Baked Ziti
Sa kursong Travel Management, madalas kong marinig na sinasabi ng mga propesor na dapat ay huwag kumain ng madami o di naman ay iwasan ang pagkain ng mga ulam na mamantika o kaya ay mataas sa carbohydrates. Ito siguro ang dahilan kung bakit karamihan sa mga babae na nasa CTHM ay payat at tila pangmodelo ang hubog ng katawan. Sa maniwala man kayo o sa hindi sinusubukan ko din talagang magpigil kumain ng marami, ngunit kapag sila’y nakalapag na sa aking harapan ay tila mayroon silang binubulong sa aking tainga na nagsasabing kailangan ko sila matikman.
Isa sa mga paborito at malakas na mangakit na pagkain sa akin ay ang “Baked Ziti” o mas kilala sa pangalan na Baked Macaroni. Noong una ko itong matikman ay tila nagningning at naghugis bituin ang aking mata sa sobrang sarap ng Italian dish na ito. Sa katunayan pa nga ay noong gabi din na iyon napanaginipan ko na meron akong hinahabol na isang malaking macaroni at pagkagising ko, hiniling ko na sana macaroni na lang ang matirang ulam sa aming refrigerator. Ito ang naging simula ng pagkahumaling ko sa mga Italian dishes partikular na ang Baked Ziti.
Tulad ng aking unang nasabi, ang Baked Ziti ay mas kilala sa pangalan na Baked Macaroni. Ang macaroni ay isang uri ng pasta na mayroong iba’t ibang hugis at kulay. Tulad ng kanin isang source ng carbohydrates ang pasta. Ang baked ziti ay puwedeng mahalo sa red sauce o kaya ay sa white sauce. Ang red sauce ay karaniwang yari sa kamatis na alam naman nating lahat ay mayaman sa lycopene na tumutulong upang makaiwas sa sakit sa puso at anumang klase ng kanser. Ang pangalawa naman at ang aking paborito ay ang white sauce.
Ang Baked Ziti o Baked Macaroni ay maaaring lutuin sa bahay ngunit para sa katulad kong hindi bihasa sa pagluluto ay karaniwan din itong mabibili sa mga establisyemento tulad ng “Greenwich”, “Shakey’s”, “Red Ribbon”, “Goldilocks”, at ang pinakainirerekomenda ko sa lahat ay ang “Sbarro”. Sa halagang php95 ay matitikman mo na ang malinamnam na Italian dish na ito na mayroong garlic bread sa tabi, samahan mo pa ng isang hati ng white pizza nila na nagkakahalaga naman php86 at para sa panulak ay maaari kang humingi na lamang ng mineral water para makatipid o kaya kung nahihiya ka naman ay bumili na lamang.
-Grethel Catrina R. Madrid
hahahaha... paborito kong pasta toh..!! :)) share lang.. lalo na kung gawa ni nanay.. hahaha.. :)) sa lahat ng natikman kong "baked macaroni", sa nanay ko ang pinakamasarap sumunod ay ang sa "greenwich".. the best tong pagkaing to..!! share lang.. :P
ReplyDeletepaborito mo din pala to? sa sobrang paborito ko to eto lang naiisipan kong bilhin sa sbarro, tapos pag nsa KFC baked maac lang. :))
ReplyDeleteWow naman!:) Ganda ng sinulat mo Gee.! Hindi pa ako nakakatikim nito. Makabili nga minsan..:) Salamat sa impormasyong iyong ibinahagi.
ReplyDeletemasarap nga ito ^^,
ReplyDeleteIsa rin ito sa aking paborito! Ito ay isa sa mga di matatanggihang kainin na pagkain! haha!
ReplyDeleteNapakahusay! Ngayon ko lang nalaman na Baked Ziti ang baked macaroni. Napakasarap talaga niyan. Lalo na pag may tomato sause. Ito ang pagkain na parati kong binibili noong nasa hayskul pa ko. Tunay itong napakasarap, kaya't hindi ka magsasawang kainin. :D
ReplyDeleteNapaka sarap ng baked ziti lalo na kung ma keso ito, at lalo na kung may kasalo ka dito..:)
ReplyDeleteWow! Nakakatakam naman iyan. Gusto ko makita ang nagningning at naghugis bituin na iyong mata habang kinakain mo iyan :D
ReplyDelete-tweet
yey. :) nararamdaman ko ang kasiyahan mo kapag tinitikman mo iyan :)
ReplyDelete-bianca
mahilig din ako sa pasta.. at ang mga kauri nito..
ReplyDeletekakaibang pangalan, baked mac lang pala.. hehe..
=marianne=)))
WOOOW! Ansarap naman niyan! Ipagluto mo ko ah! :)
ReplyDeleteHindi ka nagkakamali dyan Bb. Madrid :p mahilig din ako sa Italian food at ang baked ziti nga ang isa sa pinakakinatatakaman ng lahat :)
ReplyDeleteisa rin yan sa mgha paborito ko dahil masarap talaga:)
ReplyDeletemarj :)