Sunday, November 21, 2010

GULAY?



Hindi lingid sa ating kaalaman na pakonti na ng pakonti ang mahilig kumain ng gulay. Maski naman ako di masyadong kumakain ng gulay. Hindi ko kasi masyadong gusto ang lasa ng mga ito. Pero, mayroong isang putaheng may sangkap na gulay na nakapukaw sa aking panlasa at aking naging paborito sa lahat, ang "kalabasang may gata". 


Ang aking ama ang nagluto at nagpatikim sa akin ng ulam na ito. Nung una ko ngang makita ito ay parang ayokong kainin dahil may gulay, ngunit ng matikman ko na ito halos hindi ko namalayan na mauubos ko na pala ang nakahain sa aking pinggan dahil sa kakaibang linamnam at sa sobrang sarap nito. Ito ay napakasustansya dahil mayroon itong sangkap na kalabasa na mabisang pampalinaw ng mata, gata ng niyog na nakapagpapalakas ng ating "immune system" at tumutulong sa pagtunaw ng ating kinain, at mayroon ding hibi o maliliit na hipon na lalong nagpapasarap sa putaheng ito. Madali at mabilis lang itong gawin wala pa yatang sampung minuto ay tapos na agad itong maluto. Sa aking pagkkwenta mga 40-50 pesos lang ang halaga ng lahat ng sangkap na bibilin. Oh di ba? Sulit!

Dahil sa pagkaing ito, napagtanto ko na hindi lahat ng gulay ay hindi masarap. Sa katunayan, marami pa nga sa mga ito ang masusustansya at matipid pa. Kaya naman sana ay tangkilikin natin ang pagkain ng gulay para tayo ay mas lalong maging malusog at magkaroon ng mas mahabang buhay. 


~Maria Angelica   B. Sta. Ana

18 comments:

  1. hindi ko man paborito ang gulay pero kailangan kumain nito para maging malusog ^^,

    ReplyDelete
  2. Hindi ko man hilig ang gulay. Ay sadyang nakakatakam ang deskripsyon mo ng paborito mong pagkaen.Nakakaanyaya ito na kumain ng gulay.
    -con:)

    ReplyDelete
  3. Masarap ngang kumain ng gulay at marami ka ding makukuhang sustansya dito. Tunay din ngang may kakaibang sarap din na ibinibigay ito kapag hinaluan ng gata.:)
    -Renz

    ReplyDelete
  4. Sangayon ako dito. Kahit ako ayaw kumain ng gulay pero kailangan ng katawan ko ito eh.

    Siguro hindi talaga kaaya-aya ang lutong gulay sa mata ng ibang tao, kaya kailangan gawan ng paraan ang mga lutong gulay na mag-mukhang mas nakakatakam sa mata.

    ReplyDelete
  5. kung gulay ang pag-uusapan, hindi naman naiiba ito sa pangkaraniwang kinakain ng bawat tao eh. ang kelngan lang ay balanse ang pagkain natin. may gulay, may karne, may prutas at may kanin o tinapay at dpat sapat lang para mapunan ang pangangailangan ng ating sikmura. Masarap naman ang gulay eh, yun nga lang hindi lahat ng tao ay natikman ito ng maaga, minsan nasa isipan na lamang ng tao na ayaw nila dito kaya hindi nila kinakain yun. Minsan yun din ang hindi ko maitndhan, bakit nga ba ang daming ayaw sa gulay?

    ReplyDelete
  6. Wow kalabasa...Kahit hindi ako masyadong mahilig sa gulay...
    Dapat kumain pa rin kasi ito ay masustansya
    Para rin naman sa kasulugan natin ito eh :))

    ReplyDelete
  7. Ako ay sumusuporta sa mga tao kumakain ng gulay. Kay sustansiya at sarap. Nasa isip lang ng mga tao na hindi ito masarap. Nasanay sila sa mga karne at iba pang pagkain. Mura, maganda para sa kalusugan at ito ang ibinayaya sa atin. Bakit hindi natin kainin?

    ReplyDelete
  8. sangayon ako...napakabuti nga ng gulay sa ating katawan, kso kakaunti nga lng tlga ang mahilig sa gulay, kaya mas mabuti gumawa ng paraan upang maging mas kaaya-aya ito sa paningin at masarap ang lasa..kung ako ang kakain ng gulay mas gugustuhin q na masarap ang lasa at kahit sa tingin pa lang..sa tingin ko, mas marami ang mahihikayat na kumain ng gulay sa ganung paraan..

    ReplyDelete
  9. Makulay ang BUHAY sa sinabawang GULAY! :D

    ReplyDelete
  10. wow!!! hindi ako kumakain ng gulay..pero kailangan natin ito upang maging malusog ang ating katawan :)

    ReplyDelete
  11. Hindi ako kumakain ng gulay, pero pwede ko rin subukan tikman dahil kailangan ito ng aking katawan :))

    -Louise<3

    ReplyDelete
  12. Gulay . talaga nga namang masustansyang kainin! Ipagpatuloy mo lang iyan at talagang magiging healthy ka :)-meg

    ReplyDelete
  13. Sang-ayon na sang-ayos ako sa mga sinabi mo :DD Clap clap!Masarap ang gulay at masustansya!Paborito ko rin kase yan hehe..

    -Enna V.

    ReplyDelete
  14. sang-ayon ako dito kahit na di ako kumakain ng gulay pero ngayon susubukan ko na kumain dahil kailangan ng katawan natin ang mga sustansya ng mga gulay

    ReplyDelete
  15. noon ay ayoko talaga ng gulay..ngunit ngayon ay hinahanap hanap ko na sya tuwing nasa hapag kainan.hindi kumpleto ang meal kapag walang gulay.masarap na ito..masustansya pa.:)

    ReplyDelete
  16. Like! Mahal na mahal ko rin ang mga gulay, kung pwede nga lang, maging vegetarian ako. :) Gustong-gusto ko rin ang kalabasang may gata. Tunay na napakasarap. :) Isa rin sa mga paborito kong gulay ay ang kalabasa. Wagi! :)

    -Yen♥

    ReplyDelete
  17. Nice! Alam kong ipagpapalit mo lahat ng pagkain para lang sa kalabasa! Haha! Pero kabaliktaran mo ko dahil ayaw na ayaw ko ng kalabasa simula nung bata ako pero natikman ko na rin iyan. :)

    ReplyDelete
  18. hindi rin ako fan ng gulay pro pag nagipit ako dahil sabi mo nga ay mura, susubukan ko sya mahalin :) hehe :)

    marj :)

    ReplyDelete