Saturday, November 20, 2010
Bacon Cheeseburger Pizza!♥ Burger na, Pizza pa! San ka pa?? =)))
Noong bakasyon ay naka-hiligan naming kumain kung saan saan. Nagawi kami sa isang restawran sa Visayas Avenue, ang "A Veneto Pizzeria Ristorante." Isa itong Italian Restaurant. Nakakita rin ako ng branch nito sa Trinoma at Glorietta 3.
Unang nakakuha ng aking atensyon ay ang "Bacon Cheeseburger Pizza." Nang makita ko ang larawan nito sa kanilang menu ay sinabi ko agad na iyon ang gusto kong kainin. Makikita mo sa larawan nito na katakam-takam at mukhang napakasarap. Nakakagutom! :)
Ito ay isang pizza na may katangiang katulad ng cheeseburger. Ang mga toppings nito ay ang napakalambot na giniling na baka, iba't-ibang uri ng keso, pickles, fried onions, at bacon. Madami itong maidudulot na benepisyo sa ating katawan. Unang-una, ang Lycopene na nagmumula sa tomato sauce nito. Ang Lycopene ay makakabuti sa ating atay, adrenal glands at makakatulong sa pag-iwas sa ilang uri ng kanser. Ang ground beef at bacon naman ay mabuting pinanggagalingan ng mga mineral tulad ng zinc, iron at B Vitamins. Ang keso naman ay may calcium, protein, at phosphorous.
Habang kinakain ko ito ay ninanamnam ko talaga ang bawat kagat. :) Hindi naman ito masyadong mahal, sulit na sulit ang presyo dahil napakasarap! At... Nakakabusog! Ang sarap kaya! Try mo! =))))))
~Kristianne Mara C. Torres
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Wooow! Nakakatakam naman yan! Gusto ko din yang matikman! :))
ReplyDeleteMay ganyan din resto samin! :D Sobrang sarap nga yan isama mo pa ang lasagna nila. Perfect Match!
ReplyDelete-Cheska
Anchalap naman! :)) 2in1 oh. Ayos!
ReplyDeleteAng ganda ng iyong blog. Marami akong nalaman. Alam mo, paborito ko rin yan. Ang sarap sarap. Hehe! Ganyang mga pagkain ang nakahihiligan ko ngayon. :-) Kaya lang konti pa lang makain ko, busog na ako.
ReplyDelete-Guennie
Dapat ng subukan ang ganitong pagkain! haha.. sa tingin pa lang masarap na at mukhang nakakatakam.. :)
ReplyDeletewooo! Bigla akong natakam.. Gusto ko rin matikman yan! Dalhin mo kami minsan jan a? :))
ReplyDelete-Nix
Napakasarap naman nito, kapag nakahanap ako ng taong manlilibre sa akin, diyan ako dederetso upang matikman din ang knakakatakam na putahe na iyan. Mayroon din ako natikman na cheese burger pizza noong nasa aking home town. Pagnahanap ko iyon, baka bigyan din kita. - mel uy
ReplyDeleteAng sarap naman niyan, matikman nga! Maganda at naipaalam mo ito sa akin sapagkat wala talaga akong hilig sa pizza. Dahil sa'yo, kakahiligan ko na ito :D -MEGAN
ReplyDeleteAy nakakatuwa naman ito! :) Nais ko itong matikman balang araw at alam kong magugustuhan ko rin ito. Wagi! :)
ReplyDelete-Yen♥
di ko pa natitikman yan! Pero dahil sa post mo, sige i will try it! :>
ReplyDelete~ Lianne
masustansya din pala yan at mukhang masarap :) sige try ko :D
ReplyDeletemarj :)