♥MOCHA FRAP ♥
Unang araw ng kolehiyo. Bagong eskwelahan, bagong mga kaibigan. Nakakapanibagong uniporme, sapatos, bag, at pati pag-aayos ng sariling itsura. Ngunit sa ‘di ko inaasahang pagkakataon, ngayong kolehiyo pala ako mahuhumaling sa isang inuming hindi ko inaasahang kahuhumalingan ko. Ang Mocha Frap. Nakatikim na ko nito noon, ngunit bihira pa ata sa patak ng ulan. Siguro ay dahil na rin sa presyo na pinanghihinayangan ko noong gastusin upang makabili nito. Ang presyo ng isang order ng Mocha Frap sa Starbucks ay nagkakahalaga ng 125.00 Php pataas. Mahal kumpara sa ibang pampalamig, ngunit sa oras na matikman mo na ang makremang lasa nito. Maglalaway ka sa tuwing maaalala ito.
Ilan sa mga sangkap ng masarap na inumin na ito ay ang espresso, low fat milk, cocoa powder, at asukal. Ito ang nagpapayaman sa lasa at nagbibigay ng matamis na kaligayahan sa mga tumitikim nito. At dahil na rin sa kape na mababa sa calories, maiinom mo ito ng buong laya at walang alinlangan.
Kung saan-saan rin ito mabibili. Halimbawa na nga diyan ang Stabucks na nagkalat na sa buong Pilipinas sa kabila ng kahirapan. Kahit saan na yata ako magawi at kahit saang mall ako mapadpad ay lagi ko itong makikita. Masarap kasi itong inumin habang namamasyal, habang kausap ang iyong irog, o kahit naglalakad ka lang mag-isa (taas noo, Starbucks yan eh :p).
Sa kabila ng di-kamurahang presyo, simula nang lubusan kong malasahan ang mocha frap, halos araw-araw ay ngtatabi na ko ng parte ng allowance ko pambili nito. Paminsan-minsan pa nga ay tinitipid ko ang pananghalian ko upang makabili lamang nito. Hindi man kalugod-lugod na lubos ang isiping nagtitipid ako ng lunch para lang makabili nito, ngunit ang saya na naiihahatid sa akin sa tuwing nakakatikim ako ng Mocha frap ay walang katumbas.
♥ANN CHARISSE ALCANTARA ♥
Ang mocha frap ay masarap talaga! Unang tingin ko rin niyan ay naiisip ko na ito ay sulit sa kabila ng presyo nito. Pero dapat din tayong mag-ingat sa maaaring idulot nito sa ating katawan dahil ito ay matamis. Huwag lamang araw-arawin.:)
ReplyDelete-Perl
Sa totoo niyan ay hindi ako mahilig sa mga ganyan dahil sa may halong siyang kape. Ngunit kung titingnan nga naman ang larawan ay parang masarap itong tikman. ;)
ReplyDeletenakakatakam naman ang starbucks na ito! pero kahit na mahal ito, napakasarap naman. ang gusto ko naman sa starbucks ay ang Chocolate Cream Chip :"> nakakainlove ang sarap. haha :D pero masarap rin ang mocha frap, tingnan mo naman, picture palang, nakakagutom na. haha -Liz
ReplyDeleteHindi pa ko nakakatikim niyan sa buong buhay ko. Pero dahil sa sinabi mo sa iyong blog parang gusto ko i-try yan. :P
ReplyDelete~maan
Naiintindihan ko na tinitipid mo ang lunch mo para lang makabili ng Mocha Frap, kasi alam ko mahirap talaga na pigilin na hindi kumain ng paborito mo :)
ReplyDelete=> angel
ang sarap namn nyan ! STARBUCKS .. :P gusto ko i try yan aaa ! favorite ko pa naman mocha ..
ReplyDelete~victor
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteAng na try ko palang Strawberries and Creme eh. pero mukhang masarap nga yan! ma-try nga ulit. :D
ReplyDeletemagiipon din ako! aahahah :DD
wew. talagang di sapat ang isang tikim para sa isang beses na buhay ng tao. talagang di rin mawawala ang mga paborito ng isang tao, agaran man ito mahanap o matagalan, nakatakda itong maging paborito mo. ayos lang na maging maluho sa paboritong bagay, wag lamang sosobra lalo na kung may kasamaan itong pwedeng idulot sa iyo. :))
ReplyDeleteMahilig din ako sa MOCHA! At dahil sa blog mo, pag-iipunan ko rin yan. :) Mahusay.
ReplyDeletemahal nga ang mga bilihin sa starbucks peo sulit naman ito kapag natikman m :)
ReplyDeletesinCe kinahuhumalingan mo ang MOCHA FRAP,
ReplyDeleteparang mahirap naman kung lagi kang magtitipid ng lunCh mo hindi ba?
mangayayat ka nyan :P
why don't you try na gumawa ng sariling MOCHA CRAP? nabanggit mo din kC ang ilan sa mga sangkap nito, so my idea kna . ^.^
andiyan nman ang internet at for sure my mga procedures na makakatulong sau :) mas mkakatipid ka at maappreciate mo pa dahil sarili mong gawa .
masama ang too muCh sugar!
wow mocha frap! :) agree!
ReplyDeletemasarap yan! ngunit payo ko lang, mas mahalaga na kumain ka ng lunch kaysa makainom ka nyan! :)
ReplyDeleteTAMA.! TAMA.!!
ReplyDeletewag ka naman magpagutom para makabili lang nyan pero parang hindi naman kita masisi mukang masarap nga yan :p
ma-try nga rin(ipon muna)
baka ma-adik rin ako(naku wag naman sana ;p)
na-aadik ka na sa starbucks!
ReplyDeletepalibre naman!. :P
Bongga! Talagang masarap ang mocha frap, mahal nga lang :) Pero kapag ika'y bumili nito, sulit na sulit na ang bayad mo! - megan
ReplyDeleteMOCHA FRAP, Para sken, di ako manghihinayang gumastos ng 120 pataas para sa Starbucks.. =) lalo na kung nagcocollect ka ng sticker para sa planner nila.. Natikman ko na ang inumin na ito sa Starbucks Katipunan Branch nung isang araw. Isa lang ang nasabi ko. "Deserving siya sa price niya" Luigi Agustin from Ateneo agree it also.. wala naman masama na gumastos para sa pagkain, pero please.. wag ka magpapalipas ng gutom ah..
ReplyDeleteNapakahusay! :)) Piktyur palang ay nakaka-takam na :D
ReplyDeletekahit mahal ay talaga nga namang mapapabili ka sa amoy at sarap ng lasa:)
ReplyDelete-gee
nakakatakam ang larawan :) buti na lang ay mababa ang calories :)
ReplyDeletemarj :)
wow!!!ang sarap naman niyan..natatakam na tuloy ako.
ReplyDelete