MADUGONG KATOTOHANAN
Noong bata ako , napakapihikan ko sa pagpili ng pagkain. Madalas ay hindi ko kinakain ang mga gulay at ang mga pagkaing may di kaaya-ayang amoy o anyo. Ngunit lahat ng yan ay nagbago nang isang araw, sa di malaman na kadahilanan, ay dumampi sa aking bibig ang pagkaing sobra kong pinandidirihan, na ni minsan ay di sumanib sa utak kong magiging paboritong pagkain ko pala. – ang dinuguan.
Literal na madugo ang dinuguan. gawa ang sabaw nito sa dugo ng baboy na sinala, pinakuluan hanggang magkulay itim , nilagyan ng suka, siling labuyo , bawang at iba’t ibang pampalasa na nagbibigay dito ng maasim asim na tamang tamang timpla. Ang laman naman nito ay ang karne ng baboy. Kung panonoorin mo ang proseso ng pagluto nito at kung pagbabasehan mo ang panlabas nitong anyo, marahil ay mandidiri ka at mawawalan ka ng ganang kainin ito. NGUNIT! Sa sandaling dumampi rin ito sa iyong bibig, paniguradong mapapa MUKHASIM ka sa sarap! Lalo pa kapag sinamahan mo ito ng putong puti! Hinding hindi mo ito pagsisisihan! Sabi nga nila, "Don't judge a book by it's cover". Hindi rin kinakailangan ng malaking halaga upang makapagluto nito. ang lahat ng sangkap ay mabibili sa palengke. Kung hindi ka nman marunong magluto, tinatamad ka magluto, o di kaya’y wala kang kakilalang marunong magluto, ngunit nais mo parin maranasan ang kasarapan ng dinuguan, aba’y hindi problema yan! maaari mong mabili ang dinuguan sa mga lutong bahay na kainan ,o kahit mga karinderia lang sa tabi-tabi. Mayroon ding mga komersyal na restawran dito sa pilipinas na nagbebenta nito tulad ng Godlilocks, Red Ribbon, Razon’s, Kanin club, at marami pang iba. Kailan lamang ay naglabas narin ang 7-11 ng siopao na dinuguan ang palaman! Kahit mayaman sa kolesterol, may sustansya ring taglay ang dinuguan. Makakakuha ka rito ng “phosphorus” ,”selenium”, at “thiamin” na nagpapasigla at pumoprotekta sa mga “cell” ng ating katawan na nagreresulta sa mas malakas na resistensya.
Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang dinuguan, nakakalungkot lamang dahil marami ang ‘di pa ito natitikman sapagkat ito’y exotic, pampa-hayblad at ipinagbabawal sa kanilang relihiyon. Sa kabila ng lahat ng ito, Isang bagay ang aking napatunayan at mapapatunayan sakanila, sadya ngang MASARAP ANG BAWAL. :)
-SANCHEZ, KORINE ELYSSE V,
-SANCHEZ, KORINE ELYSSE V,
Hindi pa ako nakaktikim ng dinuguan kahit dati pa :) pero mukhang masarap nga! :D
ReplyDelete-Cheska
Wooow! Paborito ko rin yan! Samahan mo pa ng puto! :D
ReplyDeleteMahalaga sa akin ang dinuguan. :-) Unang beses ko itong natikman ay kasama ko ang aking pinakamamahal na si Edrick. Masarap pala ito. Napakasarap kumain kapag ito ang ulam. hindi ko pa nasusubukang kumain nito ng may kasamang puto, Haha!
ReplyDelete-Guennie
sya nga pala, natuklasan ko kahapon lng na ang 7-11 ay nagbebenta ng SIOPAO na dinuguan ang palaman. haha mukang masarap iyon!! nakaligtaan kong isama sa blog -koko to,
ReplyDeletewow dinuguan!! haha! i just tasted it once but i knda like it haha! sarap pla kht nakkatakot sya tignan haha! joke haha! :))
ReplyDeletemagaling!!! hindi talaga ako kumakain ng dinuguan pero natikman ko na..at masarap nga naman :)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteKay sarap naman nyan.:) Litrato pa lamang ay matatakam kana. Masarap iterno yan sa puto. Yummy!
ReplyDelete-- cams :]]
Puto't dinuguan, best tandem ever. :)
ReplyDeleteHindi pa ako nakakatikim niyan kahit pilitin pa ako ng nanay at tatay ko. Pero sa iyong blog ay talaga namang mukhang masarap ata ito. :)
ReplyDelete-trish
trish! tikman mo na yan! hay nako di mo pagsisisihan! ililibre kita ng dinuguan! -koko
ReplyDeleteSadyang impormatibo at nakapanghihikayat na blog, Korine! :P Hindi man kaaya-aya ang itsura ng putaheng ito, kapag tinikman naman ay maaapresiyah niyo din. Kaya push na sa pagsubok ng Dinuguan! :>
ReplyDeletesa totoo lang hindi ako kumakain ng dinuguan. pero parang ang sarap sarap sa pag kaka describe mo dito. mag kaiba talaga tau kapatid. haha magaling!
ReplyDeleteGustong gusto ko kumain pag Dinuguan ang nakahain! Maski maraming may ayaw neto, Mananatili ito sa listahan ng mga paborito kong pagkain. :-bd :*
ReplyDelete-Inah <3
Hindi man ito isa sa aking mga paboritong pagkain ay nakakaengganyo paring subukan at matikman ang dinuguan. Nakakain nako nito, Ngunit hindi ko pa nasusubukan ito nang may kasamang puto ;P
ReplyDelete-Con:)
naku! nakakatakot naman ang paborito mong pagkain. haha. pero dahil kaibigan kita, tatanggapin ko kung ano mang gusto mong pagkain. :D masarap iyan kapag ipinares mo sa aking KANIN :D
ReplyDeleteParehas tayo ng paboritong pagkain. Napakasarap talaga ng dinuguan ano? Na para bang pag natikman mo na ay hahanap-hanapin mo na ito. Dahil diyan, apir tayo! Good! Mahusay ang pagkakalahad. - megan
ReplyDeleteMay nakilala akong mga tao na bawal kumain ng dinuguan dahil sa kanyang relihiyon. Naloko siya isang beses at hindi niya alam na dinuguan ito. Sumigaw ng sumigaw siya sa manloloko nang nalaman niya. Hanggang ngayon naaalala ko ang kaniyang pagsisigaw sa gitna ng canteen habbang nakatingin ang lahat ng tao.
ReplyDeletemel pala ung nagcomment sa itaas
ReplyDeleteang aking mga pinsan ay iglesia ni kristo, prang isang mortal na kasalanan sa kanila kpag kumain niyan. grabe !
ReplyDelete