Siomai, Shumai, Shao mai, Siew mai.
by: Macrina G. Estropia
♥
Ano ang Paborito kong Pagkain? Isa lang ang pumasok sa Isipan ko, Siomai na yan. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, sigurado ako na lahat naman tayo ay gustong maka-tipid. Dito ko nadiskubre ang Siomai sa Carpark ng UST.
Sa halagang Php 25, siguradong busog ka na. Gustong gusto ko ito kainin pag Break time, ipareho mo lang ang isang order ng kanin solve na solve ka na, hindi pa sasakit ang bulsa mo.
Ang Pork Dumplings mas Kilala Bilang Siomai, ay isang tradisyonal na Pagkain sa Tsina at ito rin ay isang Klase ng Dumpling. May tatlong Klase ito, ang Cantonese Suimai at ang Jiangnan Shaomai. Ang Cantonese Suimai ay tinatawag na "Pork Mushroom Dumpling" at ang Jingnan Shaomai naman ay naiba dito dahil sa katigasan ng Wanton Wrapper at sa laki nito. Meron din namang Filipino Siomai, ang bersyon nating mga Pilipino na kadalasang ginagamitan ng Steamer o minsang piniprito. Kadalasan din itong kinakain na may kasamay Chili Garlic Sauce, Soy Sauce at Kalamansi. Ang Siomai ay merong din taglay na Proteina na pandagdag syempre ng Enerhiya.
Hindi makukumpleto ang linggo ko hangga`t hindi ako nakakatikim o nakakakain ng Siomai. Napakamalinamnam nito. Hindi ko makakalimutan ang pagpapakilala sa akin ni Enna Villianueva ng Master Siomai, dahil nahawa ako ng tuluyan sa kanyang pagkahilig rin nito. Kaya masasabi ko ngang isa ito sa aking mga "comfort food", dahil pag kinakain ko ito, nararamdaman ko ang pagka-kontento at ang mga magagandang alaala noong sabay sabay naming pinag-sasaluhan ng mga kaibigan ko ito.
Siomai, Swak sa Panlasang Pinoy :-bd
Ako yun `oh!!!Hahaha..Tama ang mga nilalaman netong blog na `to maniwala kayo!Masarap, malinamnam at nanunuot ang lasa ng Siomai..murang-mura pa, oh `di ba?Afford naten..bili na!!
ReplyDelete(Salamatssss Inuhhh :*)
-Enna V.
Isa rin yan sa mga paborito natin! :> Sobrang matipid nga at masarap! :D
ReplyDelete-Cheska
Siomaiii!! sobrang sarap talaga ng siomai lalo na ung may maanghang na sauce. sulit na sulit ang pagkain nito dahil mura na masarap pa!
ReplyDeleteINAAAAAAAAH! WAAAAAH. FAVORITE NA FAVORITE KO RIN TO. YUMMY! WAAH. NAGUGUTOM AKO. GUSTO KO NG SIOMAI! :| Meron akong kinakainan, Red Ninja! yung name. Siomai with rice. Sarap! Haha. :)
ReplyDeletehaha.. galing naman ang dameng info tungkol sa siomai. :D agree ako sa lahat ng nakasulat, ang sarap nga ng siomai :))
ReplyDeleteNaalala ko tuloy yung kumain tayo sa Lovelite at Siomai Rice ang inorder ko :D Swak na swak talaga ang Siomai sa panlasang pinoy! :)
ReplyDelete-tweet
wooooh sarap :">
ReplyDeleteSiomai! hahaha nakakagutom :)))
ReplyDeletenag crave ako bigla sa siomai ng siomai house sa higher grounds. haha lol. :D
~mara
SIOMAIIII!!! alam ko toh..halos araw araw ka dating nagtatnung kung kakain si Enna ng Siomai! ahaha...anyways, tunay na napakasarap netong siomai! :D
ReplyDeletewoo gustong gusto ko rin to :P lalo na ung master siomai! wooo! na may kasamang gulaman pag mahanghang! hahaha. mahusay dahil sinamahan mo ng konting research ang iyong blog. ilibre mo nman ako ng siomai o! joke
ReplyDelete-KOKO
WOW!!! paborito ko din ang siomai...napakasarap nito! :D
ReplyDeleteBigla akong natakam habang binabasa ang blog mo! I waaant! :"> Masarap talaga ang Siomai sa Master Siomai! Lalo na kung mejo maahang.. katakaaam!
ReplyDelete-Nix :>
PINASARAP ng blog mo ang simpleng Siomai..
ReplyDeletepero totoo naman.. masarap tlga to, lalo na ung maraming bawang ang toyo.. hehe. :))
-- Chrisdie
Try mo sa Asturias sobrang sarap din ng siomai Inahpot :))
ReplyDeleteGusto ko tuloy ng siomai! Isa rin ito sa mga paborito kong pagkain.:)
ReplyDelete-Renz
Weh, Kylie? Meron pala doon? Hindi kasi kami masyadong lumalabas pag kumakain e. Tamad kaming maglakad. Pero i-ttry ko rin minsa.
ReplyDeleteSALAMAT SA MGA COMMENT! :">
-Inah. :DD
magandang kainin ang pork siomai dahil masarap at mura :)
ReplyDeletemarj :)