Ika-26 ng Setyembre ng 2009, hindi malilimutang hagupit ni Ondoy. Hindi matapos-tapos na usapan ukol dito subalit tunay nga namang naapektuhan ng lubusan ang bawat isa. Pahirapan ang paglinis ng mga putik at mga kagamitang nasalanta. Paulit-ulit na lamang ang mga kinakain dahil sa kakulangan ng supply na mabibili sa mga nalalapit na tindahan o groceries. Puro sopas, sardianas, corned beef at minsan pa nga paulit-ulit na sky flakes ang minimeryenda. Nauuya na rin ang ibang tumutulong na aking mga kamag-aral nung high school at ang aking mga kamag-anak dahil sa paulit-ulit naming hinahanda para sa kanilang miryenda subalit ito’y aming pinagtyagaan na muna. Napakahirap kumalap ng mga pangunahing pangangailangan sapagkat isa talaga sa lubos na naapektohan an gaming village, ang Provident. Tumagal ng tatlong linggo hanggang isang buwan ang aming paglilinis ng aming bahay at aming mga kagamitan.
Nalalapit na ang aking kaarawan at hindi pa ako maaaring makagawa ng simpleng handaan sapagkat magulo pa rin sa aming tahanan kaya ipinagpaliban na lamang muna ito at napagdesisyonang sa Nobyembre ko na lang sila ililibre. Kaya naman tinanong ako ng aking itay kung ano ang nais kong gawin para sa aking kaarawan. Ang sagot ko ay simple lamang, ang makasamang kumain sa labas ang aking pamilya. Tumungo kami sa SM Marikina at kumain sa Old Spaghetti House. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman noong araw na iyon. Napakasarap sa pakiramdam na makakain muli ng napakasarap na pagkain. Para bang wala ng bukas sa linamnam ng bawat hibla ng pasta na aking kakainin. Sa tagal ng panahon naming hindi nakakakain ng pasta, para bang iyon na ang pinakamasarap na pasta na aming natikman sa aming buong buhay. Kahit ang aking itay ay nakapasabe ng, iyon na ang pinakamasarap na pasta na kanyang natikman sa Pilipinas, sa kanyang ika-25 na taon dito.
Ang traditional na Italian pasta ay gawa mula sa harina at tubig. Paminsan, maaari itong lagyan ng itlog at gulay na extracts. Mayroong daan-daang klase ng hugis ng pasta tulad na lamang ng spaghetti (manipis na sanga), maccheroni (tubes o silindro), fussily (swirls), at lasagna (sheets). Ang pasta ay ikinategoryasa dalawang pangunahing mga estilo: ang tuyo at sariwa.
Ang pasta ay minsan nang naging babala para sa mga nagpapapayat. Sabe ng iba, ito ay nakapagpapataba subalit ayon sa mga experto, ito ay mahalaga sa ating diet. Ang mga “grain based” na pagkain, tulad ng pasta ay magandang source ng fiber at carbohydrates. Ang mga carbohydrates na ito ay nagbibigay bitamina, minerals at enerhiya sa ating katawan. Ang halaga ng carbohydrates na nakapaloob sa mga pasta ay maaaring mag-iba ng bahagya mula sa isang tatak ng pasta. Maaari ring makadagdag sa paspapataba ang mga sarsa ng pasta kaya naman mas mainam na gumamit ng mga sangkap na may mababang pampataba tulad na lamang ng mga sariwang gulay, prutas, manok at ang “leanest” na karneng possible. Ang protein ng pasta ay naaayon sa klase ng harina na ginagamit.
Napakasarap at abo’t kaya pa ng pasta sa Old Spaghetti House. Mababait at maasikaso ang mga crew. Mabilis ang service subalit maganda pa rin ang quality. Napakasarap sa pakiramdam lalo na’t kung kasama mo ang iyong pamilya.
-NICOLE B. VOLL
masarap nga itong pagkain ng ito...paborito ko rn ito :)
ReplyDeletemasarap nga ito...malinamnam :D
ReplyDelete-p.carlos
I love pasta!
ReplyDeletepero totoong nakakataba 'yan kaya dapat moderate lang pagkain.
