Sunday, November 21, 2010

iScream O>




       Tao ba to'? Siyempre hindi,pagkain nga di ba? Kaso ginagawa rin naman siya ng tao. Malamig ito at maraming pang flavor. Alam niyo rin ba? Murang mura ito at sulit na sulit pa. O,alam niyo na ano ba kung ano yung nilalarawan ko? Tingnan niyo na lang yung larawan sa taas. Iyon ang sagot, ICE CREAM o sa Pilipinas ay SORBETES. At dahil parang nag-aadvertise na rin ako, gusto ko na rin batiin sina manong sa may main at engineering bulding. Salamat sa paghatid sa amin ng mura at napakasarap na sorbetes sa aming mga studyante. 
MABUHAY KAYO!

       Ano nga ba ang nasa sorbetes at sadyang katakam-takam ito at kahit napakalamig na sa mga mall, ay kakaladkarin ng mga bata ang kanilang mga magulang? Ano nga ba ang makukuha natin mula rito bukod sa tiyansang makipaglandian kay bf o gf? Bakit nga ba humihingi tayo ng dagdag na syrup tuwing o-order ng special? Anong meron dito at mas gusto ng tao kumain na lang nito kaysa magbayad ng bente pesos para sa pagkakataon na makapag-tugs tugs sa isang club, cornetto? Sa katunayan, ang kinababaliwang ice cream ay gawa sa gatas,cream,pampakulay,at iba't ibang pampalasa. Pwedeng magdagdag rin ng mga wafers,sprinkles,syrup,rice crispies,chocolate,mga prutas at iba pa. Nilalagay rin ito sa mga cone, wafer at ngayon pati sa bread bun na, kakaiba diba? Ito ay mabibili sa madaming lugar katulad ng mga convenience store,cart,stall,mall,restaurant at sa halagang hindi lalagpas ng 500 peseos. Ito ay binubuo ng fats, carbohydrates,protein na paiba-iba depende sa serving size. Ang ice cream ay nagbibigay ng bitamina A (Retinol),B2 (Thiamin) at B12 (Cobalamin). Meron rin itong calcium, potassium at phosphorus, healthy dapat!. Mas mabisa rin sa mga may balak mag-diet ang ice cream na low in fat at reduced ang sugar content. Ang lasa ng sorbetes ay iba-iba depende sa flavor. Halimbawa nito ay tsokolate,strawberry,vanilla,double dutch,rocky road,keso,ube,mint,pistachio at marami pang iba. Usong-uso rin sa kabataan na pagdating ng investigatory project ay aabot pa sa amplaya, malunggay at luya ice cream. Ang ice cream rin pwedeng kainin depende sa sitwasyon. Epektibo siya kung may problema,tried and tested ko na ito,lunurin mo ang sarili mo sa sorbetes at panigurado sa lasa nito ay mawawala agad ang mga iniisip mo.

       Sadyang patok ang sorbetes sa Pinas lalo na't nasa may bandang equador tayo. Ito ay nagsisilbing pangontra init at pampalamig sa bibig. Basta ice cream eater,sweet lover;cool pa. 
MABUHAY ANG MGA ICE CREAM EATER!~♥ :)


~by KRYZTEL MARTUS

14 comments:

  1. Nakakaaliw namang basahin ito. Nakakarelate ako dahil kapag malungkot din ako ay nagpapakalunod din ako sa ice cream, at kahit nga naman hindi ka malungkot ay irresistable ang lasa nito.:)
    - Renz

    ReplyDelete
  2. Tama! Halos lahat yata ng tao gusto ang ice cream. Dahil sa init ng panahon masarap talagang kumain ng malamig. :P

    ReplyDelete
  3. yum yum, nakakatakam larawan pa lang. nais ko tuloy kumain ng ice cream. minsan kahit gaano pa kagrabe presyo nito bibilin pa rin ng mga tao dahil alam nilang sulit at sasaya sila dito. Kahit pa ng ginto eh.. yung selecta Gold ba yun.. grabeh presyo pero kapag natikman mo... sasabihin mong hindi sayang ang pinambili mo. hay ice cream, nakakatakam. Kahit pa magpapasko na ang sarap pa rin hanap hanapin.

    ReplyDelete
  4. waa!!
    masarap kumain ng sorbetes lalo na kung mainit ang panahon. :D nakakatakam lalo na ang CHOCOLATE FLAVOR. :D

    ReplyDelete
  5. Syaaaaks! Paborito ko din iyan. Sadyang nakakatakam. Love it! Yummy! Masarap kainin lalo na sa mainit na panahon :)


    -Louise<3

    ReplyDelete
  6. Mahusay ang pagkakagawa ng blog at aaminin kong ako'y nagutom habang binabasa ko ito. Masasabing isang epektibong blog ito (at papasa din sa mga commercials) sapagkat nakapaghatid ito ng impormasyon tungkol sa sa ice cream na hindi na inaalam pa ng mga tao. Basta gutom, kain lang ng kain. O diba. Ganyan tayo. :P
    Sorbetes ni Manong, DQ sa SM, o Selecta/Nestle sa minigrocery stores, pili lang at tiyak na ma-iinlove ka sa lasa. :D
    ICE CREAM o BF/GF? ice cream na lang! :)

    ReplyDelete
  7. Nakakatakam ang favorite mo!! at sa katunayan isa rin yan sa mga favorite ko lalo na kapag chocolate flavored :D

    ReplyDelete
  8. WOW ! MAH PEBORIT! :))
    Masarap yan sa mga panahong tag-init! Kailangan niyang pang alis ng panunuyot ng lalamunan! Magaling! :) -megan

    ReplyDelete
  9. Aba paborito ko ito! Walang tatalo sa strawberry flavor! Bakit? Kasi paborito ko. Salamat sa impormasyong iyong ipinamahagi.

    ReplyDelete
  10. Mabuhay tayong lahat! Wala naman talagang aayaw sa ice cream diba? Napaka-sarap nito at walang linggo ang lilipas na hindi ako nito makakakain! :)

    ReplyDelete
  11. Ang kinakain ko tuwing napapaisip ako sa aking pamilya o siyudad ng Baguio. Comfort food kapag depressed. Ang hinahanap ko na pampalamig sa ulo, cool off ng stress, at tuwing mainit na ang panahon para sa isip at katawan ng studyante. Ito na rin ang pampagising ng natunaw na puso.

    ReplyDelete
  12. OI!!! hahah masarap ang Ice cream!!! lalo na pag maiinit!! ahahah lalo na ung ice cream ng FIC!! (fruits in ice cream)tska white hat!! hahaha xD

    ReplyDelete
  13. wow isa pang ice cream lover :) pero lahat nman siguro tayo gusto nito :)nakakatakam ang iyong mga larawan :)

    marj :)

    ReplyDelete
  14. Tama! Patok ito sa Pilipinas dahil mainit dito. Namimiss ko na ulit kumain ng ice bream kaso lang ay may ubo nanaman ako. :(
    Masarap yan sa DQ at Icebergs!

    ReplyDelete