Sa simula ng araw, ano ba ang nais ninyong makain upang magkaroon ng lakas buong araw? Ano ba ang naaayon sa inyong panlasa na makapagbibigay ng sarap at sustansya? Sa ating mga Pilipino, ang pandesal ay makikita sa hapag kainan tuwing umaga bilang kanilang agahan. Ito ang magsisilbing kanin sa mga palaman na inilalagay sa loob nito, hal. pandesal na may corned beef, spam, cheez whiz, butter at asukal, jams, sardinas o di kaya, ang pinakasimpleng pandesal at kape. Ang paborito ko dito ay ang pandesal at cheez whiz. Sabagay, lahat naman ata ay paborito ko. Nais kong ibahagi sainyo kung paano ginagawa ang pandesal.
Ang pandesal ay binubuo ng gatas, asukal, itlog, mantekilya, asin, harina at ang lebadura(yeast). Imicrowave and mga likido ng 30 segundo. Sa malaking palukong, ilagay lahat ng tuyong sangkap at gumawa ng butas sa gitna. Ilagay lahat ng likido sa loob ng butas at haluin ito hanggang makagawa ng malambot na masa. Ilipat ito sa may harinang lalagyan at masahin ng 8 minutos. Balutin ito ng plastik na pangbalot at hayaan ito ng 10 minutos. Pahabain ito hanggang sa makabuo ng mahabang pabilog na itsura. Budburan na ito ng "breadcrumbs" at hatiin ito isa isa. Ilagay na ito sa halaan ng 1 30 minutos,(dapat ay hindi muna isagad sa nais na laki ang pandesal). Ngayon ay ilagay na ito sa napakainit na halaan sa 365 na grado sa 10 minutos o di kaya ay kung makita nang ito ay medyo nangingitim na depende sa gusto ninyo kung gaano ito kaitim.
O diba madali lang gumawa ng pandesal? Noong bata ako ay nasubukan ko nang gumawa ng matamis na pandesal dahil mahilig din ako sa matamis. Alam nyo ba na ang pandesal ay may bitamina A na nakakatulong mapuksa ang malnutrisyon sa bansa? Napakalaking tulong nito sa mga mahihirap na pamilya dahil ito ay mura na, pabubusog ka pa at tumutulong pa na mapigilan ang malnutrisyon ng bata.
-Kimberly R. Reyes
napakasarap nga talga ng pandesal sa umaga lalo na kapag bagong luto ito :)
ReplyDeleteTalagang napakasarap ng pandesal. Palagi ko yang hinahanap para sa agahan. Kaso bihira lang akong makakain niyan. :) Nice!
ReplyDeletemasarap talaga ang pandesal lalo na kapag may peanut butter or cheese! :D
ReplyDeleteLumiit man at nagmahal ang mga pandesal, gusto ko pa rin siyang almusal. Lalo na kung mainit'init pa, hindi ba? :-)
ReplyDeleteMasarap yan! Samahan mo pa ng iba't-ibang palaman :) Paborito kong palaman ang ITLOG :D
ReplyDeletesimula pa noon ay kinahihiligan na natin ang pandesal lalo na sa pagkain nito tuwing umaga o bilang almusal. Napakasarap nito lalo na pag may kasamang tsokolateng inumin at palaman:)
ReplyDelete-Con:)
Ang pinakaimportanteng kain ay tuwing almusal. Ang pandesal ay ang isang inaasam asam ko tuwing umaga. Ngunit kay sarap din kahit hapunan o tanghalian, merienda o midnight snack. Nasubok ko din gumawa. Napakagaling. Tumagal pa ang mahal ng tao sa pandesal - uy
ReplyDeleteMasarap ang pandesal lalo na pag mainit init. Maaaring makapagpalaman ng kahit anong gusto mo:) Malinamnam :)) -megan
ReplyDeleteMasarap ito lalo na pag sinawsaw sa gatas. Pwede ring palamanan ng Peanut Butter! :D
ReplyDeleteKimmy, 'pag gumawa ka ulit ng pandesal ay patikimin mo kami ha? :) Ang buong pamilya ko ay mahilig rin sa pandesal, tunay na parte na ito ng sikmura ng bawat Pilipino. :)
ReplyDeletekahit anong palaman ay swak rito :)
ReplyDeletepagkaing pinoy :)masarap ito lalo na pag mainit :)
ReplyDeletemarj :)
talagang masarap ang pandesal lalo na kapag may butter :)) yummy!!!
ReplyDelete--ruth
Tsk,
ReplyDeleteTsk,
ReplyDeleteTsk,
ReplyDelete