Ang Tsokolate o sikulate ay isa sa aking paboritong pagkain. Sapagkat sa bawat kagat sa matamis nitong lasa ay nakapagbibigay ito ng kasiyahan at gaan ng loob.
Ang tsokolate ay naging parte na nang buhay ko simula nang ako’y bata pa. Ito ang nakakapagbibigay ng ngiti sa bawat lungkot na ating nadarama, Nakakapagbusog sa ating gutom o sa iba naman ay sa pagkain nito ay maituturing itong kasiyahan o hilig.
Ang tsokolate ay importante sapagkat ito’y nakikita sa mga pagdiriwang tulad ng kaarawan, “halloween”, at lalo na sa araw ng mga puso.
Ang tsokolate ay karaniwang sangkap sa mga iba’t ibang klaseng pagkain o inumin tulad ng keyk, gatas, kendi, batirol, tinapay, sorbetes at sa mga iba’t ibang klase ng minatamis.
Ang tsokolate ay nagmula sa puno ng kakaw na pinroseso sa iba’t ibang paraan upang ito’y ating makain.
Ito ay isa sa mga sikat na lasa o flavor sa buong mundo lalo na sa ating bansa. Ito ay mayroong iba’t ibang uri o klase tulad ng white o dark chocolate.
Ito ay hindi mahirap hanapin dahil ang tsokolate ay mahahanap sa halos lahat ng klaseng tindahan o pamilihan tulad ng mall, maliliit na tindahan, at sa mga factory o pagawaan nito.
Ang presyo nito ay depende sa kanyang pagkagawa o klase ng produkto. Maari itong napakamura na kakayanin ng bulsa o napakamahal tulad ng mga tsokolateng gawa pa sa ibang bansa. Ang tsokolate ay naglalaman ng mga iba’t ibang substansiya na nakakapagpalusog sa ating katawan tulad lamang ng flavonoid at anti-oxidents at ito’y naglalaman din ng mga substansiya na nagsisilbing anti-depressant na ang gawain nito ay alisin ang stress o lungkot na ating nadarama.
Sa kabila ng mga magagandang epekto at masarap na lasa nito ay siguraduhin na kumain lamang ng tama o moderasyon lamang ang pagkain nito. Sapagkat ito ay naglalaman ng madaming asukal na maaring magdulot ng komplikasyon sa ating katawan at huwag kakalimutang mag-sipilyo pagkatapos kumain nito.
At sa kasiguraduhan ay hindi lamang ako ang may hilig sa mga tsokolate sapagkat babae man o lalake ay kinagigiliwan nito ang matamis nitong lasa at mga epektong ibinibigay sa bawat kagat.
Consuelo Angeline D. Mallari 1T4
Consuelo Angeline D. Mallari 1T4
Tama! Ito talaga ang isa sa mga pagkain na paborito ng lahat. Parang bihira ka lang makakakilala ng taong ayaw nito. :)
ReplyDeleteTunay ngang masarap ang tsokolate, lalo na kung malaki ito at madami. Haha. Ibang sarap ang ibinibigay nito sa mga tao, ngunit ang iba, natatakot kumain dahil baka tumaba sila di umano
ReplyDeleteSino ba ang aayaw sa tsokolate?Napakatamis..masarap! :D
ReplyDelete-Enna V.
Tama si Enna V. walang sino man ang aayaw sa tsokolate :D paborito ko rin ang tsokolate. ang ayoko nga lang ay ung Dark Chocolate dahil ito ay mapait at hindi swak sa aking panlasa. haha. Ngunit, di naman ako magsasawang kumain ng tsokolate :DDD -Liz :)
ReplyDeleteNatakam ako sa larawan na inilagay mo! Mukhang napakatamis ng tsokolate. Kahit ako paborito ko din yan lalo na ung dark chocolate. :P
ReplyDelete~maan
parehas tayo ng paboritong pagkain....tunay ngang napakasarap ng TSOKOLATE ^^, <3
ReplyDelete--rina
paborito ko din ito lalo na pag ako ay nalulungkot. haha!wala talagang tatalo kapag nakakain kana ng tsokolate noh?:D
ReplyDeletenapakasarap nga naman talaga ng tsokolate..nakakatanggal pa ito ng pagod.. :D
ReplyDeletetama! ang tsokolate ay napakasarap wala yta akong kilala na may ayaw nito. bukod sa matamis at masarap niyang lasa nakapagdudulot ito sa atin ng saya kaya ako ay sumasang ayon sa lahat ng sinabi mo dito. napakatotoo. :D:D
ReplyDeleteNapakasarap naman talaga ng tsokolate. Katunayan, isa din yan sa mga paborito kong pagkain. Napaka-impormatib ng iyong blog Con! Mahusay! :)
ReplyDeleteKahit di ako masyado kumakain ng tsokolate pag araw ng pasok ay hindi ko ito matanggihan. Kaya madalas akong pinagsasaktan ng tiyan :)
ReplyDeleteGUSTO KO TULOY NG TSOKOLATE! hay nako! hahahah. NATAKAM AKO.
ReplyDelete-koko
Ang ganda naman ng larawang iyan! Nakakatakam! Talaga nga namang napakasarap ng tsokolate ngunit maaari rin nitong makapagpasira ng ngipin. Kaya't hinay hinay lamang, maaari ba iyon? Isa pa, mahusay ang iyong pagkakalahad. :) - megan
ReplyDeleteNakakatakam! Paborito ko rin iyan. Masarap na panghimagas pagkatapos kumain. :)
ReplyDelete-Louise<3
O kay sarap naman talaga ng sikulate :) Ngayon ko lang nalaman iyong other name ng tsokolate na iyon. Maraming salamat sa pagbibigay ng makabagong mga impormasyon :) Ano ang iyong paboritong tsokolate? :)
ReplyDeletetama, wala itong pinipiling okasyon :)
ReplyDeletemarj :)