Saturday, November 20, 2010

Fried Chicken



Noong bata pa ako ay mahilig na talaga ako sa manok. Lalo na sa pritong manok. Nabighani ako sa katakam-takam nitong itsura. Ang napaka “crispy” nitong mga balat at ang napaka “juicy” nitong laman. Ang “fried chicken” ay isa sa mga pagkaing sikat at kilala ng lahat ng tao. Hindi ito mawawala sa mga kaarawan at iba pang handaan.

Ang aking paboritong pagkain ay ang pritong manok. Napakasarap nito at masustansya pa dahil sa taglay nitong mga simpleng sangkap. Ang mga sangkap nito ay manok, toyo, asin, kalamansi, harina, paminta at binating itlog. Ang mga sangkap nito ay kay daling hanapin sa mga pamilihan. Ang proseso ng pagluluto nito ay simple lamang. Ngunit kailangan din ng masuring pagtingin.

Nagbibigay ito ng mga nutrients sa ating katawan. Makukuha natin dito ang protein para sa ating mga sira o apektadong tissue sa katawan. Meron din itong carbohydrates na nagbibigay ng lakas at enerhiya sa ating katawan. Makakakuha din ng mga bitamina dito tulad ng bitaminang B3 at B6 na makakatulong upang maging malusog ang ating katawan.

Ngunit tulad ng ibang pagkain, hindi rin mabuti ang sobra o araw-araw na pagkain ng manok dahil sa mantikang taglay nito na maaaring makasama sa ating kalusugan. J


-Pamela Carlos  #10

21 comments:

  1. halata nga na paborito mo yan...kht na allergic ka dyan kain ka prin ng kain...masarap nmn kc :D

    ReplyDelete
  2. Wow! Ang sarap lalo na kapag crispy pa ito! Nice blog! Isa rin sa mga masasarap na pagkain para sa akin ang pritong manok.:).

    -Perl

    ReplyDelete
  3. Woooow! Wala naman atang tao ang may ayaw sa Fried Chicken! Napakasarap talaga nito. Lalo na yung krisping balat nito! :)

    ReplyDelete
  4. Masarap nga siya :D Lalo na pag sobrang crispy! Yum. Nagugutom tuloy ako :D
    -Cheska :D

    ReplyDelete
  5. Walang sawa ang mga kabataan sa fried chicken. Basta fried chicken, kakainin.:-) Hindi man malinaw ang dahilan, ang alam ko ay masarap talaga yan. Hehe!

    -Guennie

    ReplyDelete
  6. Napakahusay! Mahilig din ako sa manok NOON. Ngayon akoý nagbabawas na sa pagkain nito dahil sa balat ko. Ngunit, walang duda, masarap nga at masustansya ito :)

    ReplyDelete
  7. gusto ko tuloy ng manok! HAY!!!!!!!!!
    -koko

    ReplyDelete
  8. Pam! paborito ko rin ang friend chicken! haha.. Simula noon ay mahilig na rin ako dito at kahit araw arawin ko pa ito di ako magsasawa! :D

    ReplyDelete
  9. Magaling,! :) halos lahat naman tayo ay mahilig dyan. Paborito ko dito ang balat, ito ay hinuhuli kong kinakaen lalo na kapg talagang crispy ito. :D

    -- cams :]]

    ReplyDelete
  10. tama, masarap ang fried chicken! matatagpuan na ito kahit saan ngayon. hindi ba't maglulto din tayo nyan. ;)

    -tricia

    ReplyDelete
  11. Kahit sino naman ata ay kumakain ng fried chicken dahil masarap ito, at kahit bata ay paborito ito.:)

    ReplyDelete
  12. Napakasarap nito lalo na kung ito'y juicy at crispy!:) Paborito ito ng marami mapa bata man o matanda!:)
    -con:)

    ReplyDelete
  13. masarap iyan.
    hinding-hindi ka
    magsasawa. :D

    -chelle♥

    ReplyDelete
  14. Favorite ng lahat! :)) fried chicken. ♥ tas gravyyyyyy. :P

    ReplyDelete
  15. Fried chicken! grabe sobrang nakakatakam! Lalo na pag bagong luto. .CRISPY ung balat. . :P

    ReplyDelete
  16. Fried chicken! Paborito ng lahat lalo na nga mga bata. Hindi nga naman kasi maitatago ang kalinamnaman ng pagkaing ito:)) Ipagpatuloy mo lang ang pagkain nito upang ika'y tumaba naman :) -meg

    ReplyDelete
  17. Yummy! :)) Paborito naman ata ito ng lahat e. Pero masarap pa din ang Fried Chicken ng KFC with gravy. Love it!

    -Louise<3

    ReplyDelete
  18. Mahilig ka ba sa chicken skin? Mabuti naman at aware ka sa nadudulot nitong hindi maganda sa ating katawan. Mag-ingat. :)

    ReplyDelete
  19. WOW PAMIE!:)) HAHA!PARANG TOTOO!:))

    ReplyDelete
  20. hindi talaga yan mawawala sa kahit na anung handaan wag lang masosobrahan :)the best nga ang chicken ng KFC :)

    marj :)

    ReplyDelete