Ano nga ba ang isang pagkain na kilalang-kilala sa buong mundo at paborito ng mga tao lalo na ng mga bata? Isang pagkain na sa tuwing makikita ko ay ‘di ko mapigilang bilhin at tikman. Pagkain na nagbibigay ng lamig sa mainit na panahon at nagdadala ng ngiting di mapapantayan sa muka ng mga bata. Ano nga ba ito? Wala ng iba kundi ang sorbetes o mas kilala sa tawag na ice cream.
Ang sorbetes ay gawa sa gatas, cream, asukal at hinaluan ng iba’t-ibang klase ng pampalasa, minsan ay nilalagyan din ng itlog depende sa kung anong flavor ng ice cream. Simple lamang ang mga sangkap nito kaya maari itong gawin sa sariling bahay. Sa sarap ng lasa ng ice cream marami ang nagiisip na wala itong taglay na sustansya, ngunit ang sorbetes ay isang masustansyang pagkain. Ito ay may Protein, Carbohydrates, Fats at mga Bitaminang A, B2, at B12. Masarap na, masustansya pa. Ang Ice cream ay may iba’t-ibang klase ng flavor na kinahuhumalingan ng mga tao depende sa uri ng panglasa nila. Maaari ring lagyan ng toppings ang sorbetes, o kaya naman isama sa ibang pagkain gaya ng cake, cookies, French fries at iba pa.
Ang ice cream para sa akin ay may maraming gamit bukod sa pagiging pagkain nito, isa na ditto ay ng pagiging “stress reliever.” Sinisigurado ko lage na ang refrigerator namin ay may lamang ice cream, bakit? Dahil ang ice cream ang karamay ko sa lungkot, pagod, problema at panghihina ng loob. Sa tuwing kumakain ako nito ay nakakalimutan ko ang di magagandang bagay na nangyayari sa akin. Marami na ding mga karanasan ang nabuo dahil sa pagkaing ito, kagaya ng mga pagkakaibigan na nabuo dahil sa ice cream (diba enna v.? :D), mga lakad na mas sumaya dahil sa pagakin nito, mga pagkikita para lamang sabay na kumain ng sorbetes, at mga tawanan na nabuo dahil sa panginginig sa lamig matapos kuamin ng ice cream J. Lahat ng ito ay nasaksihan ko at nakita ko kung gaano kasaya at kasarap ng mga nagiting nabuo dahil lamang sa isang pagkain.
Ito ang paborito kong pagkain, Ice cream, na itinuturing ko na ding hero ko dahil sa sayang binibigay nito di lang sa akin pati na rin sa mga kaibigan at pamilya ko.
- Jocelyn Panquico . 1T4
Woo...packerr! I love it! haha..tamang tama ka diyan. Maraming kaganapan and nangyayari dahil sa ice cream! :D
ReplyDeleteSobrang sarap nga yan! :> Oo nga andami talaga nangyayari dahil sa ice cream! :D
ReplyDelete-Cheska
Wow! Grabe itsura pa lang katakam takam na! :)
ReplyDeleteGusto ko tuloy bumili ng ice cream.
-Ja9
paborito ko rn ang ice cream yum yum :">
ReplyDelete--rina
isa rin sa mga paborito ko ang ice cream at stress reliever tlaga:)
ReplyDeletemarj :)
ngayon ko lamang nalaman na... may itlog palang sangkap ang ice cream, seryoso! haha.
ReplyDelete-koko
Maraming nabubuong pag-kakainigan dahil sa Icecream? Db? :)) Favorite ko `tong kainin sa McDO. Maslalo na yung spoon. :))))))))))))
ReplyDelete-Inah :*
pagkakaibigan*
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteWoahhhh!Anung kinalaman ko sa ice cream? :P
ReplyDeleteSumasang-ayon ako sa laman ng blog na ito...hindi dahil sa nabanggit ang aking pangalan kundi dahil isa ko sa magpapatotoo na tunay nga talagang may mga pagkakaibigang nabuo dahil dito (hihi),sumasaya ang lakad,nagkikita para lamang kumain neto at mga tawanan dahil matapos kumaen ay nangangatog sa lamig :)Madalas akong kumakain ng ice cream sa Mcdo :))))) Chocolate Hot Fudge ang madalas kong in-oorder.May isa akong `di malilimutang tagpo dahil sa pagbili ng ice cream na naganap sa Legarda Station...`di ko na ikkwento kase mahaba na `tong comment ko :P Lapitan nyo nalang ako kung gusto nyong malaman!Haha.
Nagmamahal,
Enna V.
Tama ang iyong sinabi. Para sa akin isa ding, stress reliever ang ice cream! Nakakatakam!
ReplyDeletewow!!! tunay ngang masarap ang ice cream.. :)
ReplyDelete