Wednesday, November 24, 2010

TUTTI FRUITY SALAD

TUTTI FRUITY SALAD 
Tayo ay may kanya-kanyang paboritong pagkain na siguradong ikakasaya mo pag ito ay iyong natikman. Ang paborito kong pagkain ay ang Fruit Salad. Ang Fruit Salad ay maraming sangkap na napakasarap at masustansya.

Di ko maitatago na sa una palang ay paborito ko na ang panghimagas na ito. Sa unang tingin palang ay mabubusog na ang iyong mata at matatakam sa sarap nito. Ang mga nilalaman nito ay mga prutas na makakabuti para sa ating kalusugan. Ang iba’t-ibang prutas ay pinagsasama upang makabuo ng napakasarap ng panghimagas. Bawat isa ay may kanya-kanyang lasa. Ang mga sangkap nito ay fruit cocktail, buko, nata de coco, kaong, at gatas. Mga sangkap palang siguradong hindi ka magsisi kapag iyo nang tinikman. Paghahalo-haluin ito at makakabuo na ng paborito ko na Fruit Salad. Matrabaho nga lang ang paggawa ng Fruit Salad pero hinding-hindi ka magsisi sa kalalabasan dahil makakalimutan mo ang iyong pangalan sa sarap. Hindi mawawala ang Fruit Salad sa Pasko. Laging mayroon ito sa hapagkainan. Karaniwang ginagawa ito kapag may mga handaan na espesyal. Masarap ito kapag napakalamig na inihanda at galing pa sa freezer.

   Para sakin ang Fruit Salad ay isa sa mga paborito ko na pagkain na siguradong hindi ko pagsisihan na aking ito natikman. Sana kayo rin ay magustuhan ang lasa nito. Masustansiya na masarap pa! San ka pa?
                                                                                             

  *Angeline Dulay:D

8 comments:

  1. tama ka jan! masustansya na masarap! hmmm gusto ko tuloy ng fruit salad :P
    -koko

    ReplyDelete
  2. Tama, Napakasarap nga nito at napakasustansya!Sigurado ako na ang lahat ay magugustuhan ang lasa nito. :)
    -con:)

    ReplyDelete
  3. wow ang sarap nmn nito at masustansya pa :">

    --rina

    ReplyDelete
  4. Wow! Di ko alam na favorite mo pala yan:)) HAHAHA! Masarap naman yan e.

    -Ritchie

    ReplyDelete
  5. wow. FRUIT SALAD :) napakasarap. kulay pa lang mabubusog ka na eh. haha! benta nga yan sa mga okasyon lalo na sa pasko ..

    ReplyDelete
  6. Ows? Di nga. HAHAHA! Ang sarap naman niyan. Magdala ka nga sa dorm:))

    -TIMMY

    ReplyDelete
  7. talagang nakakatulo ng laway ang itsura nito at kapag natikman mo ay hihingi ka pa ng dagdag sa sarap ng kanyang lasa :)
    -grethel

    ReplyDelete
  8. punong puno talaga ng sustansya ang fruit salad at masarap pa:)

    marj :)

    ReplyDelete