Saturday, November 20, 2010

Fresh Lumpia...


Special Lumpiang sariwa....
 
            Isang araw, ako’y nakatanggap ng isang imbitasyon mula sa aking kaibigang magdiriwang ng kanyang kaarawan. Ngunit ang araw na ito ay nakalaan sana sa aking pamimili ng mga gamit para sa aming project. At dahil ang araw na iyon ay espesyal para sa aking kaibigan, minabuti kong tumuloy na lang sa kanyang pagdiriwang. 
          Nang buksan ko ang pinto, bumulabog sa akin ang maiingay na tao at ang aking kaibigang nagdiriwang na ani mo’y parang ako ang sinurpwesa. Kung bakit pa kasi ako nahuli ng dating. 
          Ako ay umupo sa may mahabang mesa kasama ang ilang mga kaibigan. Sabay-sabay ang lahat kumain at maya-maya’y napatingin ako sa isang putahe ng pagkaing kulay puti na nababalutan ng katakam-takam na brown sauce. Kumuha ako at tinikman ito. Hmmm! Ang bango. Napakasarap! At nang ito’y akin nang natikman, dito ko lang nalaman na ito pala ay isang “fresh lumpia.” Lasang-lasa ko ang naghalu-halong sariwang gulay. May carrots, radish, patani, pipino, at marami pang iba  na binabalutan ng napakalambot na kulay puting papel na gawa sa arina, at lunod na lunod sa napakatamis at malapot na lumpia sauce.
          Hindi lang ako minsang kumuha, ngunit ako ay napaulit. Tinanong ko lahat ng mga detalye sa paggawa ng ganitong uri ng pagkain sa aking kaibigan. At  pag-uwi ng bahay, napag-isip-isip kong bumili minsan ng mga sangkap nito sa isang supermarket sapagkat gusto kong matutunan kung paano gumawa ng fresh lumpia. 
          Simula noon, ito ay naging isa na sa aking mga paboritong pagkain. Bukod sa ito’y napakalinamnam, ito pa’y nakadudulot ng maganda sa aking katawan dahil  mga sariwang gulay ang pangunahing sangkap ng isang “fresh lumpia.”


                                              Kathlyne Joy S. Mijares

17 comments:

  1. Gusto ko rin ang Fresh Lumpia. Nung una, hindi ko pa nga alam panu ba kakainin kase ang laki niya at sa isang hiwa, ang daming lumalabas. Pero nang ito'y tikman ako, aba, kakaibang putahe ito sabi ko :DD

    ReplyDelete
  2. Madalas ito ang inoorder ko sa Goldilocks :) Ang sarap eh!Lalo na yung sauce...wooooh!

    ReplyDelete
  3. Hindi ako kumakain ng fresh lumpia noon. One time, nagkasakit ako at nagpacheck-up ako sa hospital kasama ang aking ina at kapatid. Pagkatapos ay kumain kami sa Goldilocks at ang inorder ng nanay ko para sa akin ay fresh lumpia. Noong natikman ko, ang sarap talaga! Nakakawala ng kahinaan ng loob..!:)

    ReplyDelete
  4. Ako'y hindi gaanong mahilig sa gulay, Ngunit ng natikman ko ang lumpia ay binago nito ang aking panlasa sa mga gulay. Masarap ito lalo na kapag itoy bagong luto at mainit- init. At may matamis itong sawsawan.
    -con:)

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Ang una kong pagtikim sa fresh lumpia ay nang nilutuan ako ng nanay ng isa kong kaklase dati. Napakasarap ngunit hindi ko na ata matitikman muli at nagaway kami ng kaklase ko na iyon. Sana maging magkaibigan muli kami upang matikman ko muli ang lumpia ng kanyang ina

    -mel uy

    ReplyDelete
  7. Masarap ba yan? Sige, matikman na nga :)) Dahil sa iyong inilahad, para tuloy akong biglang natakam. Mahusay Kath! - megan

    ReplyDelete
  8. Tama! Healthy talagang kumain ng fresh lumpia at talagang ito'y masarap! :) Gustong-gusto ko ring kumakain nito kasama ang aking ina. :) Tikman mo yung sa Goldilock's :) One of the best!

    ReplyDelete
  9. wow! Fresh Lumpia! Isa iyan sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino, dahil hindi lamang ito masarap kundi napakasustansya pa! :)

    ReplyDelete
  10. mahilig din ako sa lumpia, lalo na ang lumpiang shanghai.. khit anong pwedeng ipalaman dito..

    =marianne=)))

    ReplyDelete
  11. Sa totoo ndi me kumakain ng gulay, pero dahil sa pagpi2lit ng aking nanay na kumain ng gulay binilhan niya aq ng freash lumpia sa bread's n bites(sa Vizcaya).Natikman q masarap pla ito at masustansya pa..kaya hanggang ngaun fresh lumpia ang kinakain q lalo na kung sa goldilocks..at marunong nanay kong gumawa niyan.

    ReplyDelete
  12. Delicioso! Healthy na masarap pa. you nailed it ate Kath. Iba talaga pag fresh lumpia, nakakatakam gusto ko tuloy kumain, yummy! favorite ko yan eh. :))

    ReplyDelete
  13. fresh lumpia?one of my favorite food!d lng delicious at yummy, healthy pa!yes, try one sa goldilocks the best!want q nga po malaman mga sangkap eh para magawa q sa pasko...yummy tlga!

    ReplyDelete
  14. one of my favorites din yan :))
    palaging ginagawa ni mama..
    miss it :p

    ReplyDelete
  15. fresh lumpia!
    sarap yan...
    healthy pa kainin,,..

    ReplyDelete
  16. hindi ako mahilig sa gulay baka maging fan na nya ako dahil sa blog mo :)

    marj :)

    ReplyDelete
  17. Hmmm!!! Sarap naman nyan Kath. Namiss ko tuloy ang luto ni tita. Magluto tayo sa Christmas break!! :))

    ReplyDelete