Sunday, November 21, 2010

I ♥ FRENCH FRIES!!! :D



Sino nga ba sa atin ang makakatanggi sa sarap na taglay ng FRENCH FRIES? Malamang lahat tayo ay nakakain na nito. Ang french fries ay kilala sa buong mundo. Ito ay patatas na hiniwa nang mapapayat at pahaba. Madalas itong nabibili sa mga fast food restaurants. Ito ay piniprito at maraming klase ng flavor ang pwede ritong idagdag. Ang pinakamadalas na ilagay ay ang cheese powder, sour cream powder at barbecue powder. Yung iba naman ay binubudburan ito ng garlic powder, onion powder, black pepper, at asin. Ang tawag naman dito ay “seasoned fries”. Marami pang klase ng french fries. May tinatawag na “twisted fries”, “curly fries”, “thick-cut fries”, “shoestring fries”,”jojo fries”, “crinkle fries” at marami pang iba. Ito ay masarap kapag may sawsawan gaya ng ketchup at mayonnaise.

Kaya naman ang french fries ang pinakapaborito kong pagkain. Sa tuwing ako ay kakain sa mga fast food restaurants, palagi akong umoorder nito. Kahit naglalakad lang sa mall, kapag nakakita ako ng kiosk na nagtitinda ng french fries, ay hindi ko maiwasang  bumili. Hinding hindi ko makakalimutan yung mga oras na sa tuwing kakain ako nito, halos makailang ketchup na ako sapagkat mas nasasarapan ako rito kapag maraming ketchup. Madalas pa nga ay ang inoorder ko ay ang pinakamalaking size. Kahit na hindi na ako kumain ng kanin, basta’t may french fries ay ayos na sa akin.   At hilig ko rin itong isawsaw sa napakasarap na vanilla ice cream! Isa pa sa hindi ko makakalimutan tungkol sa french fries ay ang tungkol sa di umano’y ang french fries sa isang kilalang fast food chain ay hindi ligtas kainin sapagkat may kumakalat na balita noon na may nageksperimento tungkol rito at ito raw ay puro preservative. Ayon sa eksperimento, 90 na araw nilang iniwan ito kasama ng isang hamburger na nakasilid sa garapon at napansin nila na ito ay hindi nabubulok at hindi nagbabago ang hitsura, samantalang ang hamburger ay bulok na bulok na. Kaya simula noon ay sinabihan ako ng aking nanay na iwasan ng kumain nito.

Ang sabi  nga sa amin ng aming propesor noong unang semestre, kaya hindi natin maiwasan ang pagkain nito sapagkat kailangan natin ang carbohydrates. Ito ang nagbibigay sa atin ng sapat na enerhiya sa katawan, kung saan mayaman ang french fries. Pero kahit gaano pa  ito kasarap, dapat pa rin natin pag-ingatan ang ating katawan. Sapagkat ang french fries ay may mataas na calorie content. Kahit na mayroon din itong vitamins C, E at B6, iron, magnesium, zinc at iba pa na malaking tulong para sa pagpapalakas ng ating katawan.
  
-- Christelle Roeland G. Cafirma

23 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Wow, haha. :) ako din. Grabe din ako makapagketchup kapag mga fries. Umaabot ako ng 12 na sachet sa Mcdo.! Masarap nga yan.
    -- cams :]]

    ReplyDelete
  3. Masarap! :)) Paborito ko ang cheese at BBQ flavor. :D

    ReplyDelete
  4. Tama! Masarap nga ang fries halos lahat yata ng tao kumakain nito ee. .haha!

    ReplyDelete
  5. .. hmmmm .. gnutom mu nmn aqo dito .. :) alm mu bang fries is one of my fav. snack .. at dhil jan ttreat mqo kpg ngkita tayo .. :) seriously, your article about this is good .. keep it up .. :)


    -mr.keyt-

    ReplyDelete
  6. talagang walang tatalo..hahaha fries pa rin..nakakagutom..

    ReplyDelete
  7. :D wow,nicely done, :D good work, and I agree french fries really is delicious! :D~♥

    ReplyDelete
  8. Yummmmmmy Fries!I like!

    Maaaaaaasarap na Fries!Gusto ko!

    -Enna V.

    ReplyDelete
  9. french fries, snack ng bayan! sarap!. Sana isang araw ay i-libre mo ang lahat ng t4 students ng french fries.:) Nice one!..:)

    ReplyDelete
  10. french fries!! sarap yan kapag ang sauce mo eh ketchup at mayonnaise.:))

    ReplyDelete
  11. Sang-ayon ako sa pananaw mo sa french fries :). Ito ay isa sa mga pagkaing mapagsasaluhan nyo ng iyong mga kaibigan. Masarap at masustansya. :)

    ReplyDelete
  12. tlgang msrap ang french fries...mgandang panghimagas

    ReplyDelete
  13. Ay tamaaaa! :) This post is just in time. I'm presently addicted to dipping McDo Fries in hot fudge sundae. :"D

    ReplyDelete
  14. wow sarap talaga ng fries!!lalo na ung crispy na fries.haha! masarap din naman ito kapag may ice cream haha

    ReplyDelete
  15. kkagutom naman.... sbagay msarap tlaga ang french fries....

    ReplyDelete
  16. sarap ng fries.. kia paminsan cafirma libre mo ako ng fries ah?? hihihi :D

    ReplyDelete
  17. napakasarap nga nitong pagkain na ito. :))
    Job well done :D

    - megan

    ReplyDelete
  18. I agree with all the things written here. Masarap talaga ang French Fries especially kapag may sawsawan na Ketchup, Mayo and Chocolate Sundae. Good Job! :)

    ReplyDelete
  19. Ansarap naman nya Ira :D Gawan mo kami ni ruth! HAHA. Halatang punong-puno ng french fries katawan mo ah :D Mua.

    ReplyDelete
  20. ako din paborito ko rin iyan. :)

    ReplyDelete
  21. Wow! Ako rin, favorite ko yang French fries.
    Kahet Mcdo pa yan, or KFC. PABORIT KO LAHAT YAN! Ahahaha! :P

    ReplyDelete
  22. buti na lang tinuruan na tayo gumawa ng fries abot kamay na ang fries sa bahay,hehe :)


    marj :)

    ReplyDelete