Sunday, November 21, 2010

Long Life? Pansit Palabok na! :)


Ang aking paboritong pagkain ay ang Pansit Malabon. Kadalasan tinatawag din itong Pansit Palabok. Madalas ang putaheng ito ay ipinanghahanda sa mga malalaking handaan. Katulad na lamang ng kaarawan, tuwing Pasko, at iba pa. Maraming klase ng luto ang pwedeng gawin dito. Pwedeng gamitan ng bihon na may manipis na hibla ng pansit o ang malabon na may kakapalan ang hibla ng pansit. Ngunit para sa akin ay mas masarap ang Pansit Malabon na may palabok sauce na sinasamahan sa ibabaw ng pansit. Lalo na kung ito ay may mga sangkap katulad na lamang ng mga maliliit na hipon, pusit na hiniwa sa maliliit at hugis pabilog, chicharong baboy na dinurog, kasabay ng nilagang itlog na hiniwa sa manipis at iba pang mga gulay na isinasahog ditto, samahan mo pa ng katas ng kalamansi. Hindi masyadong masabaw, katamtaman lang na tama sa panlasa. Pagkatapos ay haluin ito ng mabuti at saka kainin.

Madalas sa mga okasyon ay hindi ko namamalayan na napaparami na pala ang kain ko nito. Sa sobrang kasarapan ay nilalasap ko ang bawat subo at pagkagat dito. May mga panahon din na hinahanap-hanap ko ang pagkaing ito. Paminsan ay naghahanap pa mismo ako ng mabibilhan nito. Ang Pansit Malabon ay madalas na naka-bilao para ipanghanda sa mga napapanahong okasyon.

Ang pinakamasarap na palabok na aking natikman na naglalaman ng mga sangkap na aking nasabi ay ang palabok na nabibili sa Ninang’s or ng mismong restawran na Pansit Malabon. Di malilimutan ang aking karanasan sa paglasap ng bawat kagat. Alam niyo bang kaya madalas itong ipinanghahanda sa mga may kaarawan ay may kasabihan na ang pansit ay nakakahaba ng ating buhay. Ito ay ayon lamang sa mga kasabihan ng mga matatanda. Hindi ko lamang sigurado kung napatunayan na itong totoo. Kaya kung ako sa inyo ay subukan niyo na din tikman ang aking napapaboritong pagkain. Natitiyak ko na hindi kayo magsisisi. =)




- Denise Louise Bersamina

13 comments:

  1. wow!!! masarap iyan...kakakain ko lang niyan kanina. :D

    ReplyDelete
  2. isa iyan sa pinaka paborito ko.
    noong hayskul pa lamang ako,
    iyan parati ang aking binibili sa
    aming canteen. :D

    ReplyDelete
  3. Tama! grabe! Super sarap ng Pansit Malabon. Ito ang isa sa mga pagkain di mo matatanggihan pag inalok ka ng iba. :))

    ReplyDelete
  4. Bongga! Talaga namang malinamnam ang Pansit palabok. Masarap din ang pansit palabok sa Jollibee, natikman mo na ba iyon? :)

    ReplyDelete
  5. ang sarap!!! lalo na ung may hipon at pusit at chicharon! noh?
    -KOKO

    ReplyDelete
  6. Halata naman sayo na iyan ang paborito mo. Lagi mong kinakain yan kapag nakain tayo sa Aling Banang. :) Nakakatakam ang litratong nakuha mo. Nice blog ina. :) :">

    --daughterG(cams :]] )

    ReplyDelete
  7. Nakaranas din ako ng kumain at hindi ko na namalayan naparami nakain ko. Sa sobrang nakain ko ay naubos na pala. Ganyan talaga kapag paborito mo. Sarap sarap...! uy

    ReplyDelete
  8. One of my favorite! :))) yummy. Sarap! Kakaiba.

    ReplyDelete
  9. Mahilig magluto ang lola ko ng palabok lalo na kapag may okasyon. laging kasama yan sa handaan.. masarap lalo nakapag may itlog na kasama..

    ReplyDelete
  10. ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyo kaibigan. sana gumawa ka pa ng maraming blog na makakatulong sa sambayanang pilipino. ikaw ay isang mabuting nilalang. ang pansit palabok ay totoong napakasarap. sana ako ay iyong lutuan kapag marunong ka na. nawa'y pagpalain ka ni Lord. ingat palagi =))

    ReplyDelete
  11. akodin, fave ko yan. :))) lalo na kapag my hipon. :)

    ReplyDelete
  12. Masarap itong ihanda pag may selebrasyon. :-bd. Masarap din pag masy chicharon? Tama ba? Hindi nga talaga ako magsisisis. :))

    -Inah

    ReplyDelete
  13. masarap tlaga yan at kumokompleto sa handaan :)

    marj :)

    ReplyDelete