Masarap din yung Olive oil and tuna pasta, hindi gaanong nakakataba, healthy pa :)
Tama nga, pag pamilya kasama sa pagkain, LALO NA pag pasta, napakasarap!
Pastaaaaaa :D MAsarap nga! Ako'y nagutom bigla.
ReplyDelete-RCSJ
natikman ko na rin ang pasta na yan. :) di bale ng tumaba, masarap naman nakain eh =)
ReplyDeletemasarap nga ang pasta isa sa mga pinkamagandang nakuha natin mula sa europa at nagkaroon narin tayo ng ating mga sariling bersyon ngunit iba pa rin talaga ang orihinal. sana ay maipayaman pa ng mga tao ang kaalaman sa pagkaing ito.
ReplyDelete-renzo p.
"No man is lonely eating spaghetti; it requires so much attention." - Christopher Morley
ReplyDeleteTunay ngang masarap kumain ng pasta. Dapat nating pasalamatan ang mga Intsik na nagpakilala ng noodles at ang mga Italyano na siya namang nagpakilala ng spaghetti at iba pang putaheng ginagamitan ng pasta.
--- El Rujino
interesanteng maituturing ang akdang ito. mukhang nagutom ata ako sa aking binasa. maliban sa binanggit ang katangian ng orihinal na pasta, naghatid din ng kaalamang pangnutrisyon ang akda.
ReplyDeleteBagama't kumakain ako nang hindi na sinusuri pa ang mga pagkaing sumasagot sa kumakalam kong sikmura (marahil dahil inuuna ko muna ang pangangailangan bago ang kaalaman), masasabi kong bigla akong na-engganyong tikman ang nabanggit na pasta. Bukod dito, naisip ko rin na dapat nga namang bigyang pansin ang sustansyang nakapaloob sa mga pagkain, hindi lamang ang sarap na dala nila. Isa pa, tunay na mas sumasarap ang pagkain kapag kasama mo ang mahahalagang tao sa buhay mo upang pagpyestahan kahit ang pinakamumunting salu-salo.
ReplyDeleteNice! Favorite ko yan! LAhat ng araw nagiging espesyal pag yan ang ulam! Di man ako expert sa pagkain (kahit pagluluto di ako marunong) pero matakaw ako. Napakatakaw. Siguro sapat na ung dahilan para sabihing maganda na ang mga komentong kaya kong ibigay, at ang masasabi ko ay PANALO YAN!
ReplyDeletenararamdaman ko ang nararamdaman mo habang sinusulat mo ito...
ReplyDeletetunay ngang natatanging pagkain ang pasta... kakaiba ito sa porma at lasa,,
masarap at malinamnam subalit depende sa luto nito....
subalit pasintabi po... lutong pinoy parin ang aking boto,at hindi ako ganung mahilig sa pasta. pero kung yan ang hilig mo. susuportahan kita. tuloy mo lang..kahit lumobo ka pa...
u'll only live once... make the most of it.
-Noypinoy.
Pasta! MAsarap talaga yan! Grabe... Favorite ko yan! :bd
ReplyDeleteMagaling Voll! :):) Ang pagkain na sadyang hindi na maiaalis sa listahan na madalas kainin ng mga Pinoy ang PASTA. Sinong makapagsasabi na sa simpleng itsura at boring na kulay nito ay kaya niyang pasayahin ang mga kumakalam na sikmura ng mga tao sa oras na malagyan na ito mga kakaibang sarsa at pampalinamnam :):) Lubos akong humahanga sa mga taong nagdala at patuloy na nagpapalinamnam at naghahatid ng mga masasarap na pasta. At dahil sa blog mong ito tila hinahanap ng aking panglasa ang kakaibang sarap ng pasta. Effective ka dud :):) HAHA! -Raquel L. Verano
ReplyDeleteKay sarap naman ng paborito mong pagkain. :) Iyan ang paborito ko nung ako'y bata pa lamang. Laging hanap-hanap ng aking tiyan iyan. Nakakamiss. Makakain nga uli. :P
ReplyDelete--cams :]]
FAST-A..madaling gawin masarap papakin!!Yummmm :D
ReplyDelete--Enna V.
