Saturday, November 20, 2010

FROZEN YOGURT...



Para sa akin napaka hirap sagutin ng tanong na, Ano ang paborito mong pagkain? Sa sobrang dami ng gusto kung pagkain ay wala akong mapili kung ano nga ba sa kanila ang aking paborito. Kung iisipin ko lahat ng mga pagkain kong paborito nangingibabaw sa lahat ang Frozen Yogurt.
            Kapag nalalasahan ko ang Frozen Yogurt ako ay lubos na sumasaya. Ang maasim at kakaiba nitong lasa ay lubos talaga akong pinapasaya at nagagawang makalimutan ko ang ano mang problema. Iba-iba ang lasa nito depende sa toppings na pipiliin mo. Ito ay may pagkakapareho din sa ice cream ngunit ito ay mas masustansya at higit sa lahat hindi ito nakakataba kahit pa gaanong kadami ka iyong makain dahil ang pagkaing ito ay “cream free” dahil imbis na cream ang gamitin ang ginagamit dito ay yogurt. At higit sa lahat ang pagkaing ito ay mayaman sa protein, calcium, riboflavin at vitamin B 12. Marami kang makukuhang nutrional values sa pagkaing ito dahil kadalasang toppings nito ay mga prutas na alam naman nating lahat na napakasustansya. Ito ay medyo may kamahalan kaysa sa mga ice cream depende sa mga toppings at kung gaanong kadami ang gusto mo. Mabibili ito sa mga “frozen yogurt store”, ngunit ang paboritong kong bilihan nito ay sa Tutti Frutti na matatagpuan sa mga mall. Sa tuwing bibili ako ng pagkaing ito ay nagugulo ang utak ko dahil sa dami ng mga pagpipiliang toppings ay nalilito ako sa kung ano ba ang ilalagay ko sa yogurt ko subalit sa tuwing pupunta ako dito ay iba-iba ang pinipili ko upang matikman ko silang lahat at masabi ko kung ano nga ba sa kanilang lahat ang pinakamasarap.
            Alam kong maraming tao ang may ayaw sa pagkaing ito dahil sa kakaiba nitong lasa.Subalit para sa akin ay ito ang the best sa lahat at kahit ano pa man ang pagkaing nasa harap ko ito pa rin ang pipili ko at walang tatalo. Kaya kung gusto ninyong kumain ng masusutansya, masarap at maaari ka pang pumayat frozen yogurt na ang kainin nyo.
                                                                                                            Krystel M. Bathan

12 comments:

  1. Hindi ako kumakain ng yogurt simula bata ako. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko talaga dito. Pero ngayung nabasa ko ang iyong kaaya-ayang blog post, nagmistulang nagbagong-anyo ako. Siguro susubukan ko 'to minsan :-)

    ReplyDelete
  2. Paborito ito ng mga nag-ddiet!Ayiiii diet ka ba?haha..Tama masarap nga ang yogurt lalo na pag frozen!Good job :D

    -Enna V.

    ReplyDelete
  3. Tunay a masarap talaga ang frozen yogurt! :). Good job!

    ReplyDelete
  4. Masarap nga ito lalo na pag mainit ang panahon! :))

    ReplyDelete
  5. Masarap yan :) Tikman mo yung I <3 Yo! Super sarap :)) haha

    -Cheska :D

    ReplyDelete
  6. Ang frozen yogurt ay nagbibigay ng kaasiman at katuwaan sa akin dahil naaalala ko na unang tikim ko ay naakalain ko siya'y ice cream. Muntik ko na nabuga at kala ko sira na ito. haha. - uy

    ReplyDelete
  7. Nkakatuwa naman iyan, frozen yogurt. Kapag narinig mo lang, matatakam ka na. -megan

    ReplyDelete
  8. Tama! masarap nga ang frozen yogurt. ang una kong natikman na frozen yogurt eh ung nasa cup ung sa nestle sobrang sarap lalo na ung may halong fruits. . :P

    ~maan

    ReplyDelete
  9. sa totoo lang ay hindi ako kumakaen ng yogurt.. peo dhil sa mga sinabe moh, parang gusto ko ding itry..

    =marianne=))

    ReplyDelete
  10. Masarap nga naman talaga ang yogurt :)
    Salamat sa mga binigay mo na impormasyon, mas nagustuhan ko tuloy ang yogurt :))

    ReplyDelete
  11. Hindi pa ako nakakatikim ng frozen yogurt, ngunit ngayong nabasa ko na ang blog mo ay nais ko itong subukan :)

    ReplyDelete
  12. masarap talaga ang yogurt, ang flavor na gusto ko ay strawberry :) masustansya din ito tulad ng sinabi mo :)

    marj :)

    ReplyDelete