Sunday, November 21, 2010

BRAVO BISCUITS :D

BRAVO BISCUITS


           Noong nakaraang semestre ay wala akong oras kumain ng umagahan kaya't bumibili na lamang ako ng biskwit sa tabing tindahan sa  Lawton tuwing sasakay ako ng jeep papuntang España. Napansin ko agad ang makulay na pakete ng Rebisdo Bravo Biscuits kaya't binili ko ito. Kinain ko at nilasap ko ang napakatamis na lasa nito, at dahil doon sobra ko itong nagustuhan at mula noon, parati ko na itong binibili at binabaon sa paaralan.

          Ang biskwit na ito ay gawa sa wheat flour, vegetable shortening, asukal, coconut oil, sesame seeds, leavening agent, skimmed milk, at iodized salt. Ang pagkain nito ay nagdudulot ng nutrisyon sa ating katawan tulad ng Calorie, Fat, Carbohydrates, at Protein. Mayroon ring bitaminang nakukuha dito tulad ng Vit. E, B1 at B2. Kasam nadin dito ang Calcium at Iron.

          Makikita sa pakete nito na ito ay may kahalong sesame seeds. Ayon sa rebisco web site, ito ay isang biskwit na nilagyan ng asukal at sesame seeds kaya't ito ay naiiba sa iba pang uri ng mga biskwit. Ito ay may bentahe ng "makabagong kabalintunahan ng lasa" dahil rin sa pinagsamang kaaya-aya nitong lasa ng asukal at sesame seeds. Nabibili ito sa mga pangkaraniwang tindahan, grocery store at mga supermarkets. Ito ay nabibili sa halagang apat  na piso at limampung sentimo hanggang anim na piso kapag ito'y binili ng tingi.

          Ang pagkain nito'y nakakatulong sa pagpapanatili ng ating balat, nervous system, puso, mga kalamnan at magandang bisyon ng mga mata. Masarap itong kainin, hindi lang dahil sa masarap nitong lasa kundi dahil rin sa mga magandang dinudulot nito sa ating kalusugan at katawan.

          BRAVO BISCUITS, ang biskwit na pinapalakpakan! :P



~Rochelle Anne A. Lanes♥

15 comments:

  1. wow!! paborito ko din iyan.. :)
    masarap nga naman talaga ang biskwit na iyan :)

    ReplyDelete
  2. At mayroong machong fafa? Para mas lalong nakakaengganyo?:) Nakakatakam nga... yung bravo:D kapag ika'y gutom na gutom na. Pwede itong pampalipas gutom. OO . iclap-clap iyan! -megan

    ReplyDelete
  3. Tama! Bravong-bravo talaga ang Bravo Company. Hahahahah! Ayos na ang presyo, win na win pa ang lasa sa mga estudyanteng di nag-aalmusal o sa mga trip lang ngumuya. Kaya, bonggang-bonggang Bravo! :D

    ReplyDelete
  4. Sarap kainin nito pag wala ka magawa at lalong-lalo na pag wala pang guro. :P

    ReplyDelete
  5. tama lang magbaon niyan lalo na pag walang oras kaysa bumili at pumila pa...
    mas "convenient" pa siya kasi pwede mong dalhin kahit saan :)

    ReplyDelete
  6. Talagang may model na Papable? =))
    Di ko pa iyan natitikman pero kung Papable ba naman ang magbebenta, Why not? =) :) :D


    -Louise<3

    ReplyDelete
  7. paborito ko rin ito,dahil nga sa sarap na taglay nito at sa mura ng presyo nito, pero grabe hindi ko alam na may maganda rin palang naidudulot ang pagkain nito sa ating balat at puno ito ng bitamina. Kapag kasi bumibili ako nito ay hindi ko na tinitignan ang kasangkapang meron ito, pero sino nga ba ang tumitingin dun? pero in short, masarap talaga ito, kaya bravo, Bravo biscuit! :))

    ReplyDelete
  8. SANG-AYON! natutulungan ako ng biskwit na ito na hindi magutom sa oras ng mga klase ko. Dahil ako ay matakaw, lagi akong hinahapo ng gutom at thanks to Bravo biscuits nalalampasan ko ang gutom na to. hahaha.. tama ngahlang na "BRAVO BISCUITS, ang biskwit na pinapalakpakan!" nyc.! :))

    ReplyDelete
  9. "BRAVO BISCUITS, ang biskwit na pinapalakpakan! :P"
    - Waging wagi ito! :) Natuwa ako sa iyong sanaysay dahil marami akong natutunan, hindi ako aware na napakamasustansya pala nito. :)

    -Yen♥

    ReplyDelete
  10. Bravo! Winner ang biscuit na ito dahil pinapalakpakan. :)) Ngunit sa totoo lang ay hindi ako mahilig sa mga biscuit pero ito ay isang magandang panawid-gutom. ;)

    ReplyDelete
  11. Noong bata pa ako, naririnig ko na ang bravo biskit. Panalo talaga yan sa buong pamilya ko ngunit ako lamang ang hindi mahilig sa biskit. Bakit ganun?? Kumakain din ako upang malusog soo katanggap tanggap talaga ang Bravo sa akin kahit hindi ko paborito. Bravo sa iyo sa pagkain ng Bravo!

    ReplyDelete
  12. masarap nga naman talaga ang bravo biskwit na iyan:)

    ReplyDelete
  13. Masarap 'to! Handy pa. :) pwde kainin and dalin anywhere. Nice choice. :))))

    ReplyDelete
  14. Nako, talagang masarap yan! Inimpluwensyahan mo ako Bb. Lanes,:). Maraming salamat. Nice one! nakakaadik!:)

    ReplyDelete
  15. wow :) marami palang benepisyong makukuha dito :)

    marj :)

    ReplyDelete