isa rin ito sa aking mga paboritong pagkain. tayo talaga ay nagkakasundo pagdating sa pasta. lahat na yata ng klase ng pasta ay gusto ko, parang ikaw lang. napakasarap lutuin nito, hindi ba? :DDD -liz
ReplyDeletePaborito ko rin ang kumain ng pasta. :)
ReplyDeleteat nakakatuwa 'tong sulatin na ginawa mo, nakadagdag siya sa aking kaalaman tungkol sa pasta. :) -nela
Ito ang paborito ko din, muntik ko na nagawa ang post ko tungkol sa pasta. Ngunit nauna ka. Dahil sa ganun, pinalit ko ang paborito ko. Pero masaya ako at mahilig ka sa pagkain hilig ko din. Long live pasta!
ReplyDeletewee..pasta! masarap talaga to Nicole! ahaha.. kahit anung pasta pasado sakin! :DD
ReplyDeleteaaw.. i know the feeling! HAHAHA! May experience rin ako sa pasta ehh.. SA eastwood ksama nten si Kuya Jonna b yun? HAHA. SARAAAAAP! :)) <3
ReplyDeleteJzanel.
Panalo ito! Napaka-sarap nga ng Pasta sa Old Spaghetti House! Kahit ano basta may pasta okay na sa`kin! :-bd
ReplyDelete-Inah <3
Bilang isang Food Technology Major sa ngayon, masasabing napakalaman ng nasabing blog kung ang pagbabatayan ay impormasyong nutrisyon ukol sa pagkain--Ang paborito kong Spaghetti.
ReplyDeleteKapupulutan din ng aral ang mga karanasan ng may-akda na si Nicole Voll sa kanyang di malilimutang Ondoy experience. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa lahat ng makababasa ng blog.
Sa lahat ng ating pagkadapa, kailangan nating matutong bumangon muli at magsimula ng bagong yugto ng ating buhay.
- Lyndon Cruz
Hindi man ganoon kalaki ang aking pagkahilig sa mga pasta, napakalam ng iyong ang aking tiyan at napatulo nito ang aking laway. Naengganyo tuloy ako na sumubok ng isa at sana kasama ko rin ang malalapit sa aking buhay dahil sa tingin ko ay nakadaragdag din ito sa sarap ng isang pagkain.
ReplyDeleteNatural man akong mangmang pagdating sa pagkain lalo na ang pasta, hindi ito naging hadlang upang hindi kumintal sa aking isipan ang mga kaalaman hinggil sa nutrisyon nito. Masasabi ko na nakatulong ang iyong sulatin sa paglinaw ng aking kasalukuyang nalalaman sa maaarng maging epekto nito sa aking mumunting katawan.
Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng iyong karanasan sa buhay at sa nakatatakam na pagkain. :D
- Jonna Rigo
Marami ang napapasaya ng pagkain na ito sapagkat kapag ito ay inihanda sa isang kaarawan ay okay na. Kaya lamang na makatanggap ang pasta ng clap clap :)) -megan
ReplyDeletePASTAAAA! :"""> favorite ko dn toh. hahaha! pero wala paring tatalo sa favorite nating ginataan.:D hahaha lol. kain tayo sa tomassi :DDDD old spaghetti house♥
ReplyDelete~ mara
Ay alam ko to! :) Pareho kase tayong nakatikim ng hagupit ni Ondoy eh, kaya nagkakaintindihan. Haha :)) Nasa school ka rin ba nung mga panahong naganap ang Ondoy? O kasama kaba dun sa mga nagpunta sa Marist? :)) Grabe tlga iyong experience na yun, hindi ko makakalimutan. Buti nalang hindi naabot ni Ondoy bahay namin kahit sa Marikina rin kami nakatira. Bundok na kase eh, haha :))sa school lang talaga natin ako na-Ondoy eh :)) Yon, masarap talaga ang mga pasta sa TOSH. The best at wala ng tatalo pa. Ang favorite kong pasta nila ay yung Seafood Marinara. Yummy! :">
ReplyDeleteparang gusto ko na tuloy kumain ng pasta dahil sa blog mo :) maganda rin subukan ang Old Spaghetti House :)
ReplyDeletemarj :)