Saturday, November 20, 2010

TSOKOLATE...





Tsokolate ang aking paboritong pagkain dahil sa matamis nitong lasa. Ang paborito kong lasa ay matamis kaya naging paborito ko ang tsokolate. Ang Tsokolate ang nagbibigay ng enerhiya at masustansya din. Ang kakaw, isa sa mga sangkap ng tsokolate, ay may antioxidants. Meron din itong bitamina A, B1, B2, D, at E. Pero dapat hindi rin tayo masobrahan sa pagkain ng Tsokolate dahil lahat ng sobra ay nakakasama.

Ang Tsokolate ay sikat sa okasyon katulad ng araw ng mga puso, at minsan ito ang binibigay ng mga lalaki sa babaeng gusto nila. Ang Tsokolate ay mabibili sa mga tindahan halimbawa ay malls, grocery store, sari-sari store at sa iba pang lugar. Ang halaga ng Tsokolate ay depende sa lasa o sa pangalan nito(brand). Kapag ang Tsokolate ay imported ito ay mahal pero kapag gawang local lamang ang Tsokolate ito ay mura lamang.

Nakakaranas ako kumain ng napakaraming Tsokolate kapag pabalik na dito sa Pilipinas ang aking ama dahil pumupunta kami ng duty-free. Kuha lang ako ng kuha ng Tsokolateng gusto ko kaya naman want-to sawa ako sa Tsokolate at kaya rin marami ang kinukuha ko ay dahil namimigay din ako sa mga kaibigan, kaklase, at sa mga guro ko dahil kailangan din naman natin magbigay kung anu ang biyayang binibigay sa atin. Ang paalala ko lang sa lahat na mahilig sa Tsokolate ay huwag ninyong sobrahan ang pagkain nito dahil makakasama ito sa ating katawan.




ipinasa ni: Zarinna R. Gamogamo
pinasa kay: G. Alvin Ringgo Reyes

12 comments:

  1. Mahal ko rin ang tsokolate. Pero tama ka nga.. Dapat parin nating ingatan ang ating katawan. Masustansya rin ito kung paminsan-minsan lamang kakainin :)

    -nix

    ReplyDelete
  2. Totoo ang iyong sinabi, lahat ng sobra ay masama! Napakahusay ng blog mo Zarinna. Marami kaming impormasyong nakuha sa iyong blog. :)

    ReplyDelete
  3. Paborito ko rin ang tsokolate!:). Masarap itong kainin lalo na kapag nagrerebyu para sa pasulit at nakakawal ito ng antok.

    -perl

    ReplyDelete
  4. Isa rin sa mga paborito ko ang tsokolate. Mahilig din kasi ako sa mga matatamis.:) Masarap sya ngunit kapag nasobrahan ay diabetes ang aabutin mo. Mag-ingat lamang. :))

    --cams :]]

    ReplyDelete
  5. Masarap nga ang tsokolate, pero ang ibang tao ay natatakot na baka sa pagkain nila nito ay tataba lamang sila :-( Nakakalungkot

    ReplyDelete
  6. Desert ko palagi ito :D Pampataas ng enerhiya!Kaen na! :))

    -Enna V.

    ReplyDelete
  7. Wow, mukhang bonggang wantusawa ka nga sa tsokolate ah! Hindi mo nabanggit kung ano ang iyong pinakapaboritong tsokolate :-)

    ReplyDelete
  8. Pareho tayo! Paborito ko rin ang tsokolate:) Dahil sa matamis nitong lasa at sa mga bitamina o benepisyo na ating makukuha sa mga sangkap nito. Yum!:)
    -Con:)

    ReplyDelete
  9. ako din..paborito ko din ang tsokolate..napakasarap.. :D

    ReplyDelete
  10. wow!madami tayong paborito ang tsokolate, kumbaga hindi lang diamond ang best friend natin..pati tsokolate na din!!hahaha

    ReplyDelete
  11. tsokolate! may goolai... makarinig pa lang ako ng hersheys, snickers, cloud nine at kung anu anu pang chocolate ay nahahyper na ako..hahaha..masarap talaga ang tsokolate! :D

    ReplyDelete
  12. tsokolate! kahinaan ko rin yan :) sobrang sarap talaga :)

    marj :)

    ReplyDelete