Friday, November 19, 2010

Zagu: Irresistably Different! -- Chrisdie Mycel Diaz Ruzol

Ang bawat araw sa akin ay nagiging kumpleto kahit pagkain lang ang nakakasama ko. Ewan ko ba ngunit kahit marami akong problema ay parang bigla akong sumasaya kapag ako'y kumakain. ngunit sa dami na ng varayti ng pagkaing natikman ko, isa lang ang nakakuha ng natatanging puwang sa puso ko -- Zagu.

Ang Zagu ay isang masustansyang Pearl Shake na nagsimula noong 1990's. Ito ay gawa sa simpleng sangkap ng shake tulad ng yelo, flavoring, at pearl. Sa kaunting sangkap na ito ay hindi mo masusukat ang nutrisyong makukuha dito. Ang Zagu ay napakayamang source ng Calcium na tumutulong pampatibay ng mga buto at ngipin. Higit pa diyan ay tumutulong din ito sa blood clotting at sa heart palpitation.

Tampok ang mga Zagu stores sa kahit anong pasyalan o shopping centers. Ngunit kung nasa bahay ka lang naman ay siguradong mayroon din sa inyong lugar. Ang presyo ay nahahati sa tatlo: Baby-Z na nagkakahalagang P 30.00; Regular na P 36.00; at Grande na P 42.00. Sa pagbili nito ay siguradong di ka magsisisi dahil masasarapan kana, magiging healthy ka pa.

Sa tuwing umiinom ako ng Zagu ay talagang gumagaan ang pakiramdam ko. Sa katunayan ay hindi ito maaaring mawala sa aking kamay lalo na kapag naggagala kami.

I FEEL GREAT! I FEEL ZAGU. :)

13 comments:

  1. I also like ZAGU. :)
    Ang inumin na ito ay napakasarap at masustansya pa.
    Higit sa lahat, hindi masakit sa bulsa. haha. :p
    Sa katunayan, ang favorite ko ay ang 'creme brulee'.( SARAAAAAP :> )

    ZAGU is the really the BEST!

    ReplyDelete
  2. i like Zagu because it helps to complete my day
    and it so nutritious. y because of the pearl, the pearl in Zagu is made from starch , starch is carbohydrate .. and Zagu is so affordable ,



    08..

    ReplyDelete
  3. Habang binabasa ko ang blog post mo, inimagine ko na ang Zagu na gusto ko. Parang nanlalamig ako habang sumisipsip at binabasa ang iyong akda. Masarap nga ang Zagu, lalo na sa panahon ng summer dahil sa tindi ng init

    ReplyDelete
  4. Kahet na nagtaas ang presyo nito sa pamilihan, hindi ko pa rin natitiis na hindi bumili.Paborito ito ng aking pamilya :D

    -Enna V.

    ReplyDelete
  5. Kahit nagtaas na ang presyo nito sa pamilihan, hindi ko pa rin matiis na hindi bumili dahil sa sarap at iba`t-ibang flavors na pagpipilian! :)

    -Enna V.

    ReplyDelete
  6. Ang sarap sarap ng Zagu. Tama si Enna, kahit nagtaas ng kaunti ang presyo, marami pa din ang pumipila para bumili nito. Patok ito, lalo na kung summer season.

    ReplyDelete
  7. Kay tagal ko na hindi nakakainom ng zagu... Kailan kaya ako makakatikim muli? Ang zagu ay kay sarap ngunit kapag naaalala ko ang zagu, ako'y nalulungkot. Ang huling paglasa ko ng inumin na ito ay noong kasama ko ang isang matalik kong kaibigan. Paborito rin niya ito. Ngunit kay layo na niya at bumiyahe patungo UK upang tumira ng habbang buhay duon. Ang zagu ay may espesyal na lugar para sa akin. Mabuhay zagu!

    ReplyDelete
  8. medyo matagal na akong di nakakbili ng zagu pero alam ko na masarap talaga ito at pag may tsansa ay talagang bumibili ako nito kahit medyo mataas ang presyo..:D

    ReplyDelete
  9. hay, nauhaw naman ako diro chrisdie! favorite ko ang chocolate na flavor nila. sobrang sarap! :))

    -tricia

    ReplyDelete
  10. Gusto ko rin ung zagu! :) apir ! :) Ang sarap kasi no? tsaka pampatanggal uhaw! - megan

    ReplyDelete
  11. ayos lang na magtaas ng presyo, napakasarap naman kaya siguradong sulit ang bayad..

    =marianne=)))

    ReplyDelete
  12. Comfort food ko ito! Nakaka-uhaw tuloy :>

    -tweet

    ReplyDelete
  13. gusto ko rin ang zagu at lalo na ang mga pearls nito :)

    marj :)

    ReplyDelete