Friday, November 26, 2010

Hindi lang basta ulam, ulalam! :D

Masasabing hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakain nito. Hinding hindi ito mawawala sa lamesa ng pamilya. Ang kakaibang lasa at asim nito ang dahilan kung bakit paborito ito ng nakararami. Sa katunayan, pwede na itong maging “pambansang ulam” dahil sa survey na ginawa noon ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ito ang nanguna sa pinakapaboritong ulam ng mga Pilipino. Marami rin itong bersyon sa iba’t bang bansa sa Asya. Ang tinutukoy ko ay ang SINIGANG.

Napakasarap nito at masarap kainin lalo na kapag umuulan, pero para sa akin kahit anong araw, oras o panahon ay masarap itong kainin. Iniisip ko pa lang ang pagkaing ito ay parang nangangasim at naglalaway na ako. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit gusto ko umuwi lagi ng Pampanga.

Ang sinigang ay prolific, maaaring lutuin sa kahit anong paraan at kung anong lasa ang gusto ng taong kakain. Sa pangunahing sangkap nito, maaaring gumamit ng bangus, baboy, baka, hipon o manok. Sinasahugan din ito ng kangkong, sitaw, labanos, kamatis o gabi. Sa pampaasim naman, maaring gumamit ng sampalok, bayabas,kamias o kaya kalamansi. Pero sa panlasa ko, swak na swak ang Sinigang na Bangus at Sinigang na Baboy na sampalok ang pampaasim na syempre, luto ng nanay ko. Sa mga sangkap pa lang na nabanggit kanina, garantisadong napakasustansya nito. Nagtataglay ito ng Calcium, Vitamin A, Iron, Protein, Iodine, Riboflavin, Thiamine, Carbohydrates, Vitamin C, atbp.. Lahat na yata.. :) Parang Centrum ito, complete from A to Zinc :)

Ang sinigang ay madaling hanapin. Maaaring mabili sa mga karinderya, fast food o kaya sa mga sosyal na restawran. Hindi ito mawawala sa menu ng mga kainan dahil mabili ito.
Noong hayskul ako, lagi akong umuuwi ng pagod at gutom at kapag Sinigang ang ulam, napapawi agad ang pagod ko sa unang higop pa lang ng maasim at malinamnam na sabaw. At kapag nginunguya ko na ang karne at gulay, parang nakakalimutan ko ang mundo sa sarap at walang pwedeng makaistorbo sa aking pagkain. 

Isang hindi ko malilimutan na karanasan na tungkol sa Sinigang ay noong nasa unang taon ako sa hayskul. Lagi kong kasama kumain ang dalawa kong kaklase (I miss you Zara and Jaja...) tuwing tanghali. Araw araw ay Sinigang ang order namin, tumatagal siguro iyon ng isa o dalawang linggo, hindi ko na matandaan. May mga guro kami na nakakasabay kumain at napansin nila iyon kaya kaming tatlo ay tinawag nilang ‘‘Sinigang Girls”. Hanggang sa klase ay tinatawag kaming Sinigang Girls pero buti na lamang agad itong nawala sa isip ng mga tao, hehe. Sa totoo lang ay di ko napansin na araw-araw kaming kumakain ng Sinigang kung hindi lamang sinabi ng gurong iyon. Sobrang sarap kasi ng Sinigang kaya hindi nakakasawa. Kahit araw-arawin! :D

CERTIFIED SINIGANG GIRL: MARJERIE DIZON QUINONES

16 comments:

  1. Wow! Paborito ko rin ito. Tunay din na marami talagang makukuha na sustansya dito. Magandang blog Marg! Marami akong natuklasan.:)

    ReplyDelete
  2. Sinigang!
    Isa rin ito sa mga paborito ko...napakasarap kasi
    Salamat rin sa mga impormasyon na ibinahagi mo...mas nagustuhan ko pa tuloy ang sinigang :)
    Salamat sa blog sinigang girl! :))

    ReplyDelete
  3. sinigang na baboy ang gusto ko. :D
    napakasarap nito at masustansya.

    -chelle

    ReplyDelete
  4. natawa ako sa "SINIGANG GIRL" haha! ako naman gustong gusto ko rin ang sinigang na bangus belly at baboy! gusto ko din kapag may gabe. ansarappp! :P
    -koko

    ReplyDelete
  5. hahaha.. certified sinigAng giRL taLaga aa..:)


    -- hMmm fAvorite ko yan.. Lalo na kum sinigAng n bAngus bELLy. :)

    --yumyUm.:)

    ReplyDelete
  6. wow! Sinigang, Ulalam nga!! =) ang ganda ng blog mo, ang dami kong nalaman tungkol sa sinigang. :"> ang sarap nga kumain niyan, lalo na pag sobrang asim. :D

    ReplyDelete
  7. isa din sa mga paborito ko ang sinigang madami akong nkakain kapag ito ang ulam namin.ngayon ko lamang nalaman na ganito palang kasustansya ang sinigang..:)

    ReplyDelete
  8. HAHA, ULALAM :)))
    Napakasarap nga talaga ng sinigang, maasim-asim! Masustansyang masustansya sa ating katawan! :)

    ReplyDelete
  9. Masarap nga yan! :> Lalo na kapag yung sa ngalangala na aasiman HAHA :D
    -Cheska

    ReplyDelete
  10. Ang sarap kaya nitooooooo!Madami pang sangkap at maganda sa ating katawan ang mga gulalay :)))) HAHAHA!!

    -Enna V.

    ReplyDelete
  11. Isa din yan sa mga paborito kong ulam! Yummy. Dami ko nakakain pag yan ang ulam. :)) 1 dish meal na kaya talagang masustansya.

    -Camille

    ReplyDelete
  12. Wow sinigang. PAreho ta'yo paborito ko din yung sinigang na bangus. Masarap 'to kasi maasim.:)
    - Renz

    ReplyDelete
  13. Ako lahat ng klase ng sinigang paborito ko :D
    sinigang na hipon, baboy, bangus, gulay hehe
    masarap talaga yan; naalala ko tuwing kakain kami niyan ay ubos ang kanin at simot ang kaldero ng sinigang ^_^

    ReplyDelete