong palengke, grocery o kahit saan mang sari sari store. Masasabi kong paborito ko ang kanin dahil araw-araw akong kumakain ng kanin; mapa-agahan, tanghalian at hapunan. Isang karanasan ko sa kanin ay kapag ako ay kumakain kasama ang aking mga magulang, pinagsasabihan ako ng nanay ko na ubusin ko parati ang aking kanin dahil maraming tao ang hindi nakakakain. At isa pa, sabi sa akin ng kaibigan ko, kung gaano man karami ang natirang butil ng kanin mo, ganoon daw karami ang magiging pimpols mo. Nakakatuwang isipin ang panghuli, pero di natin alam, baka totoo nga.

                Ako ay umaasa na marami na sa atin ang makakahiligan ang pagkain ng kanin. Naniniwala ako na hindi naman ikaw tataba ng sobra sobra pag ika’y kumain ng kanin. Nasa sa tao na iyon kung kaya niyang kontrolin ang paglimita sa pagkain ng kanin. Maisip sana ng mga nagpapayat at hindi kumakain ng kanin na ang hindi pagkain ng kanin ang solusyon para sila ay pumayat. Sa halip, kanila sanang mapagtanto na ang pagkain ng kanin ang magpapalakas, magpapalusog ng kanilang katawan at magpapahaba sa ating buhay. 

15 comments:

  1. Totoo ba yung sa PIMPLES? Parang hindi naman :)) Parang walang kwenta ang ulam kapag walang KANIN.
    -RCSJ

    ReplyDelete
  2. Tamuhh.. Kumain ng kanin.. haha! We need rice to live :))

    ReplyDelete
  3. Nakakatuwa naman ito Liz. Ang dami ko natutunan sa post mo ah :-) Maraming salamat. Importante ang kanina. Bawat Pinoy ay may angking hilig talaga sa kanin :))

    ReplyDelete
  4. Mgaling, magaling! Sa pamagat mo, akala ko tutula ka eh. :) Nakakaaliw ang sanaysay mo, love. Simula una pa lang hanggang matapos akong magbasa, ako'y nakatawa. Ipagpatuloy! ☺

    ReplyDelete
  5. Tama! Ang pagkain ng kanin ay importante sa ating katawan. Ito'y tumutulong sa ating mga araw-araw na gawain dahil sa enerhiya nitong ibinibigay.
    -Con:)

    ReplyDelete
  6. Oo nga! Ang kanin ay isa sa mga nagbibigay sa atin ng lakas! Di masarap ang ulam pag walang kasamang kanin. :D

    ~maan

    ReplyDelete
  7. Totoo nga iyan. At tingin ko nga para sa iba ay parang katumbas na rin ng kanin ang tubig. Hindi makukumpleto ang isang kainan sa isang Filipino restaurant kapag walang kanin :)

    --CHARISSE

    ReplyDelete
  8. tama liz..ako hindi mabubuhay ng walang kanin.sa kanin lang din ako nabubusog haha!

    ReplyDelete
  9. Kanin! ♥
    Haha. Ang akala ko TUBIG ang paborito mo :D
    Sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo :)
    Pero yung sa pimpol, natawa ko! hahaha kulit :)
    Magbaon tayo ng kanin!!!! =))))))

    ReplyDelete
  10. wow..galing!ganda ng ginawa mo..hehe.. :D sobrang informative lalo na ung sa pimple thing..haha!saan mo naman napulot un?? :D hehe..tama!mahirap mamuhay na walang kanin..para sa akin kanin pa lang,ulam na.. :D kaya mabuhay ang unlimited rice! :D

    ReplyDelete
  11. Ang bawat butil ng ating kanin ay ang dugo't pawis ng ating magsasaka. Kay importante nga ng kanin sa buhay. Hindi dapat sayangin ang paboritong pagkain ni liz.

    ReplyDelete
  12. ang kanin ay pampataba. ngunit ang pagkain ay walang ka latoy latoy kung walang kanin! hay nako kahit maging baboy na ko hindi ko titigilan ang pagkain ng kanin! noh lizette?

    -KOKO

    ReplyDelete
  13. haha . ang bongga naman niyan ! :) tama. parang mahirap mabuhay pag walang kanin! :) - megan

    ReplyDelete
  14. Hindi makukumpleto ang hapunan o tanghalian pag walang kanin. Maski pampataba, napaka-sarap pa din. :-bd

    -Inah <3

    ReplyDelete
  15. tama ka wala itong lasa pero hindi ako mabubuhay na wala ito :) malakas ako kumain ng kanin :)

    marj :)

    ReplyDelete