Saturday, November 20, 2010

Corned Beef: Wow ulam na, merienda pa!

        
        

Isang araw, noong ako ay bata pa, nagluto ang aking ina ng sinabaw na baka. Talagang nasabik ako kaya naman umupo na ako sa hapag-kainan kahit hindi pa siya naghahain ng pagkain sa lamesa. Nang natikman ko ang karneng baka na hinalo niya sa sabaw ay nawalan ako ng ganang kumain dahil ito ay matigas at mahirap nguyain. Nagkulong ako sa kwarto noon. Pagkatapos ng ilang oras, pinuntahan niya ako sa kwarto at sinabi niya sa akin na babawi raw siya ngunit hindi na ako naniwala. Pagkapunta ko ng kusina, nakita ko na may ulam na pula. Tinanong ko siya, "Ma, ano ito? Nakakadiri naman. Parang pinunit na laman ng hayop!" Sabi naman niya, "Tikman mo. Hindi ba, sinabi ko sa iyo na babawi ako sa iyo?" Kumuha ako ng kutsara at tinikman ko. Nabatid ko na masarap ito at malinamnam, mabango pa! Dito nagsimula ang lahat, kung bakit naging paborito kong pagkain ang Corned Beef.

Ang Corned Beef ay isang pagkain na maaring ulamin o ipalaman sa tinapay. Ito ay naglalaman ng maraming sustansya na nakakatulong upang tayo ay mabuhay na malusog. Fats ang isa sa mga nutrisyong makukuha sa Corned Beef na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng enerhiya para tayo ay maging masigla. Mayroon din itong Cholesterol. Iniisip ng karamihan na ang Cholesterol ay panira sa ating katawan pero nagkakamali sila! Dapat nating malaman na ang Cholesterol ay tumutulong sa pagpapalinang ng ating memorya at ginagawang waterproof ng cholesterol ang ating cells upang suportahan ang iba't-ibang reaksyon na nangyayari dito. Tumutulong rin ito sa ating mga nerves at muscles na gumana ng maayos.

Alam niyo ba na ang Corned Beef ay bahagi ng tradisyon ng Ireland? Ang Ireland ay isang malaking isla sa bansang Europa na nagdiriwang ng St. Patrick's Day tuwing ika-17 ng Marso. Tradisyon ng mga tao doon na kumain ng corned beef at cabbage bilang bahagi ng kanilang paggunita sa selebrasyong ito. Ginawa nila itong pamalit sa Irish bacon dahil ito ay mas magaan sa bulsa.

Sa ating bansa, ang Corned Beef ay nakalata at mabibili sa halagang dalawampu hanggang dalawampu't limang piso. Ang karaniwang ginagawa nating mga Pilipino ay ginigisa ito sa oil, bawang, at sibuyas, nilalagyan ng asin at pagkatapos ay hinahaluan ng patatas. May isang simpleng paraan upang mas maging masustansya ang corned beef na ating niluluto. Haluan natin ito ng cabbage dahil ang cabbage ay mayroon bitamina C na nagpapalakas ng ating resistensya laban sa sakit at bitamina K na nagpapatibay ng ating mga buto, nagpoproteksyon sa atin mula sa liver cancer at nakakatulong sa paghilom ng mga sugat sa ating katawan o puso.

Ngayong nabatid na niyo ang ilang impormasyon na aking nalalaman tungkol sa Corned beef, sana ay maging inspirasyon ito sa inyo upang tangkilikin ang corned beef. Sa Corned beef, sulit! Mura na, masustansya pa! Ulam na, merienda pa!

-Mary Perl S. Abucejo

20 comments:

  1. Tama. Ang corned beef ay masustansya at napakasarap.Isa pa ay mahilig talaga ako sa baka. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi kumakain ang nanay ko ng baka, pero sa pagkakaalam ko ay kumakain sya ng corned beef. Patunay lang na masarap talaga ito :)

    ReplyDelete
  2. "Ito (Corned Beed) ay naglalaman ng maraming sustansya na nakakatulong upang tayo ay mabuhay na malusog." TAMA, nakasanayan ko na ang corned beef na gawing ulam. Tunay na masarap! :)
    -Harris

    ReplyDelete
  3. Ahmm..Tama na ang cholesterol ay nakakatulong sa memorya atbp. pero meron din cholesterol na nakakasama o nakakasira sa ating katawan kung kaya't may dalawang uri ng cholesterol ito ay ang Good cholesterol at bad cholesterol. Totoo na ang Corned Beef ay nakakatulong sa ating katawan dahil sa nutrients na meron nito.



