Saturday, November 20, 2010

Hipon sa Palayok

Sinigang na Hipon


Kung hindi mo alam kung ano ang Sinigang na Hipon, masasabi kong hindi ka isang Pilipino. Sinu ba naman ang hindi makakakilala sa isa sa mga pinakamasasarap na putahe sa bansa? Bawat karinderya, tahanan, restawran, at iba pa ay nakapagluto na ng ganito panigurado. Ito ang aking paboritong pagkain. Bakit? Simple lang ang aking kasagutan. Dahil sa ito ay may kakaibang sarap na hindi ko nalalasahan sa ibang ulam. Bata pa lamang ako, paborito ko na ang pagkaen ng hipon, kaya siguro agad ko nagustuhan ang pagkakaluto ng sinigang nito at unti-unti’y nagging paborito na. Ang Sinigang na Hipon kasi, kahit walang sugpo at simpleng hipon na kasama, malalasahan mo pa rin dahil sa sarap ng sabaw nito. Sa sarap ng mga kasangkapan nito, imposibleng hindi ka masarapan dito.

Ang Sinigang na Hipon ay nagbibigay ng protina, bitamina, mineral at siyempre, karbohaydreyts. Oo, kung kakainin mo nga naman ang ulam na ito, hindi mo na nga siguro iisipin kung anu-anong benepisyo ang maari mong makuha dito, ngunit kung iisiping maigi, ito ay lubos na nakatutulong sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Hindi sa nagpapaka’overacting ako, pero tuwing kakain ako ng paborito kong ulam, hindi ko mapigilang matuwa, ngumiti at magkaroon ng enerhiya mula dito. Hindi ko alam kung nagiilusyon lang ako, pero marahil, ganoon rin kayo sa inyong paboritong ulam, hindi ba? Kung ang ulam na pinakaaasam niyo ang siyang nakalatay sa lamesa, tiyak ay gaganahan kang kumain.

Noong nabasa ko mula sa presentasyon ni Ginoong Alvin na kailangang magbigay ng karanasan sa paboritong pagkain, agad ko naisip ang aking ama. Ang Sinigang na Hipon na luto ng aking ama ang pinaka-paborito ko sa lahat. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, ngunit sigurado akong kakaiba ang lasa nito kung ikukumpara sa mga nabibili sa mga karinderya o restawran. Hindi ko nagagawang itanung sa kanya ang sikreto sa masarap na putahe, pero nakatitiyak ako na pinagsipagan niya ‘yun magawa kaya naman tunay na napakasarap ng kanyang luto pagdating sa aking paboritong ulam. Tuwing magluluto nga siya, sasabihin naming na maari na siyang magtayo ng sariling karinderya dahil sa galing niya sa pagluluto.


-- Bea Gonzales, #22

18 comments:

  1. Masarap talaga ito lalo nakapag maasim talaga. Isa rin ito sa mga paborito ko. :) Wow, parang gusto kong matikman ang luto ng tatay mo Bey!

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Yay!Masarap itoooooo..Paborito ko rin `to :) Apir!Teka nakakagutom habang binabasa ko!Nice :D

    -Enna V.

    ReplyDelete
  4. Tama! Nakakagutom talaga! Patok sa ating panlasa.! Sarap!. Nice one.!:)Napakaswerte mo sa iyong ama dahil marunong at masarap siyang magluto.:)

    ReplyDelete
  5. basta kahit anong sinigang, masarap talaga! yummy yummy yummy! :D -Liz :)

    ReplyDelete
  6. Tama, Napakasarap nito dahil sa kakaibang lasa na hindi matitikman sa ibang putahe lalo na kapag inihanda ito ng iyong mahal na ina o ama. Tuloy, Ako'y biglang nagutom :P
    -Con:)

    ReplyDelete
  7. Yummy! Napakasarap nito! Gustong-gusto kong humihigop ng sabaw nito lalo na kapag mainit-init pa ito. Siguradong maraming matatakam sa Sinigang na Hipon dahil sa iyong blog Bey! Mahusay! :)

    ReplyDelete
  8. Sobrang sarap ng sabaw nito. Pinoy na pinoy ang dating :D
    -Cheska

    ReplyDelete
  9. Ai day! pag sinigang na hipon na ulam namin unahan na sa lamesa kami..hahah..hansarap neto eh! :D

    ReplyDelete
  10. GUSTO KO TULOY NG SINIGANG NA HIPON! hay nako! haha. kay sarap! sana mayroon nyan sa uste namimiss ko na yan e. hahaha yumyum!
    -koko!

    ReplyDelete
  11. Pwede pakisabi na sinusuportahan ko ang iyong ama upang magtayo ng sariling niyang kainan. Kay sarap at sana matikman ko luto niya... - uy

    ReplyDelete
  12. Nagustuhan ko iyon. Hipon sa palayok, talaga nga namang kaaya-aya. Dati ay iyan rin ang aking paboritong pagkain dahil sa napakasarap na lasa nito. Mahusay ka! -megan

    ReplyDelete
  13. Pareho tayo ng paborito Bey! Dapat iyan din ang aking gagawan ng sanaysay, ngunit binago ko lamang ito. :) Sarap!


    -Louise<3

    ReplyDelete
  14. Isa yan sa mga paboritong lutuin ng nanay at nakababata kong kapatid tuwing linggo dahil kami ay magkakasama. masarap yan kapag maasim at mainit. :)

    -trish

    ReplyDelete
  15. Isa yan sa mga paborito kong pagkain tuwing linggo dahil magkakasama kaming magkapamilya. Mura lang kasi ang hipon dito sa cavite. Masarap pag mainit at maasim ang sinigang. :)

    -trish

    ReplyDelete
  16. Kay sarap naman nyan! :) Paborito ko ang hipon kaya kahit anong bersyong lutuin ito ay gustong-gusto ko. :) Nakakatakam.

    --cams:]]

    ReplyDelete
  17. Wow, bongga si daddy! Patikim naman ng luto niya one day! :)

    -Yen♥

    ReplyDelete
  18. wow sinigang lover ka din pala :) masarap kasi ito at masustansya :)

    marj :)

    ReplyDelete