“Ang paborito kong pagkain”
Ano ba ang aking paboritong pagkain? Madaming pumapasok sa isip ko pero isa lang ang aking laging inaasam asam. Napakasarap niya at ang lasa niya ay kakaiba sa ibang mga pagkain dyan, lalo na kapag ito ay malutong, mainit at sympre dapat hindi mawawala ang kanyang sawsawan. Kulay kape ang kulay nito kapag naluto na at may ubod na sarap na amoy. Pag nahawakan mo naman ito ay malutong, magaspang o kaya paminsan naman ay malambot depende sa pagkaluto nito. Alam mo na ba ang paborito kong pagkain? Ang pagka luto nito ay priniprito. Nakikita ito sa Shakeys, UST Carpark at sa mga mall. At higit sa lahat ito ay gawa sa patatas. Alam mo na ba? Kung hindi pa, sasabihin ko na, ito ay ang Mojos!
Upang magkaroon ka ng masarap na Mojos kailangan mo magkaroon ng mga kasangkapan gaya ng: patatas, chicken cube, asin, paminta, pinulbos na bawang at olive oil. Kailangan lang ng labing isang madadaling mga hakbang para makagawa ng masarap at masustansyang Mojos! Ano nga ba ang nilalaman ng isang Mojo? Ito ay binubuo ng 14% Calories, 21% Carbohydrates, 2% Fats, 15% Protein at iba pang mga bitamina.
Ano ba ang halaga ito binebenta sa mercado? Magkano ito maaring mabili sa ating mga paboritong restawrant o tindahan gaya ng Shakeys at UST Carpark. Kapag ikaw ay bumili sa Shakeys nagkakahalaga ito ng P 205.00 sa isang basket ng Mojos bagaman sa UST Carpark naman ito ay nagkakahalaga lamang ng P 35.00. Mura na nga, marami pa siya!
Ano ang nararamdaman ko tuwing ako ay kumakain ng Mojos? Sa aking karanasan, habang kumakain ako ng Mojos ito ay nakakagaan sa nararamdaman ko at natatakam bawat kagat. Pag naubos ko na ito, gusting gusto ko pang bumili uli sa sobrang sarap niya. Di mo akalain, nakakabusog pala siya. Hindi mo pa ba natitikman ang Mojos? Oras na para matikman mo ang paborito kong pagkain. Dali at kwentohan mo ako ng iyong karanasan kasama ang aking paboritong pagkain!
-ARIANNE QUIAZON :D
wow!!! masarap talaga ang mojos...
ReplyDeletepaborito ko din iyan :D
WOOOW! Nakakatakam naman!
ReplyDeleteNapaka-impormatib ng iyong blog Cheska! Mahusay! :)
Salamat Pam and Fats :D
ReplyDeleteHindi pa ako nakakatikim ng Mojos. Siguro masarap talaga yan. Marami pang sustansya! Makabili nga..:-).. Salamat sa iyong blog at nakilala ko ang Mojos.:)
ReplyDelete-Perl
MOJOS!!!! GIMME SOME!!!!
ReplyDelete-Floyd
Masarap yan. :-) Sobra. Tignan pa lang, nakakatakam na. Salamat sa impormasyon tungkol sa Mojos. Sana ay makatikim ako niyan sa UST :-)
ReplyDelete-Guennie
wow POTATO nnman hahaha peo masarap ito ^^,
ReplyDeleteMojos! Pinakagusto ko yung sa Shakeys.
ReplyDeleteHaha. Nakakagutom! :)))))
Galing! Daming info :)
~mara
talagang masarap yan. galing ah!
ReplyDeletehahaha sarap nman! patatas!!
ReplyDeletePatatas! :)) Lahat na yata ng luto ng patatas ay natikman ko na. Mahusay!
ReplyDeleteMojos! masarap toh! lalo na pag may dip!"D
ReplyDeletewow parang gusto ko tuloy ng mojos.:)
ReplyDeleteMarami akong nakitang health benefits na isinulat mo dito. samalat sa impormasyon!:)
TAMAAAA! Pabortio natin itong kainin pag umaga sa Carpark db, Cheska? Napaka-sarap mas lalo na yung mga dip na kasama! :))
ReplyDelete-Inah <3
wow! ang dameng info about mojos :)) galing naman, madameng mapapakain ng mojos ngayon. =)
ReplyDeleteAng mojos ang paboritong pagkain ng mama ko. Napakasarap talaga ngunit kapag mayroong mojos kaming binibili noon, inuubos nito ng aking ina. Hula ko, baka ganun ka din - mel uy
ReplyDeleteAng sarap talaga niyan. Lalo na ung sa school . yum yum yum yum yum delisyoso! Masustansya rin iyan sa ating katawan. Kaya ipagpatuloy lang natin ang pagkain ng mojos! :) -meg
ReplyDeleteHindi pa ko nakakatikim nento :) Mukha syang masarap. Bongga.! Matikman nga bukas! HAHA.
ReplyDeletenice blog cheska! ♥
-cams:]]
Bongga! Hindi pa ako nakakatikim ng Mojos mula sa Shakey's! Katulad mo, paborito ko rin ang mga patatas :) Nakakagutom! :)
ReplyDelete-Yen♥
pagkakita ko palang sa title ay alam ko na ikaw yan cheska dahil sinasabi mo sakin yan dati :) mura masarap at masustansya ang paborito mo :)
ReplyDeletemarj :)