Tuesday, November 23, 2010

Pinoy Macaroni Salad: Add Sparks into your Life ★



Pinoy Macaroni Salad
by: Mary Grace Fernandez

"Mag-isip kayo ng inyong paboritong pagkain," sambit ng aming propesor sa Filipino 2. Napatitig ako bigla kay Ginoo. Ha? Ano? Pagkain? Mula tuloy noon ay oras- oras na akong napapaisip kung ano nga ba ang paborito kong pagkain. Alam kong pare-parehas rin naman kami ng aking mga kaklase na nag-iisip tungkol doon.  
Adobo? Fried Chicken? Spagetti? Napakaraming masasarap na pagkain diyan! Pero ano nga ba para sa akin ang kahulugan ng 'paborito' at 'paboritong pagkain'? Isip dito, Isip doon... Hindi ko alam kung papaano at kung bakit bigla na lang pumasok sa isip ko ang Pinoy Macaroni Salad.  Sa oras ding naisip ko ang salad, alam kong iyon nga ang masasabi kong 'paboritong pagkain' talaga. Yun bang naiisip mo pa lang ang itsura ay gutom na gutom ka na. Nararamdaman nyo rin ba iyon?

Ang Pinoy Macaroni Salad ay isa sa mga kilalang panghimagas na pagkaing pinoy. Madalas itong inihahanda tuwing may espesyal na okasyon o selebrasyon sa bansa. Talaga namang naging parte na ito ng kulturang pinoy! Katulad ng ibang pagkain, may iba't- ibang istilo ang pagluluto ng Macaroni Salad, depende sa lugar o bansa na ipinaghahandaan nito. Ipinaghalong elbow macaroni noodles, grated carrots, shredded cheese, chicken breast chunks, mayonnaise at celery seed ang sangkap ng Pinoy Macaroni Salad. Bawat kagat ay tiyak na  punong- puno ng sustansya. Siksik ito sa carbohydrates,protina,pottasium, bitamina at marami pang iba!
 Maari itong bilhin sa iba't- ibang food establishments o kaya naman ay pwedeng home- made na lang. Palagi ko itong binibili sa KFC, Tropical Hut o Wendy's dahil hinding- hindi nila ako binibigo sa lasa. Hindi naman ito masyadong mahal at swak na swak talaga sa panlasang pinoy! 

Ang Pinoy Macaroni Salad ay isang panghimagas na tunay kong hahanap- hanapin dahil lumaki ako sa sarap at linamnam nito! Hindi lamang sa lasa at halaga kung bakit pinili ko ito, ngunit sa panahong ito'y inihahanda tuwing may espesyal na selebrasyon sa aming tahanan- isang pagtitipong pinagsasaluhan kasama ang Pinoy Macaroni Salad. :)



-Tweet.


10 comments:

  1. hindi aq mahilig sa ganitong pagkain...peo may ibat iba naman taung hilig :">

    ReplyDelete
  2. mas maganda siguro kung tinapos mo sa isang tanong para hindi mahirapan ang mga magccomment dito, pero tama ka na masarap nga ang Pinoy Macaroni Salad.

    ReplyDelete
  3. Hinahanda namin ito pag Pasko at New year! :)) Tunay ngang napaka-sarap ng Macaroni Salad! :-bd

    -Inah

    ReplyDelete
  4. Nice tweet! Haha. Enjoy ko yung ginawang ganyan nung Mom niya nung last Christmas. :"> YUM! :D

    ReplyDelete
  5. wow.. mahilig din ako sa mga salad.. mas lalo tuloy akong natakam..=)))

    =marianne=)))

    ReplyDelete
  6. di naman halatang Tourism ang course mo, blog pa lang pag popromote na ng something Pinoy.. hehe..
    sarap naman ng mga nasa pictures.. lam mo di nwwala yan sa request ko sa mama ko tuwing may events. :))

    -- Chrisdie

    ReplyDelete
  7. sa lahat ng salad, macaroni ang pinakagusto ko... nakakabusog na masustansya pa... sana merong ganito sa birthday ko :)
    -grethel

    ReplyDelete
  8. Matagal na rin akong hindi nakaka-kain ng Filipino Macaroni Salad;wala na kasing naghahanda niyan dito sa Pennsylvania. Nakakatuwa lang alalahanin iyong mga okasyon dati diyan [sa Pilipinas] na aking pinupuntahan kasama ang aking pamilya; palaging may Filipino macaroni salad.

    I think that your brief introduction for this food is very excellent: providing your readers an abrupt information of where they can buy the food, in case they cannot make it on their own; what the ingredients are, and what kind of vitamins and minerals it contains. In addition, the way you described this dish hints your personal experiences with it; it triggers your readers to think about their own experiences concerning the dish, which, I think, is a very good way in promoting this very tasty appetizer.

    -Iya

    ReplyDelete
  9. Nice one tweet! Masarap talaga ang macaroni. Noon, hindi ako kumakain niyan. Pero simula noong tumungtong ako ng hayskul ay talagang gustong-gusto ko na iyong lasa.:)

    ReplyDelete
  10. sa totoo lang ay di ko masyadong gusto ang macaroni salad pero sa mga sinabi mo parang nagiba ang tingin ko.. HAHA :D nice one tweet :)

    marj :)

    ReplyDelete