Naaalala nyo ba sila? Sina Milenyo, Reming, Ondoy at Pepeng? Oo sila nga. Ano nga ba ang nangyayari kapag humahagupit na ang mga ganitong unos sa ating bayan? Walang kuryente, walang signal ang mga gadyet gaya ng ating personal na telepono, walang magawa kundi kumain. Ngunit, ano nga ba ang makakain sa ganitong panahon? Saradao ang mga tindahan, restawran at pamilihan. Dito, sa ganitong pagkakataon, nakikita ang importansya ng aking paboritong pagkain, ang Noodles.
Ang noodles ay gawa sa mahahabang pagkain na gawa sa harina na sinabawan pa ng kung anu-anong sangkap. Masustansya ito depende sa kung ano ang ilalahok mo. Isa sa mga pinaka-masarap na lahok ng noodles ay ang itlog. Ano nga ba ang lasa nito? Maraming pwedeng maging lasa ang noodles, depende sa iyong gusto. Maaaring maalat, maanghang, at pwede rin namang pinaghalong tamis-anghang. Maraming pwede mapagkunan ng ganitong uri ng pagkain. Mayroong mga restawran na nag-aalok ng iba't-ibang bersyon ng kanilang noodles. Mayroon ding mga instant noodles na mabibili sa mga tindahan at grocery stores na maaaring ireserba para sa mga unos gaya ng nasabi ko kanina.
Ang noodles ay may lasang hindi mo matatanggihan, at may presyong abot-kaya. Kung ikaw ay handang maglabas ng pera, pumunta ka lamang sa iba't-ibang Chinese, Japanese at Korean na restawran na nagkalat sa Pilipinas at tikman ang mga espesyal nilang noodles na umaabot sa 200.00 Php. Ngunit, kung ikaw naman ay nagtitipid, maraming instant noodles na matatagpuan sa iba't-ibang tindahan na nagkakahalagang 10-25.00 Php lamang. Mura hindi ba?
Sa panahon ngayon, madalang ka nang makakakita ng misang pagkain na kukuha ng iyong atensyon. Ang noodles ay parang isang PERFECT PACKAGE kung tawagin, may presyong abot-kaya, swak sa ating panlasa, at kaakit-akit na itsura. Yan, ang paborito kong pagkain. KAINAN NA!
Rolando C. Sio JR
CTHM-1T4
Nakakatakam naman. :P Napakainforamtive! Magaling! at pahingi :))))
ReplyDeleteang ganda ng pagkakalahad mo. ang galing galing, paborito ko din ang noodles. lalo na pag umaga :)
ReplyDeletemagaling! sa larawan pa lang nakakatakam na :D
ReplyDeleteMahusay Ginoong Sio. :) Lahat ng impormasyon tungkol sa noodles ay iyong nailagay. Magaling! :))))
ReplyDeletenapakaganda ng blog mo sio. :D siguradong madami ang mapapakain ng noodles pagkabasa nito. :">
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNapakaganda ng iyong panimula at maging ang panghuling mga salita..Tunay nga namang maeengganyo kumain ng NOODLES ang kung sino man ang makabasa nito :)
ReplyDeleteNoodles pala ang iyong paboritong pagkain .:) Masarap nga iyan. Nakakagutom. Magaling!
ReplyDeleteHindi ako ganun kahilig sa noodles pero tama ka nga, kapag wala ka ng ibang pwedeng makain sa mga ganyan panahon ay laging nandiyan ang noodles. :)
ReplyDeleteImportante ang noodles lalo na sa mga oras ng sakuna. Masarap nga ang mga ito, ngunit kailangang magdahan dahan upang hindi masira ang kalusugan :-)
ReplyDelete`Oh noodles!Masarap talaga ito, lalo na pag spaghetti :DD Gutom na ko!Teka, kakaen ako neto ngayon na! :)) Baboooo!
ReplyDelete-Enna V.
Tamang-tama ang noodles lalo na't tag lamig na ngayon. Pampainit sa ating katawan!
ReplyDelete-Nix:)
Sang-ayon ako dyan. Napakasarap talaga ng noodles at kaydaling lutuin. Katunayan instant noodles ang hapunan ko kanina :)
ReplyDelete-charisse
iba talaga ang noodles! mapa-lucky me, payless, pancit canton at iba pa, naku! kaakit akit talaga ang lasa. lalo na sa mga tsinong katulad mo. haha. kaya nga lang, wala itong SUGAR! yiiiii :)) -Zoo
ReplyDeleteMasarap nga noodles. Lalo na kapag umuulan. Sapagkat ito'y nagbibigay ng init sa katawan at pumapawi sa gutom:)
ReplyDelete-con:)
aww sarap ng noodles!!ako mad gusto ko ung maanghang..lalo na nga pag umuulan haha!yummm!!!
ReplyDeleteTalagang masarap yung noodles! Hahaha lalo na pag malamig! Whew! I'm craving tuloy for noodles! Ang sarap ng nasa picture mo! :D
ReplyDeleteSIO!! tama ka talaga! masarap talaga ang noodles..peyborit ko yan pagmalamig..:D
ReplyDeleteAng dami ng comments, parang hindi na kailangan etong sa akin. :-)
ReplyDeleteParehas tayo, gusto ko rin ng noodles. Lalo na kapag umuulan at malamig, kapag stressed at walang makain. Sarap! Sobra! :-)
-Guennie
awwww.noodles..dahil sa post mo..naisipan kong magbukas rin ng cup noodles..nakakagutom at nakakatakam kasi eh..picture palang..hindi kadudaduda na noodles ang paborito mong pagkain.
ReplyDeleteAng ganda naman :D Pinaka gusto ko Lucky Me :)) haha
ReplyDelete-Cheska
Noooooooodles!! Yummy! Pinakagusto ko sa lahat yung Jjampong. Hahaha! Ansarap kainin nun habang nanonood ng TV. :)
ReplyDeletechinese na chinese ang dating ah jr?
ReplyDeletenapakasimple ng iyong pag papaliwanag pero direcha sa topic. magaling.. masarap tlga ang noodles. pramis. =)
Masarap nga ang noodles, at ang maganda dito ay pwede mo itong lutuin ng mabilisan lalo na kung nagugutom ka.:)
ReplyDelete-Renz
Informative! :) Nakakatakam din, na-excite tuloy ako kumain ng noodles! Hahaha.
ReplyDeletenooooooooodles ba?
ReplyDeleteNapakadaling kainin, napakadali ring ihain. Pwedeng pwede! Ngunit kung puro noodles ay hindi ka talaga tataba niyan. Kumain ka rin ng mabibigat na pagkain na maaaring ipalaman sa iyong sikmura. :) -megan
mahailig akos a noodles. lalo na pag gawang korean. :)) at maanghang. <3 pero wag lang aaraw-arawin. masama ito sa kalusugan. :)
ReplyDeletewow. sarap naman yan ;)
ReplyDeletesabi ko na nga ba ikaw yan Rolando :) patok talaga ang paborito mo kapag umuulan :)
ReplyDeletemarj :)