Thursday, November 25, 2010

Manok at Itlog!

 
 
 
CHICKEN ADOBO WITH EGG
Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa.
Ang paborito kong pagkain ay walang iba kundi ang Chicken Adobo with Egg. Marami na akong natikmang iba’t ibang uri ng pagkain. Hindi na ito mabibilang sa gamit ang aking mga daliri. Napakaraming ulam o pagkain na siya namang napakasarap at tunay  nagpapasaya sa akin ngunit ang Chicken Adobo with Egg lamang ang tunay na number one sa puso ko. Taglay nito ang sensasyong  hindi mo kailanman ipagpapalit at hindi kailaman maipagkakait.  Ang kakaibang  sarap nito ay hindi pangkaraniwan na may dalang kakaibang hiwaga na tiyak o siguradong hahanap-hanapin at tunay na pananabikan ng sinumang makatitikim o susubok nito. Ang bawat sangkap nito ay tila may taglay na mahika kapag napagsamasama.  Ramdam mong manunuot sa iyong ispirito ang taglay nitong katamtamang alat na nagmumula sa sangkap nitong toyo at ang linamnam ng panaghalong karne at itlog ng manok  na siyang magpapabago ng buhay mo. Idagdag mo pa ang walang kupas na dahon ng Laurel na siyang nagbibigay ng karagdagang flavour at mayamang aroma nito na siyang tiyak na kukumpleto ng munting misteryo ng Chicken Adobo.
Ang pagkaing ito ay walang dudang masustansiya lalong lalo na kung natural ang pagkakaluto. Ito ay mayaman sa bitamina at protina na nakatutulong sa pagpapatibay at pagpapayaman ng ating mga tissues sa katawan. Dahil na rin sa isa itong pagkaing pinoy, siguradong mabibili lamang ito sa makatarungang halaga lalong lalo na kung sa mga lutong-bahay o karinderya ito bibilhin.  Nguniy maaari rin naming lutuin na ito ng aktuwal at personal. Kailangan lamang kumpletuhin ang mga sangkap na kailangan upang makabuo o makagawa ng perpektong Chicken Adobo with Egg.  Ang mga sangkap na ito : manok, itlog, toyo, suka, laurel at paminta ,ay kadalasang matatagpuan o mabibili sa saan mang super/hypermarket at maging sa mga pampubliko at local na pamilihan o palengke sa inyong lugar.
Tandaan, higit na mas masarap ang pagkaing ito kung pagsasaluhan ng isang buong pamilya.
Sa dinalas-dalas ng pagkain ko ng Chicken Adobo with egg ay masasabi kong kalian man ay hindi ito nabigo sa pagbibigay ng kaligayahan at ginhawa sa akin. The best talaga ang Chicken Adobo with Egg. Subok talaga! J
--ni Lyka Dela Cruz

6 comments:

  1. trulalu yung las tpart. Kahit ako pinasasaya ako ng adobong may itlog! :D

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. ang adobo ay hango sa salitang espanyol na ang ibig sabihin ay "SARSA", "PAMPALASA" o yung tinatawag na "MARINADE or MARINATE"... Likas sa ating mga Pilipino ang husay sa pagluluto, lalo na kung sarap ang pag uusapan, ang adobo ay isa sa mga paboritong putahe ng mga pilipino. maging sa handaan, hindi ito mawawala.. maraming klase or istilo ng pagluluto ng adobo, sa aking karanasan sa pagluluto, isa ang adobo sa mga paborito kong lutuin, lalo na yung "ADOBONG TAGALOG" kung tawagin, ito ay maraming bawang at durog na paminta, at ito ay walang SOY o TOYO... at lalong masarap ito kung mayroong itlog.. ang adobo ay madaling matutunan lalo na sa mga mahilig magluto..

    =Mckydudz...

    ReplyDelete
  4. :)Yie..:D
    CHICKEN ADOBO WITH EGG...

    BOngga!:)

    ReplyDelete
  5. masarap nga ang pagkaing pinoy na ito na mas lalong pnapasarap ng itlog :)

    marj :)

    ReplyDelete
  6. Ahh shiken adobo with egg! Heaveen yan! :) Nanunuot ang sarap lalo na pag natikman yung manok. Hahaha! Tamang-tama pangtanghalian. :> -Chai ツ

    ReplyDelete