Friday, November 26, 2010

WAFFLICIOUS!!! :)

Wafflicious!!





Naghahanap ba kayo ng mura at masarap na pagkain? Ito na ang hinahanap niyo, ang Waffle. Isa ito sa mga nakahiligan kong kainin simula ng pumasok sa UST dahil sa halagang P10-20 ay makakabili ka na nito at siguradong mawawala ang gutom mo pag natikman mo ito.

May dalawang kategorya ng fillings ang maaaring pagpilian sa Waffle. Ang una ay ang Savory Fillings, ito ay ang mga Waffle na may lamang karne tulad ng Hotdog, Bacon, Ham, Beef atbp. . Ang  mga ganitong waffle ay bagay na bagay sa mga taong may malaking sikmura dahil siguradong agad mapupunan at mawawala ang gutom. Ang Ikalawang kategorya naman ng fillings ay ang aking pinakapaborito sa dalawa, ito ay ang Sweet Fillings. Ito ay mga Waffle na may cream o kaya’y chocolate at mga iba’t ibang prutas tulad ng Mango, Pineapple atbp.

Ang aking karanasan sa pagkain ng Waffle na may filling na Swiss Chocolate ay talagang hindi ko malilimutan dahil, ng una ko itong matikman ay agad akong na adik sa lasa nito at sa aking pagkakaalala ay nakaapat akong ganito sa loob ng isang araw dahil talagang malalasahan ang tamis at hindi ito nakakaumay. Simula rin nito ay ang pag araw- araw kong pagkain sa Waffle at talagang hindi ako nagsasawa.

Ang mga sangkap naman sa paggawa ng Waffle ay: harina, baking powder, shortening, asukal, asin, itlog, gatas at mga syrup o kaya’y karne. Ang unang dapat gawin ay pagsama-samahin ang mga dry ingredients tulad ng harina, asukal, asin at ihuli ang baking powder. Pagkatapos pagsama- samahin ang mga dry ingredients ay kailangan itong salain gamit ang sifter upang mawala ang buo-buong harina. Sunod ay batihin ang mga egg yolks at ihalo ang gatas at shortening. Pagkatapos ay ihalo ang mga hinalong ingredients sa fluffy egg whites at sunod ay ihanda ang lutuan ng waffle. Antayin ang 10 minuto hanggang sa maging malutong ito at mag brown ang kulay. Ang mga sustansyang makukuha naman sa Waffle ay Protein, Bitamina A, Bitamina K, Bitamina B6 at B12; bagamat wala itong Bitamina C ay siguradong hindi ka kukulangin dahil ang mga benepisyo ng iba’t ibang Bitamina na makukuha ditto ay nakakapagpalinaw ng mata at nakakapagpatalas ng isipan.

Ano pa bang hahanapin niyo sa Waffle, mura na at masustansya pa kaya kung ako sa inyo try niyo na at siguradong hindi kayo magsisi kapag natikman niyo ito at baka magkaroon din kayo ng kakaibang karanasan tulad ng sa akin. : )



-Jhilline Bondad

11 comments:

  1. Tama! Tunay ngang masarap at murang mura ang waffle. Hilig ko din bumili nito. <3

    ReplyDelete
  2. Marami palang bitamina ang makukuha sa pagkain ko ng waffle!Magaling!Dahil sa blog mo ay lalo kong nagustuhan ang waffle,dati kase gusto ko lang...ngayong nabasa ko ang blog na ito,lalong nagustuhan na :D

    WAFFLE TIME!

    -Enna V.

    ReplyDelete
  3. Ang sarap nga ng waffle lalo na para pang mereinda. Salamat sa impormasyon dahil nalaman kong marami din palang vitamins at minerals ang makukuha dito.
    -Renz

    ReplyDelete
  4. magaling :) Napakasarap nga ng waffle, kaya naman para super gusto mo ito marami rin pa lang bitamina ang WAFFLE :D

    celyn

    ReplyDelete
  5. sobrang sarap niyan! hahaha. favorite ko yung belgian chocolate. hindi ata mabubuo ang linggo ng hindi ako bumibili ng waffle sa carpark! haha. tama naman diba? kayo rin suguro. :)

    -trish

    ReplyDelete
  6. WAFFLE!
    Paborito ko rin yan...lalo na yung mango at swiss chocolate...mura pa :)
    Salamat sa mga impormasyon,mas nagustuhan ko na tuloy ang waffle :))

    ReplyDelete
  7. tama ka dyan! SARAP NGA NUNG SWISS CHOCOLATE! :) pag walang prof diretso sa carpark bili ng waffle! hhehe :P
    -koko

    ReplyDelete
  8. Masarap talaga iyan! Murang mura na, masustansya pa sa katawan! San ka pa diba ! :)
    Magaling! :)

    ReplyDelete
  9. kakaiba tlaga ang waffle, masarap na mura pa :) kso nga lang limited flavors lang ang tinitinda sa school..

    marj :)

    ReplyDelete
  10. Masarap ito at affordable. Isa pa ay kahit saan ay mistulang nagkalat ang nagbebenta nito, patunay lamang na ito ay talagang patok sa ating panlasa at bulsa :)

    ReplyDelete
  11. Alam kong paboritong paborito mo ito dahil araw-araw ay di mawawala sa bokabularyo mo yung, "Gusto ko ng waffle. Bili tayo ng waffle". :))

    --Camille

    ReplyDelete