Sunday, November 21, 2010

Dinuguan, Delisyoso!

“DINUGUAN! Tikman muna, bago husgahan”.



     
Noong ako’y nasa batang gulang pa lamang, hindi ko masyadong hilig ang pagkain ng dinuguan dahil lamang sa anyo nito. Puro taba at higit sa lahat, ang kulay nito ay kulay itim. Pero sa paglipas ng panahon, natututo ko nang pagkahiligan ang pagkain nito. Dahil sa lagi itong iniluluto ng aking lola at noong aking matikman ang napakasarap na dinuguan sa Goldilock’s. At simula noon ay ipinasok ko na sa isip ko na, tikman muna ang pagkain, bago ayawan ito.

Ang dinuguan ay isang putaheng lutong- bahay lamang, kaya ito ay napakadaling iluto. Ang mga sangkap nito ay maliliit na hiwa ng baboy at atay, siling haba, suka, bawang, sibuyas at higit sa lahat ay ang dugo ng baboy. Maaari rin kayong magdagdag ng sangkap na naaayon sa inyong panlasa. At nalaman ko rin na mayroong binebenta sa Goldilocks’ ng isang paketeng dinuguan. Pwede na iyon kung kayo ay tinatamad magluto ng matagal. Kung sobra talaga kayong tinatamad na mag-init at naisipan niyo na lang kumain sa labas, subukan ninyo ang pagkain ng dinuguan sa Goldilocks’ mismo. Ang presyo doon ay P49.00 lamang, kalahating order ng dinuguan, huwag ka sapagkat may kasama na itong kanin! Kung gusto mo naman ng maramihan, naghahalaga itong lagpas isang daan, sapagkat mayroon na itong puto at inumin. Masarap talaga, kaya kung ako sa inyo, subukan niyo nang tikman!

Ang pagkaing ito ay hindi lamang masarap, ito rin ay nagbibigay sustansya sa ating katawan. Tulad na lamang ng Protein, Vitamin C, Iron, Calcium at iba pa. Kaya huwag nang matakot kumain nito dahil ito’y isang pagkaing Pilipino na nararapat nating ipagmalaki. Tandaan: Huwag huhusgahan ang labas na anyo kundi kilatasin muna ito.


  -- Juinio, Megan Ivy

17 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. kapag sinamahan ng puto,
    mas masarap. :D

    -CheLLe :3

    ReplyDelete
  3. Hindi ko man hilig ito sapagkat sa kulay at itsura nito. Ngunit Pag ito'y natikman ay kuhang-kuha nito ang lasa ng pinoy. Napakasarap!:)
    -Con:)

    ReplyDelete
  4. Oo nga. Tama ka na may mga pagkain na akala mo hindi masarap kapag tinitignan lang, pero pag tinikman masarap pala. Isa nga ang dinuguan sa mga ito.:)
    -Renz

    ReplyDelete
  5. wow. dahil sa blog mo mas lalo akong nahihikayat na tumikim ng dinuguan. haha.. :DD hindi ko pa sya natitikman dahil hindi ko nga gusto ang itsura, pero sige titikman ko na =)

    ReplyDelete
  6. Totoo yan, masarap talaga ang Dinuguan. :) Isa rin yan sa mga favorite ko. dapat lang pagkatapos kumain ay may salamin ka. :)) alam mo na kung bakit! -charmaine

    ReplyDelete
  7. paborito ko rn ang dinuguan lalo n ang luto ng aking lola :D

    ReplyDelete
  8. Gustong gusto ko ang pamagat. :) Ayoko rin kasi ng dinuguan. Hahaha! Marami akong natutunan. Ipagpatuloy! ☺

    -Yen♥

    ReplyDelete
  9. Tamaaaa:)) with Putoooooo. :)))nakakatakam.

    ReplyDelete
  10. weh? tagal ko nang hindi kumakain ng dinuguan. my last is when i attended a fiesta in Pasacao sa Cam. Sur. e dun kasi uso yung lipat bahay style.. though you have any idea kung sino yung host ng handaan ok lang.. well since it's tradition, house hopping kami magpi-pinsan :D XD puro dinuguan.. ayon umay na ako. hahaha. i have to take so many desserts just to calm my tongue. ayon.. hindi na ako kumain, pero baka.. hanapin ko na 'to :)

    Dinuguan is healthy and really delicious, proudly Philippine made. :) mapa-fiesta man o hinde.

    nice blog nga pala :)

    ~shiela.T.

    ReplyDelete
  11. Dinuguaaaannn!! ang sarap nito! lalo na pag may kasamang puto.

    ReplyDelete
  12. Dinuguan? Tagal ko ng hindi nakakakain niyan!
    Nakakamiss, talaga ngang masarap yan :) Lalo na pag mainit-init pa at may puto :))

    -Louise<3

    ReplyDelete
  13. Hindi pa ako nakakatikim ng dinuguan...dahil siguro sa itsura nito...
    Sa susunod makatikim nga :D

    ReplyDelete
  14. Hindi pa ko nakakatikim ng dinuguan dahil sa nakakatakot na itsura nito pero dahil sa blog mo ay parang gusto ko makatikim ng dinuguan.

    ReplyDelete
  15. paborito ko rin yan :> sarap noh?

    ReplyDelete
  16. mukhang dinuguan talaga kayo ni koko. Napakasarap talaga ng dinuguan. Ngunit madami hindi nakakatikim at hindi nila hilig ang putahe na ito. Pero kahit pa man ganun, ituloy niyo ang pagmahal sa dinuguan at kanya kanya namang panlasa - mel uy

    ReplyDelete
  17. dati din ay di maganda ang impresyon ko sa dinuguan pero katulad mo, nagbago lahat nang matikman ko :)


    marj :)

    ReplyDelete