Saturday, November 20, 2010

Ox Tail in Peanut Butter Sauce a.k.a. Kare-Kare




Maraming masasarap at masusustansyang pagkain ang maaring natikman na ng bawat isa sa atin. Ngunit, sa mga pagkaing ito ay tiyak na may isang pagkain na talaga namang paborito nang bawat isa. Sa mga natikman ko namang mga pagkain ay kare-kare ang masasabi kong paborito ko. Ito ay naging paborito ko simula ng matikman ko ito sa isang restawran na pinag-kainan namin noon nung ako’y bata pa lamang. Aking nagustuhan ito dahil sa masarap na pagkakaluto at dahil sa malasang peanut sauce nito.

Ang totoo niyan ay hindi ko alam ang mga kasangkapan sa pagluto ng kare-kare kung kaya’t kinailangan ko pa itong itanong sa aking ina at nalaman ko na marami palang kasangkapan ang kailangan upang lutuin ito. Ang mga ito ay ox tail/baka, sibuyas, bawang, peanut butter, roasted rice at pulverized, kangkong/pechay, puso ng saging, string beans, talong, azuete na pampakulay, at bagoong na pampalasa. Dahil naman sa karne at iba’t ibang gulay nito ay masagana ito sa protina na kailangan ng ating katawan. Kung ito ang hanap mo ay maaari itong matikman sa iba’t-ibang mga kainan katulad ng Baliwag o kaya naman ay sa mga simpleng karinderya o maliliit na kainan. Mayroon naman akong natikman nito galing sa Malabon na aking nagustuhan din naman. Ngunit, ang pinaka-nagustuhan at hinahanap-hanap ko talagang luto ng kare-kare ay iyong galing sa Geewan na isang sikat na restawran doon sa aming probinsya sa Camarines Sur.

Sa tuwing kakain naman ako nito ay nasisiyahan ako dahil sa minsan din lang naman ako makakain nito. Tiyak din na kapag ako’y makakain nito ay malilimutan ko na ang ibang pagkain o may iba pa palang pagkain na nakahain sa mesa. Dahil sa paborito ko ito kung kaya’t hindi maaring hindi ko ito matikman sa tuwing uuwi ako sa amin. Sinisigurado ko naman na ito’y talaga namang masarap at nakaka-adik ang peanut sauce nito kung kaya’t tumikim na rin kayo!


---NiƱa S. Cruz

16 comments:

  1. Kare-Kare is one of my favorite Filipino dish. It's yummy especially with bagoong. =P~

    ReplyDelete
  2. it's a yummy dish for us filipinos ^^ it's one of our delicate dish :) when you heard "Kare-kare",one thing comes to every person's mind = PHILIPPINES :)

    ReplyDelete
  3. sa tingin ko,makakatulong ito dahil hindi na kailangan ng mga tao na makatikim ng kakaiba o mapait na lasa para lang makakakuha ng sustansya.

    ReplyDelete
  4. I don't really like Kare-Kare (... I haven't tasted it before l o l ) but you know what? I'll try. You made it sound so yummy eh. I love peanut butter pa naman ^O^

    ReplyDelete
  5. I agree! Bilang Pinoy, mapagmamalaki talaga natin ang Kare Kare dahil sa kakaibang sarap nito. Iba't iba man ang paraan ng pagluluto, hindi maitatangging may ibang sarap ito. Halos lahat ng mga restawran dito eh may ganun :-)

    ReplyDelete
  6. Tama ka diyan! Dahil sa mga gulay na inilalagay sa kare-kare lalo itong nagiging masustansya at masarap. Dahil dito lalo akong natakam na kumain ng kare-kare.

    ReplyDelete
  7. it's a nice dish though it has a lot of ingredients, it's not that hard to cook though^^i'm not really fond of it, cause it's beef but it has a nice mix of different flavors that suits the Filipino taste^^

    ReplyDelete
  8. Andami palang sangkap ng Kare-Kare? Akala ko ay peanut sauce lang tapos tubig. Magaling!

    ReplyDelete
  9. Palaging meron neto sa handaan namin tas may bagoong pang kasama..`oh san ka pa?Masarap! :D

    -Enna V.

    ReplyDelete
  10. Sa totoo niyan wala talagang magandang record sa akin ang kare-kare. Simula noong una ko itong natikman ay hindi ko na ito nagustuhan. Ngunit dahil sa nakakabilib mong mga paglalarawan, nabuksan muli ang isipan kong tikman ito. :-)


    -Yen♥

    ReplyDelete
  11. Isa rin sa paboritong kong pagkain ay ang kare-kare. Sapagkat sa kakaibang lasa nito na kumukuha sa panlasa ng pinoy at mga sangkap nito lalo na kapag ipinagluluto ako ng aking ama.
    -con:)

    ReplyDelete
  12. Napakasarap ng kare-kare kapag niluto ng aking inay. Hindi ko alam ang nilalagay niya ngunit ito'y kay sarap sa aking panlasa. Baka puno lang ng pagmamahal ng isang nanay. Sana tuloy-tuloy pa ang pagkagusto mo sa kare-kare.

    ReplyDelete
  13. masarap talaga ang kare-kare lalo na kapag may masarap na bagoong..nagtaka nga ako noon kung bakit walang lasa tapos sabi sakin kailangan pa daw ng bagoong..hahaha..m

    ReplyDelete
  14. Masarap talagang kainin ang kare-kare. Lalo na kapag may kasamang bagoong. Sobrang sarap! Ito rin ay isang putaheng dapat ipagmalaki ng mga Pilipino. - megan

    ReplyDelete
  15. Tunay na masarap ito :> isa rin ito sa mga hinahanap ko na filipino food! :D
    -Cheska

    ReplyDelete
  16. pagkaing pinoy ulit :) masarap ang peanut sauce nito :)

    marj :)

    ReplyDelete