Coffee Crumble Ice cream
Isa ako sa mga taong mahilig uminom ng kape. Nakakahalina naman kase ang aroma nito. Kaya naman noong naglabas ang Selecta ng isang “Coffe Crumble ice cream” ay hindi na ako nagdalawang isip pa at nagpabili na ako agad nito sa aking ina. Natikman mo na ba ito? Hindi ba’t napakasarap nitong kainin lalo na kapag mainit ang panahon? Sa bawat subo ko nito ay para bang dinadala ako sa ulap sa sobrang sarap. Malalasahan mo rin sa bawat kagat ang nuts at malilit na tsokolate na nakapaloob dito.
Alam mo ba na ang ice cream ay gawa sa gatas at iba pang dairy products. Kaya ito ay walang kaduda-dudang pagkaing mayaman sa protina at calcium na kailangan pampalaki, pampalusog ng katawan at pampatibay ng buto. Kaya naman para sa mga taong hindi mahilig uminom ng gatas, ang ice cream ay isang mabisang alternatibo.
Kapag ako ay galit, nalulungkot o stress ay idinadaan ko nalang ito sa pagkain ng ice cream, at mabilis na gumagaan ang aking pakiramdam. Tuwing ako naman ay nag-aaral at kailangan magpuyat ay imbis sa kape ay Coffee Crumble ice cream nalang ang aking kinakaen. Natutulungan ako nitong maging gising magdamag.
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang paboritong pagkain. Ngunit kahit ano man ito, ice cream man, tsokolate, spaghetti o kahit anong klaseng pagkain, ito ay ating namnamin dahil ito ay biyaya mula sa ating Panginoong Diyos.
-FATIMA JANE INFANTE
#23
ako hnd ako mahilig sa kape...sabagay iba iba ang ating mga gusto...
ReplyDelete:)
Masarap talaga 'yan! Noong una ko siya tinikman, akala ko may mali lang. Pero nasanay din ako at sobrang nasarapan. Makabili nga minsan :-)
ReplyDeleteKahet ano basta ice cream game ako dyan!!! Pampawala ng init sa gantong panahon :D
ReplyDelete-Enna V.
hindi talaga ako umiinom ng kape..pero pag coffee crumble na ice cream..game ako!! hehe :D
ReplyDelete-Pam
Natikman ko yan dahil sa ate ko! :)
ReplyDeletekahit hindi ako mahilig sa kape ay napapakain ako ng coffee crumble :D
Isa sa mga pinakamasarap na flavors ng selecta :)
~Mara
Talaga namang napakasarap ng coffee crumble na ito! Tama ka, bawat pagkain na mayroon tayo ay biyaya ng ating Panginoong kaya naman dapat ay namnamin natin ito. Coffee crumble ice cream, lasang kapi na, masustansya pa! Sa mga taong hindi umiinom ng kape, coffee crumble na.!
ReplyDeleteCoffee Crumble ice cream. Nakakapagpagana talaga. Ito ay magandang alternatibo sa mga hindi gustong uminom ng mainit na kape.
ReplyDeleteSa mga pagkakataong kami'y nagsasaya, ito ay laging nakahanda.
Bigla ko tuloy naisip na bumili. :D
Masarap talaga yan kesa sa kape :D
ReplyDelete-Cheska
when i first look at the picture i said wow this is GOOD! i agree that eating ice cream is one way of relieving stress. its one way of giving yourself a break after doing a difficult assignment for school. pero siyempre hinay hinay din tayo sa pagkain guys para hindi naman tayo dapuan ng diabetes haha.:D
ReplyDelete-sef
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNapakasarap niyan, lalo na't mainit dito sa Pilipinas. :-) Marami ng lumalabas na kakaibang flavors ng ice cream ngayon, isa na yan. Unang beses ko pa lang matikman yan, nagustuhan ko na agad.
ReplyDelete-Guennie
Paborito ko din yan na flavor ng ice cream! Masarap kumain ng ice cream kapag summer at pagkatapos ng isang malupit at stressful na exam. :)
ReplyDeleteako rin kapag ako ay stress dinadaan ko ito sa pagkain ng ice cream :D isa rin sa mga gusto kong flavor ng ice cream ay coffee crumble. :3
ReplyDelete--mccann<3
Nakakatakam! Gusto ko na tuloy kumain ng sorbetes :)) Masarap nga ito, lalo na kapag mainit ang panahaon :D
ReplyDeletehuhuhu napakasarap, may ksalanan ka sakin, GINUTOM MO KO. gsto ko tuloy ng ice cream.
ReplyDelete-koko
ang sarap naman nito :))))
ReplyDeleteyummm. bagay yan sa mainit na panahon.
parang ako, HOT :)))
Napakasarap talaga niyan! :) Napakahusay ng iyong blog Fats. Tiyak na marami kaming impormasyong nakuha! Magaling!
ReplyDeletehindi ako umiinom ng kape pero mukhang masarap ang iyong paglalarawan sa ice cream na yan. kaya ibili mo ko niyan ha. ;))
ReplyDelete-trish
Fats, tama ka masarap talaga ang coffee crumble ice cream, lalo na kapag may barquillos na kasama! :D
ReplyDeleteHindi ko hilig ang pag-inom ng kame. Ngunit sa pagkain nito sa ibang paraan tulad ng paghalo nito o bilang isang sangkap sa sorbetes ay Napakasarap. lalo na kapag ito'y libre. :))
ReplyDelete-Con:)
Hindi ako mahilig sa Kape, pero parang masarap subukan itong "Kapeng Ice Cream" mo. Good Job! :-bd
ReplyDelete-Inah. :">
hindi ako umiinom ng kape pero isa sa mga paborito kong flavor ng ice cream ay coffee crumble :) the best :)
ReplyDeletemarj :)