Tuesday, November 23, 2010

SINAMPALUKANG MANOK!!


SINAMPALUKANG MANOK!!
Lahat tayo ay may kanya-kanyang gusto. Maaaring lugar, bagay, inumin, pati narin sa katanginan na hinahanap sa isang karelasyon. Ngunit sa bawat kategorya ay may natatangi o young pinaka gusto o sa madaling salita PABORITO.

                Marami akong gustong pagkain, pagkain nga mismo ay ang pinaka gusto kong ginagawa. Ngunit may isang natatanging potahe na aking pinakagusto at laging inaasam-asam. Sinampalukang manok, isang potahe ng manok na nilagyan ng katas ng sampalok. Ang sangkap ng potaheng ito ay Manok, ang pangunahing sangkap, sampalok, na nagbibigay ng kakaibang asim, sibuyas, luya, atbawang na panggisa, at ang huli ay ang dahon ng sili. Itong sangkap na ito ay ang pangunahin at ang basic. Ang sinampalukan ay nagiiba depende sa lalawigan at kung minsan may idinaragdag pang kung anu anu. Ang gusto ko ay  yung simple lang gnunit sapak sa sarap.

                Minsan, noong nagluto ako ng sinampalukang manok, sa sobrang galak at nakapagluto akong muli ng sinampalukang manok, nakalimutan kong maglagay ng luya na pangtangal ng lansa ng manok. Hindi tumigil sa katatawa ang pinsan ko at kaibigan ko na kasama ko sa apartment.

                Napaka sustansya ng sinampalukang manok. Mayroon itong bitamina C na nasa sampalok, protina na kailangan n gating katawan, atsapat lamang ang kalori na taglay nito para sa ating katawan.

                Simple lang lutuin ang potaheng ito. Igigisa lang ang manok, ilalagay ang sampalok at ilalagay ang katas ng sampalok sa ginisang manok at lagyan ng kaunting tubig at ilagay ang dahon ng sili.

                Masarap itong potaheng ito,sa katunayan hindi magkamayaw ang aking pagsubo kapag ang ulam ay ito. Pero higit na nagpapasarapang masaya at samasamang pamilya na kumakain ng sanbay-sabay  sa hapag kainan.

ARVI B. CABUGAO

6 comments:

  1. Hindi pa ako nakakatikim nito, pero parang masarap nga itong potaheng ito. Manok pa naman :-bd

    1st! :)) -Inah :">

    ReplyDelete
  2. masarap itong ulam na ito. .paborito ko kasi ang mga pagkain na may manok at luya. :)

    ReplyDelete
  3. Eto na nag komento ko...
    ~ Kakaiba ang iyong paborito kumpara sa iba. Ulam kasi. Haha. :P Pero masarap nga iyan. Nice. :)

    ReplyDelete
  4. parang masarap nga.. pero sa takaw kong to, bakit kaya di ko pa yan natitikman?? hahaha.. try ko nga kc parang masarap ee. :))

    -- Chrisdie

    ReplyDelete
  5. SARAP! gusto ko din iyan! :) pagluto mo naman ako! joke! anu nangyri nung hndi nlgyan ng luya? haha curious lng.
    -koko :P

    ReplyDelete
  6. wow! :) ang sinampalukan ay medyo hawig sa sinigang kaya masarap din ito. hehe :)

    marj :)

    ReplyDelete