    -Earl Tan Fr. Bohol

    ReplyDelete
  4. Masarap talaga ang corned beef lalo na kapag ipinapalaman sa tinapay at ginagawang merienda na ipinapares sa mainit na chocolate drink! Maganda ang iyong paglalarawan tungkol sa corned beef. Tunay na marami akong natutunan dahil marami kang naibanggit na mga trivia tungkol dito. Mahusay! God bless.:)
    -Lionell M. Sajulga

    ReplyDelete
  5. Ngayon ko lang nalaman na mahalaga din pala ang cholesterol sa katawan natin. Akala ko kasi nakasasama lang talaga ito. :)Itry ko nga na hahaluan ko ng cabbage ang corned beef, sa tingin ko mas sasarap ito! :)
    -Rochelle Salas

    ReplyDelete
  6. Hindi ko po akalain na ang corned beef ay bahagi pala ng tradisyon ng mga taga Ireland sa tuwing nagdiriwang sila ng St. Patrick's Day! Ang ganda ng blog ninyo ate Perl! Ang galing! Ipagpatuloy niyo lang po yan! Marami akong nabasang trivia tungkol sa corned beef! Maraming salamat po.:)God bless.!:)

    ReplyDelete
  7. Nakakatuwa naman po ang kwento mo tungkol sa sinimulan ng iyong pagkawili sa pagkaing ito! Ang vitamin K pala ay nakakahilom din ng mga sugat sa ating puso? Hehehehe.:). Masubukan nga ang corned beef na yan! Pasok ang banat mo! Mahusay ang pagkagawa mo ng blog na ito. Keep it up!:)

    ReplyDelete
  8. Sinubukan ko na rin po na ipalaman ang corned beef sa tinapay at talagang masarap siya! Isa pa, ang corned beef din ay mabango na talaga naman natatakam ka! Super sarap talaga.! Ang corned beef ay isa rin sa mga paborito kong ulam dahil malinamnam na, mura pa!

    ReplyDelete
  9. ,.uuhhmm...masarap talaga ang corned beef lalo na kapag ito ay bagong luto at marami rin tayong nakukuhang sustansiya mula sa corned beef.Talagang masarap.!

    ReplyDelete
  10. Tama! Masustansya nga yan. At masarap kahit saan mo isama! Kanin o tinapay :))

    ReplyDelete
  11. Ang corned beef ay sadya naman talagang sulit, kaya sa budget, at masustansya! Yan ang magandang katotohanan ng corned beef. Maganda ang pagkakalarawan mo sa pagkaing ito! Sadyang nagbigay ng inspirasyon ang blog mo!Salamat.

    ReplyDelete
  12. Talagang masarap ang corned beef! Katunayan guston-gusto ko itong ipinapalaman sa tinapay. Yummy! :)

    Napahusay ng iyong blog Perl! Marami kaming impormasyong nakuha mula rito! :)

    ReplyDelete
  13. masarap nga naman talaga ang corned beef...kahit anong oras pwedeng kainin.. :D

    ReplyDelete
  14. Paborito ko rin yan dati :D Sobrang sarap niyan. Ulam nga namin yan kanina eh :D HAHA
    -Cheska

    ReplyDelete
  15. ang corned beef ay isang masarap na pagkain. mayroon itong sustansya na nakatutulong sa katawan, ngunit pag nasobrahan ang mga ito ay nakasasama sa atin. kaya ayos lang na kainin ito, wag nga lang sobra.

    ReplyDelete
  16. Mayroon isang araw kung saan naglilihi ako ng hindi ko alam ano. Ang tagal tagal ko inisip at hinanap kung ano man ito. Hangga't gumabi na at hindi pa rin ako kuntento sa aking paghahanap. Nung nakaupo na ako sa hapag kainan nung gumabi na. Nahanap ko ang hinahanap ko. Nagluto si itay. Ito pala ay corned beef. Sarap! -uy

    ReplyDelete
  17. Wow ulam! naaalala ko si coco martin! :)
    Ang sarap talaga ng corned beef lalo na kapag maraming patatas at sibuyas! - meg

    ReplyDelete
  18. masarap at malinamnam pa... lagi ko itong hinahalo saaking kanin:D
    -gee

    ReplyDelete
  19. Mas nagustuhan ko ang Cornedbeef, dahil sa Blog mo. Natandaan ko tuloy yung pameryenda sa Crowne! HAHA

    -Inah.

    ReplyDelete
  20. nakakatuwa ka naman perl nung bata ka pa :) masarap na almusal ang corned beef :) ngayon ko lang nalaman na marami itong benepisyo sa katawan :)

    marj :)

    ReplyDelete