Sunday, November 21, 2010

Blizzard. :D


Sa ating pangaraw – araw na buhay ay iba’t ibang uri ng pagkain an gating natitikman.  Ang masasarap ay ang patuloy nating hinahanap – hanap at kahit paulit – ulit pa natin itong kainin ay tila hindi tayo nagsasawa sa taglay nitong lasa.  Marami man akong maaring maisaad na karanasan ng pagtikim ng iba’t ibang pagkain na sa tingin ko ay masarap, isa lang ang masasabi kong hindi lang pumapawi sa aking nararamdamang init.  Ito ay nagbibigay rin ng kasiyahan sa akin anumang oras na makain ko ito.
            
          Ang sorbetes ng Dairy Queen na kung tawagin ay Blizzard ang aking tinutukoy.  May iba’t ibang flavor ito, ngunit ang paborito ko sa lahat ay ang Chocolate Cheesecake.  Ito ay may linamnam ng tsokolate na hinaluan ng keso at iba’t iba pang sikretong sangkap.  Ang lasa nito ay tunay naming nagdadala sa akin sa alapaap tulad ng sinasabi nila kapag nakakatikim ng masarap na pagkain.  Ito ay maaaraing bilhin sa iba’t ibang lugar na may Dairy Queen, lalo na sa mga shopping malls.  May tatlong sukat ito:  Ang 12 oz, 14 oz, at 16 oz na umaabot lamang ng 119 pesos ang pinakamahal.  Marami ang umiiwas sa pagkain ng matatamis dahil ayon sa kanila, ito ay nakakataba.  Magkagayunman, ang pagkain nito ay may naibibigay na sustansya na hindi lang natin alam, ngunit nakakamtan natin sa tuwing kumakain tayo nito.  Ito ay may malaking porsyento ng Calcium na nagpapatibay ng buto, kumokontrol sa altapresyon at iba pa.  Ito rin ay kumokontrol sa timbang (sa maniwala kayo o hindi)  at nagpapababa ng banta sa ating kalusugan ng Cancer.
            
       Sa dami ng magagandang benepisyo at masarap na lasa ng sorbetes, sino nga ba ang maiiwasang  kumain nito?  Mula ng pagkabata hanggang sa ating pagtanda, alam ko na ang pagkaing ito, na nagsisilbing merienda o panghimagas, ay isa sa mga pagkain na  “all time favorite” ng bawat Pilipino.

- Renz Jermaine L.  Ebora










12 comments:

  1. Renz, nakakababa ng banta ng cancer? weh? Well anyway, masarap talaga ang blizzard ng Dairy Queen at ang paborito ko dun ay ang Strawberry Oreo na talaga namang kinahuhumalingan ko!!! kaya lang medyo mahal kaya minsan lang ako kung bumili neto! :D

    ReplyDelete
  2. Tunay na masarap nga yan. Kakain ko nga lang yan kahapon bago manuod ng HP :> Paborito ko naman ang Oreo Blizzard :D
    -Cheska

    ReplyDelete
  3. wow..masarap talaga iyan. :)
    lalo na ung oreo.. :)

    ReplyDelete
  4. Marami ka palang makukuhang health benefits sa ice cream!
    Masarap nga ang Blizzard. Ang paborito kong flavor ay Chocolate Almond.:)

    ReplyDelete
  5. Isa rin ito sa mga paborito kong Kainin! Mas lalo na yung Oreo Flavor! ;)

    ReplyDelete
  6. Medyo mahal ah..Pero at least masarap
    Makakain nga nito :))

    ReplyDelete
  7. Di pa ako nakakatikim nito. Pero dahil sa iyong mga sinabi sa blog parang nais akong bumili kahit na may kamahalan :P

    ReplyDelete
  8. May kamahalan ang blizzard ngunit sulit na sulit naman ang sarap. Paborito ko ang flavor na butterfinger. :) Love it!


    -Louise<3

    ReplyDelete
  9. Gustong gusto ko talaga makatikim ng blizzard, kaso may kamahalan nga lang... pero dahil sa blog mo ay parang naeengganyo akong magipon para bumili niyan at matikman na rin. :D

    ReplyDelete
  10. Kapag nakakatikim ako ng DQ, lagi ako may kahati. Lagi lagi. Ngunit hindi ako nagiging bitter sa kahati ko, natutuwa nga ako at mas sumasarap ang pagkain kapag may kasama kang kumain. Hindi ko alam kung bakit ngunit masarap talaga ang DQ kasama ang mahal sa buhay... mel uy

    ReplyDelete
  11. WOW! Enjoy kumain niyan. :) Lalo na kapag namamasyal sa mall at walang magawa. Hahaha. :D

    ReplyDelete
  12. akala ko napost ang comment ko dati, ulitin ko nalang :) lagi mo sa amin sinasabi na paborito mo ang blizzard kya minsan ay sinubukan ko at tunay nga na masarap :) heaven :)

    marj :)

    ReplyDelete