Saturday, November 20, 2010

Baked Macaroni Baby ♥


                                                       Baked Macaroni


              Bawat isa sa atin, lalaki, babae, bakla, tomboy, bata man o matanda ay may sari-sariling pagkaing kinawiwilihan o kinahihiligan. Kahit ano mang uri ng pagkain ito ay kwalipikado para maging isang paboritong pagkain ng tao. Nagiging paboritong pagkain nila ito ay dahil maaaring nagustuhan nila ang lasa, itsurao ang mga nutritional value na maaaring makuha nila sa pagkain na iyon.


            Ang aking paboritong pagkain ay ang baked Macaroni. Ang baked Macaroni ay isang uri ng noodles na ang sauce ay gawa sa tomato, all-purpose cream, giniling at cheese. Napakasarap nito kapag nakuha mo ang tumpak na pagluluto nito. Para sa akin, sa lahat- lahat at iba’t-ibang bersyon ng baked Macaroning aking natitikman, ang pinaka pumukaw sa aking panlasa ay ang gawa o luto ng aking ina. Unang tingin pa lamang ay matatakam at malalasap mo na ang masasarap nitong rekado. Ngunit, subalit, datapwat, base sa aking karanasan ng pagkain nito, kapag nalasahan mo na ito ay makakaramdam ka ng kakaibang kasiyahan at pagtakam-takam para maubos mo ang buong kaldero ng baked Macaroni. Ang ibang bersyong aking natikman ay maaaring mabili at makita sa Goldilocks, Greenwich, Pizza hut at sa mga iba pang restawrant at kainan. Kung ayaw niyo naming magtungo sa isang restawrant, maaari rin kayong gumwa o magluto ng sarili niyong baked Macaroni sa inyong kanya-kanyang tahanan. Basta sundin niyo lamang ang tamang proses at rekado ng paggawa nito. Siyempre, kung gagawa kayo ng sarili niyo, kayo mismo ang bibili ng sarili niyong rekadong inyong gagamitin. Di lamang yun, idagdag mo ang pagod sa pagluluto nito. Ang halaga naman ng pagkaing ito ay depende sa restawrant na pinagbibilihan mo. Ngunit sa aking alam, mga nasa animnapung piso ito at pataas. Sulit naman ang halaga nito dahil ito’y masarap at nakakabusog.

            Kahit napagod kayo sa iyong sariling pagluluto nito ay bawing-bawi naman kapag nakagawa kayo ng masarap na baked Macaroni. J Subukan niyo at maranasan din at matikman ang paborito kong pagkain. Di kayo magsisisi. Masasarapan talaga kayo ng bonggang-bongga.


-- Justine Camille A. Nery

22 comments:

  1. gusto ko rn ang pagkain na yan kaso tinatanggal ko ang cheese dahil ayaw ko nito....lhat nmn tau ay gustong gusto ang luto ng ating nanay...at napakasarap ng pagkain kapag tayo ang gumawa nito....nc blog cams .... :)

    --rina

    ReplyDelete
  2. Nakakaaliw ang iyong blog. :) Ang iyong panimula ay makwela. Mahusay ang iyong pagkakadescribe sa iyong paboritong pagkain. Totoong napakasarap nito. :D


    ~ IRa. :)

    ReplyDelete
  3. Mahal man ito, masarap naman :D Mukhang madali lang itong gawin. Makagawa nga. :P

    ReplyDelete
  4. Tama talaga! Napakasarap ng baked macaroni. Kapag kinain mo ito, malalasahan mo ang masarap na combinasyon ng mga rekado na talaga namang patok sa panlasa ng maraming Pilipino! Ang presyo rin nito ay hindi nakakapanghinayang dahil marami itong sangkap, nakakabusog, at siyempre masarap!:)

    -Perl

    ReplyDelete
  5. Wow! Nais ko rin matikman ang pgkakaluto ng iyong inay. Nakakatakam naman. Sana balang araw, magawa rin naten ito sa Cookery. :)

    -nix

    ReplyDelete
  6. WOW! Nakakamiss naman kumain ng macaroni pagkabasa ko ng post mong ito. Bawat pangungusap ay tila nananakam ng tunay. Sana matikman ko ang gawa ng iyong ina. :)

    -geords

    ReplyDelete
  7. Masarap nga! Kaakit-akit. Piktyur pa lamang ay nakakatakam na. Magaling!

    ReplyDelete
  8. saraaaaap nmn ! yummy ! :)

    -suzzy-

    ReplyDelete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. I love this dish! I hope Ms. Nery will give me one of this on my birthday, two-thumbs up on the baked mac. :D

    ReplyDelete
  11. Kapag kakaen ka neto isama mo ako.. :) Nakakagutom!Ang sarap!

    -Enna V.

    ReplyDelete
  12. Bonggang bonggang nakakaaliw bib! ☺ Hindi ako aware na noodles pala ang macaroni. Marunong ka bang magluto nito? ☺

    ReplyDelete
  13. Isa rin yan sa mga paborito ko :> Sobrang sarap niyan lalo na pag maraming keso!
    -Cheska :)

    ReplyDelete
  14. bonggang bongga! hahhaa mhilig din ako dyan :)-koko

    ReplyDelete
  15. wow!!! magaling! masarap talaga iyan :)

    ReplyDelete
  16. Agree ako..kahit na medyo mahirap ito gawin bawing bawi naman sa lasa! Bongga! :DD

    ReplyDelete
  17. May isang parte sa aking buhay na naadik ako sa Beked Mac. Hindi ko alam kung bakit, pero ang hirap tigilan. :-) Tamang tama ang mga sinabi mo sa iyong blog.

    ReplyDelete
  18. Msarap nga ang Baked Mac at marami nga namang tao ang gustong gusto itong kainin.:)

    ReplyDelete
  19. Grabe, masarap nga ang baked macaroni! Lalo na sa Goldilocks :D tunay na malinamnam :) -megan

    ReplyDelete
  20. Sadyang nakakatawa ang iyong blog. Nakakapag-udyok ka ng mga tao upang kumain at bumili nito. Sadyang masarap nga ito. Penge naman! :) Nice blog daughterG! Bonggang bongga ang panimula at ang iyong pagtatapos. :))


    -Louise<3

    ReplyDelete
  21. cams ito ba yung nakalimutan mo ang pangalan? :D gusto ko rin ang pagkain na yan pero nakakataba :) irresistible :)

    marj :)

    ReplyDelete